Prologue

7 0 0
                                    


"What are you doing here, Samantha? Didn't I tell you to not enter this room until I said so? Your just disturbing me, can't you see?" ang galit na boses ng ama ang bumungad sa dalagitang si Samantha pagpasok nya sa library nito. Ilang sandali syang hindi nakaimik dahil sa sobrang pagkabigla. It was the first time she heard that tone from her father. Madalas man silang hindi magkita at kung magkita man ay parang hangin lang kung daanan sya nito, but she never saw and heard him to be this angry.
"Dad, I'm sorry if I disturb you. I didn't mean to intrude. I knock but you seem so oblivious to whatever your doing," paliwanag nya dito ng makabawi sa pagkabigla.
"You know that I'm a very busy man, Samantha. You didn't seem to get the message, did you? When someone knocks the door at hindi iyon binuksan ng nasa loob o kaya naman ay hindi sinabing pumasok. You should know what it means, right?"Ibinaba nito ang hawak na ballpen sa ibabaw ng tambak na mga papel na hinuha nyang mga papeles. Iyon siguro ang pinagkakaabalahan nito kanina bago nya ito inisturbo.
Pinagsalikop nito ang mga kamay and look firmly in her eyes. Napayuko sya dahil hindi nya kayang salubungin ang tingin nito na tila ba pakiramdam nya ay hindi sya nito anak kundi isang tauhan sa bahay na iyon na kailangang sumunod dito.
"Alam ko po and I'm sorry again," sagot nya sa mababang tinig.
"You should be. Alam nyong lahat na hindi ko gusto ang inisturbo kapag andito ako sa loob ng library lalo na kung hindi naman importante." Ibinalik nito ang tuon sa mga papel na nasa harapan nito as if dismissing her. Ni hindi nito tinanong kung ano ang kailangan nya o kung kumasta na ba sya? He just ignored her, just like that. Na para bang hindi sya nag-e-exist sa mundong ginagalawan nito.
"Am I not important to you?" tanong nya ditong punong-puno ng hinanakit ng mapansin nyang parang wala na itong balak pang kausapin sya. Nakita nyang tila nanigas ito sa kinauupuan.
She didn't know what got into her basta nasabi nya na lang kung ano ang nararamdaman nya ng mga oras na iyon. She was always been an obedient daughter. She tried and did everything to please her father, but he was too blind to notice her. Kahit na ilang gold medals at trophies siguro ang matanggap nya ay hindi nya maririnig ang mga katagang proud ito sa kanya bilang anak nito. She was even wondering kung totoong anak ba talaga sya nito, because she never ever feel like one.
"Ano bang klaseng tanong 'yan? Of course you are important to me. You're my only daughter," naiiritang sagot nito sa kanya.
"Is that so, Dad? Then why I don't feel that way?" Parang gusto nyang maiyak ng mga oras na iyon. If she remembers it correctly, it was the longest conversation she had with her father. Kung alam nya lang, sana noon nya pa ito kinausap ng ganoon 'di sana noon nya pa nailabas ang mga natatagong hinanakit dito.
Ilang sandaling napatitig lang ito sa kanya. Sari-saring emosyon ang nakita nyang nagsalimbayan sa mga mata nito. Was it hurt she just saw in his eyes? Or maybe she was just imagining things. Imposibleng makaramdam ng ganoong damdamin ang kanyang ama dahil lang sa sinabi nya. He was always the one who's hurting her and not the other way around. Her father was hard as the stone pagdating sa kanya. And she couldn't understand why. Wala naman syang alam na ginawa nyang mali parang maging kasing lamig ng yelo ang pakikitungo nito sa kanya.
"Why are you really here, Samantha? Sabihin mo na sa akin ngayon kung ano iyon. You're wasting my time." Parang wala lang na ibinalik nito ang tuon sa ginagawa. She really is just imagining things. Hindi totoong nasasaktan din ito ng dahil sa kanya.
She hesitate for a while kung itutuloy nya pa ang gusto nyang sabihin dito. But she said it anyway, "I just want to know if it's true na sa America na ako mag-aaral next school year?"
"It's true,"matipid nitong sagot. "Now, kung wala ka ng ibang kailangan, makakaalis ka na."
Hindi nya na napigilan ang mga luhang nag-uunahang pumatak mula sa kanyang mga mata. Sa sinabi nito, parang pinutol na rin nito ang kakatiting na pag-asa nya para sa kanilang mag-ama. Hindi na siguro matutupad pa ang kagustuhan nya na maging close sila nito.
lIang beses nya bang hiniling sa Diyos na sana katulad din ng mga classmate nya ang tatay nya. Hinahatid sundo sa school, ipinapasyal, at iba pang mga bagay na karaniwang ginagawa ng mag-ama. In her 12years of existence ay hindi nya naranasan ang mga simpleng bagay na iyon. She can be considered a neglected daughter. Naturingang may ama, pero parang wala rin naman.
"But dad, I don't want to go."
"My decision is final, Samantha. You're leaving at the end of the school year. Doon ka na sa mga Tita mo titira," hindi na mababali na sabi nito.
"Dad, ganoon na ba talaga ako kawalang kwenta sa'yo? You want to send me to America so that you can easily get rid of me. Don't you have any love left for me?" Napahaguhol na sya sa mga palad dahil sa matinding emosyong nararamdaman nya. Wala syang nakuhang sagot mula dito. He just looked at her, stunned. His expressions were unreadable.
Tumalikod sya at nagtatakbo palabas ng kwartong iyon. It was too much for her young heart to handle such emotions. Her first heartache and sadly...it was from her own father.

Samantha found herself seating alone in her secret sanctuary na nasa likod lang ng mansion nila. She looked around her. The garden was in full bloom, kabaliktaran ng nararamdaman nya ng mga oras na iyon.
"Psst! Psst!
Napatayo sya sa kinauupuang swing at hinanap ang nagmamay-ari ng boses na iyon. But, she found none. "Who's there?!" pasigaw nyang sabi na halata ang pamamaos ng tinig dahil sa pag-iyak."Whoever you are, lumabas ka! I don't have time for that kind of pranks!"
Sa ilang sandali lumabas ang taong hinahanap nya. Isang patpating binatilyo na marahil ay dalawa hanggang apat na taon ang tanda sa kanya. He was wearing a padded blue jeans, ablack polo shirt and a pair of sneakers ang sapin nito sa paa.
Nakangiti ito ng lumapit sa kanya. He hand her a blue handkerchief. "Here, take this. You should stop crying dahil nagmumukha ka ng mamaw," sabi nito.
Hindi nya ito pinansin, bagkus ay tinalikuran nya ito. Anong karapatan nitong ngumiti gayong namumugto ang kanyang mga mata?
"Just go away, Mr. whoever you are. I don't need your handkerchief, most of all...you!" mataray nyang wika dito.
Talking to a stranger was the last thing she wanted to do. Bakit ba kasi kailangang sumulpot ito doon at isturbuhin ang pag-e-emo nya?
"Okay. If you don't want me here, just take this. I want this handkerchief to be a reminder that once in your life there is someone who wants to ease your pain," wika nito.
Maya-maya pa ay narinig nya na ang papalayong mga yabag. Pumihit sya paharap sa lugar na kinatatayuan kanina ng binatilyo ng masigurong wala na ito. Umisod sya sa pagkakaupo upang abutin ang panyong iniwan nito. Biglang nag-flashback ang mga sinabi nito kanina, 'once in your life there is someone who wants to ease your pain'.
Sino kaya iyon? How he came here? Well, ano bang pakialam nya? Its not as if magkikita pa sila nito. In a week time, after her graduation, she'll be leaving for America at hindi nya alam kung kailan sya babalik o babalik pa ba sya. Her father seem in a hurry to get rid of her at alam nyang kahit anong gawin nya ay hindi nya na mababali ang desisyon nito. Kung sana lang ay may iba syang mapupuntahan.....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MR. WRONG OR MR. RIGHT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon