Chapter 1

334 52 116
                                    

[JUDETTE's POV]

Judette...
Judette...
Judette...

That voice. It's calling me again...
Hindi ko alam kung kailan at saan ngunit nang sandaling narinig ko uli ang boses na iyon, may kung anong kirot akong naramdaman.

Malumanay itong bumubulong sa aking tenga subalit sa pagdaan ng oras mas nagiging malamig ito at nagpupumilit na sundan ko ito kahit saan man ito patungo. Before I knew it, nasa dulo na pala ako ng bangin. Nakatingin ako sa mga malalakas na alon na humahampas sa malalaking bato. Ang ganda ng scene sa ilalim pero mas nabighani ako sa liwanag ng buwan. Para itong reyna na naghahari sa kalangitan at 'yong mga bituin ay ang mga kawal na pumuprotekta sa kaniya. Alam kong hindi ito isang ordinaryong full moon lamang. Kakaiba ang isang 'to. It's eeringly beautiful. Ominous pero nakakabighani. Habang tinititigan ko ito, mas lalo akong nanghihina at pakiramdam ko ay hinihigop nito ang lakas ko gamit ang kaniyang liwanag. Hindi ko alam na nasa dulo pa pala ako ng bangin.

Maya-maya'y naramdaman ko na lang ang lamig ng mga kamay na nakapulupot sa'kin. Bumalik ang boses na kanina ay biglang nawala. Bigla akong nanlamig nang maramdaman ko ang pagdapo ng mga labi nito sa'king tenga na para bang merong taong nakayakap sa'kin pero hindi ko naman makita.

"Oras na." sambit nito sa malamig ngunit kalmadong boses.
Nakadampi pa rin ang labi niya sa tenga ko kaya ramdam ko ang biglang pag-angat sa gilid ng labi niya na para bang nakangiti ito habang sinasambit ang salitang oras na.

Oras na?

Gusto kong lumingon sa kaniya pero hindi ako makagalaw. Bago pa man ako makakilos ng malaya, tinulak na niya ako upang mahulog sa bangin. Sa aking pagkahulog, naramdaman ko ang matinding takot na bumabalot sa sistema ko.

Ito na ba ang katapusan ko?

Hinampas ng malamig na tubig ang katawan ko. Hinihila ako hanggang sa kailalimang parte kung saan nahihirapan na akong huminga at parang sasabog na ang dibdib ko.


Weird. Kahit malamig sa ilalim ng dagat, bakit nararamdam ko pa rin ang init? Para bang may yumayakap sa' kin. Sino?

"Gising."

Gising?

"Hoy, bata. Gising na." Bata?!

Bigla kong minulat ang mata ko sabay huminga ng malalim na para bang kakaalis ko lang mula sa tubig at kailangan kong makahinga ng maayos. Ang unang bagay na ginawa ko ay dali-daling icheck ang damit ko kung basa ba ito o hindi. Buti na lang tuyo.

Tinitigan ko ang paligid at ang unang bumungad sa paningin ko ay si mamang konduktor na nakatayo sa harapan ko at tila mainitin ang ulo. Wala ako sa tubig at wala rin yung weird na boses! Ibig sabihin, panaginip lang ang lahat.

Phew, salamat naman kung ganoon. Akala ko patay na ako. Akala ko nga nasa heaven na ako. Thank God buhay pa ako.

"Nandito na tayo sa pier. Bababa ka na ba o hindi?" tanong ng supladong mama.

Ewan ko ba kung bakit ang init ng ulo niya, nakabayad naman ako ng pamasahe sa bus. Masama bang matulog sa loob ng sasakyan? Tinitigan ko ang paligid at wala na palang tao sa loob. Lahat nakababa na. Dali-dali kong isinuot ang malaking travelling knapsack at bago pa man ako makalabas ay tinawag ako uli ng mamang konduktor.

A Tale from the MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon