Tuwing nakikita ko siya, biglang sumasaya.
Nung una ko siyang makita, my heart skipped a beat.
Biglang tumigil ang lahat.
Parang naglaho lahat ng tao sa paligid
at namumukud-tanging siya lang ang nakikita ko.
Ganito ba talaga?
Hindi ko alam, gulong-gulo ako.
Di makatulog, di makakain.
Mahal ko siya
pero ngunit hindi patas ang mundo.
Tila ba'y parang wala ako sakaniya.
Ni hindi niya alam na nag-eexist ako.
Nakakatawa man isipin ngunit iyan ang katotohanan.
Naglakas loob akong sabihin
pero sa tuwing sasabihin ko na, laging may humahadlang.
Mapaglaro ang tadhana.
Yan ang ikot ng buhay ko.
Palaging ibaba, never naging sa taas.
Nasanay akong ganito simula ng nakita ko siya.
Nag-iba bigla ang lahat.
Pero ano ako ngayon?
Namumuhay sa isang kasinungalingan.
Nakangiti ako pero patay ako sa loob.
Wala sa sarili.
Ang gulo ko ba?
Kahit ako naguguluhan rin.
Sisimulan ko na ba?
Hindi ko pa kaya.
Pero sana, sa pagpapatuloy ng agos ng storya ko, andyan pa rin kayo.
Hindi ito ang pinakamaganda
dahil gugustuhin kong ito ang maging katangi-tangi.
Ako si Mimay, short for Mica May.
Sisimulan ko na ang kwento ko.
BINABASA MO ANG
Hindrance
RomanceHanda ka ba sa kahit na anong mangyari sayo saalang-alang lang na makuha mo ang gusto mo? Lalaban ka ba sa labang alam mo namang talo ka simula pa lang? Isusugal mo ba kahit ang katiting na pag-asang meron ka para lang makuha siya? Ipagpapatuloy mo...