PROLOGUE

453 51 120
                                    

Alam ko na mahaba pa ang bibilangin kong taon bago ko siya masisilayang muli. Ngunit para sa kaniyang kaligtasan, kailangan ko siyang pakawalan at hayaan ang tadhana na magtakda ng tamang panahon kung kailan kami magkikita muli.

Elizion...

"Lumitaw na ang blue moon!"

"Ihanda na ang seremonya sa pagbubukas ng lagusan!"

Pinalibutan na ng mga tagapag-alaga ng lagusan ang mahiwagang balon hudyat na magsisimula na ang seremonya sa ilalim ng blue moon. Lumapit na ako sa balon hawak-hawak ang natutulog na katawan ni Elizion. Ilang sandali na lang at tuluyan na siyang mawawalay sa piling ko. 

"Oh hear thy servant, goddess of the second moon. We plead.
Mercy abide upon this vessel, breathe a new life upon the dead.
Let dimensions reverse. Let time and space freeze.
Let this portal lead the way to a new heaven and new earth.
To the heavenly rulers, the king and queen of day and night,
Until the blue moon reveals itself again, let her be hidden in your light
Let the prophecy come undone! Let it be fulfilled in the appointed time!"

Matapos bigkasin ng mga guardians ang mga linyang ito mula sa aklat ng araw at gabi, nagsimula na ring lumiwanag ang mahiwagang balon.

"Oras na, kamahalan." Wika ng pinuno ng mga tagapag-alaga hudyat na kailangan ko na talagang bitawan si Elizion.

"Alam kong mahirap ito para sa'yo ngunit kailangan mo itong gawin para na rin sa sarili niyang kaligtasan."

"Alam ko..."

Elizion...

Maghihintay ako hanggang sa susunod na paglitaw ng blue moon.

Ilang dimensiyon man ang pagitan nating dalawa. Ilang henerasyon man ang magdaan, hahanapin kita...

At ibabalik kita sa mundo ng Aragona...

A Tale from the MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon