TEASER“Thea may nagpapabigay sa’yo.” Inabot ni Tina na classmate ko sa isang subject ang isang kulay asul na box sabay ngiti kaya naman lalong naging visible sa mga mata ko ngayon ang tinga niyang kahapon pa yatang hindi matanggal-tanggal. Eeewww!!! Wow ha simula pa lang sa story ko may panira na kaagad. Ang sarap lang kasing kutsarahin ng kanyang nangangapal na tinga.
“Sino?” maikli kong tanong sabay harap sa ibang direksyon. Naamoy ko na kasi ang “power” ng baho ng kanyang hininga. Hindi naman sa pag-iinarte pero… Sige na nga, maarte talaga ako pero hindi masyado. Naranasan niyo na bang magpigil ng hininga ‘pag may di kanais-nais na amoy? Well yun lang naman ang ginagawa ko ngayon. Pigil-hininga to death.
“Secret.”
Hindi ko alam pero para bang nanadya talaga siyang ipalanghap sa akin ang hininga niya dahil pagkasabi niya sa salitang secret ay may halo pang patilamsik ng laway sa mukha ko. Pinagsisihan ko tuloy ang humarap ng di oras sa kanya para magtanong.
“Malalaman mo rin.”
Minabuti ko ng tumalikod para umuwi. Total wala na namang kailangang gawin dito sa school at malapit lang ang boarding house na tinutuluyan ko. So no worries at all.
Now back to the blue box, katatapos ko lang magreview sa’king mga notes nang maalala ko iyon. Nacurious ako kanina kung ano ang laman ng box kasi magaan lang. At nadistract rin ako sa nag-abot. Kinuha ko agad ito sa backpack at binuksan.
Walang laman. Ano ito lokohan?
-----------------------------------------------------------
“Naibigay mo na ba?”
Umalingawngaw sa loob ng madilim na kwarto ang baritonong boses ng isang lalaki.