Being perfect, hmm, masaya kaya maging perpekto? Magkakaroon kayo ako ng madaming kaibigan? Madaming kaclose? Dadami rin kaya magiging manliligaw ko? As if naman na may manliligaw ako haha. May makakapansin na kaya sakin? Well may pumapansin naman sakin pero ayaw ko sa kanya.
Eh pano ba mangyayari yan? Eh maging perfect pa nga lang di ko alam kung pano mangyayari, hayst!
Di naman siguro masama mag-isip ng imposible, diba? Libre nga daw mangarap eh.
Puro na lang ako sana, sana ganto, sana ganyan, sana ito na lang, sana sana sana...
Ano bang mangyayari sa sana ko? Eh ni move nga para matupad ko ang mga wants ko wala ako eh. Kasi nga nakakatamad.
Humarap ako sa salamin, itinaas ng konti ang shirt ko ayos lang para makita ang tyan ko. Tumataba na talaga ako! Hanep na yan! Nerd na nga! Loner na nga! Mataba pa!
"Hi?" Napatalon na lang ako sa harap ng salamin nang may marinig akong boses.
Napapikit ako, gosh naman kasi! Matatakutin ako! Kung yung sa mga movie natatalo pa ng bida yung takot nya para sa curiousity eh ako? walang binatbat curiosity ko sa takot ko. Huhuhu.
Tinakpan ng dalawa kong kamay ang dalawa kong mata. Nagleave rin ako ng konting butas ayos lang para makita ang dadaanan ko.
Nagtataasan pa rin ang balahibo ko, may tao kaya sa likod ko? Sinusundan ba nya ako? May hawak ba syang nakakamatay at any second ba ay papatayin nya ako? O kaya multo ba sya na nakakatagos sa dingding...geez.
Dali-dali akong naglakad papunta sa pinto ng kwarto ko. Iniwasan kong tumunog bawat hakbang ko. Kasi naman eh! Bawat hakbang ko bumibilis ang tibok ng puso ko, ganito na ba ako katatakutin?
"You're leaving na agad?" I freaked out like 'OH-MY-GOSH-OH-MY-GOSH-OH-MY-GOSH' na parang sinasabayan ang mabilis na pagtibok ng puso ko hawak-hawak ang dibdib ko at pilit na pilit kong sinarado ang mata ko as in.
Tinanggal ko ang kamay ko sa kamay ko at kinapa-kapa ko ang paligid, shete kang doorknob ka! Nasan ka ba! Kung kailan kita kailangan eh! Dahan-dahan kong iniibo ang mga paa ko, iniimagine na malapit na ako sa pinto kahit na hindi naman talaga ako sigurado.
"Wop! Wop! Wop! Dahan-dahan mababangga ka" Napatalon na ako, yung talon na pangcontest! Hanep! Naiiyak na ako! Para akong bata na natatakot sa maliliit na bagay pero seriously! Ghost isn't small things! Hindi ko pinansin ang sinabi ng creepy voice na yun at diretso pa rin sa paglakad.
*boogsh*
"Ouch!" Napaupo na lang ako sa sahig. Grabe nabangga ako sa kabinet ko. Hinawakan ko ang ulo ko. Hanep! May bukol pa ata ako.
Maya-maya'y may nag-abot ng kamay sa harap ko. Inabot ko naman agad yun habang hawak-hawak pa rin ang ulo ko. Grabe bagal na nga ng lakad ko, nabangga pa ako! At ano pang silbi ng pakapa-kapa ko? Di ko rin naman nagamit ng maayos ang kamay ko! Grrr.
Tunayo na ako at hawak-hawak pa rin ang ulo ko.
"Salamat dre ha!" Sabay ngiti sa kanya, nakipagyakapan pa ako.
"Welcome" nagpipigil ng tawa nyang sabi.
Tinaasan ko sya ng kilay at nagcross-arm ako,
"Anong tinatawa tawa mo dy-" OH-MY-GOSH-OH-MY-GOSH!! Nanlaki na lang ang mata ko nang makita ko ang isang hindi pamilyar na tao dito sa loob ng kwarto ko, don't tell me!!!
"Hi, I'm Jonas"
Dumistansya ako sa kanya, shet naman! Kinakausap ako ng multo! Walang lumalabas na boses sa bibig ko, gusto kong sumigaw pero di naman ako makasigaw. Natameme na lang ako.
"Wanna wish?"
*****
BINABASA MO ANG
Loner's Wish
Teen FictionShe is Ingrid Kate Collins, the girl loner who met a Genie. "Alam mo ba yung pakiramdam na parang invisible ka, na wala silang pakialam sayo, na minsan na nga lang sila magkapaki sayo lalaitan at aawayin ka pa? Tss. Mga tao nga naman" "Alam mo ba yu...