Narinig kong tumunog na ang alarm clock ko. Gusto kong patayin ang ingay no'n para makatulog ulit ako, pero ni-isa sa mga kamay ko ay ayaw kumilos para gawin iyon. Ilang minuto ring nagtututunog ang alarm ko clock ko bago ko napagdesisyunang idilat na ang mata. Iniunat ko ang dalawang kamay pataas sabay pinatay ang kanina pa nag iingay na alarm clock.
6:17 na ng makita ko sa orasan, halos kinse minutos ding nag ingay ang alarm clock ko. Mala-late ako nito shit! 7:30 ang pasok ko, pero kulang na kulang pa rin ang isang oras na pagitan para makapag ayos ako. Hindi ko alam kung bakit pero mabagal akong kumilos. Slowly but surely. Kahit anong bilis ko, na akala ko ay mabilis na, mabagal pa pala.
Tumayo na ako sa kama at pumasok sa banyo, naligo at nag toothbrush. 6:50am nang matapos ako. Kinuha ko na ang mga gamit ko at bumaba na sa kusina. Habang naglalakad ako papuntang kusina, amoy ko na ang kakaibang amoy ng pancake. Nang makarating ako sa kusina, umupo na agad ako sa upuan sa tabi ng lamesa.
"Good morning Bessy!" Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Aisha.
Napatingin ako sa kanya na naglalagay ng pancakes sa plato.
"Morning." Bati ko na may pagtataka kung bakit sya nandito.
"Dito ako natulog." May kung ano at nabasa nya yata ang tanong sa isip ko.
"Ah." I nodded.
Kinuha ko na yung nilagay nyang pancakes sa lamesa. Inabutan nya rin ako ng tinidor. Binuhusan ko ng chocolate syrup ang pancakes ko at kumain na.
"Wala ka bang pasok?" I asked as I bit my pancake.
"Mamaya pa." Maikling sagot nya habang tinatanggal ang potholder sa kamay nya.
"Good to know, wag kang aabsent ah?" Paalala ko sa kanya.
"Hindi naman ako katulad mo na umaabsent kapag trip lang!" She playfully rolled her eyes on me as she poured vanilla syrup on her pancakes.
I hate vanilla!
"Hindi na nga ako umaabsent ngayon e, ayokong tumanda sa college." Pagtatanggol ko sa sarili.
Ngumiti lang sya sa akin sa sumubo na ng pancake nya.
"Kapag nagkabahay ako, gusto ko ikaw magdedesign ah?" Nakangiting sabi nya.
"Bakit ako? Madami namang professionals dyan." Pagtanggi ko.
Kahit ako kasi sa sarili ko, hindi naniniwalang magaganda ang mga naiisip kong designs. May pagkakataon pa nga na tinapon ko yung gawa ko tapos kinuha nung classmate kong gago, and he claimed na kanya daw ang design. Nagandahan naman ang professor namin. Hinayaan ko na lang, inisip ko na lang na basura ko lang iyon, I can do better!
"Syempre gusto ko kung ano yung ideal house mo, yun ang maging design ng bahay ko." Paliwanag nya.
"Wala kang mapipili sa mga designs ko, it's either too common or impossible to build." I chuckled.
"Masyado mong minamaliit yung sarili mo." She frowned.
"Sige, gagawa ako ng pinaka unique na design ng bahay na maiisip ko tapos humanap ka ng mga engineers na kayang gawing true to life ang mga drawing ko." I challenged.
"Deal!" She accepted the challenge. "Basta ba makatotohanan yung design na gagawin mo e." She added.
Tumawa lang ako ng mahina at tumingin sa phone ko kung anong oras na, 6:59 bullshit! I know I'm going to be late!
"God! I already have to go Ai, see you later." Tumayo na ako at hinalikan sya sa noo.
Ginagawa ko talaga iyon, dahil sign iyon ng pagrespeto sa mga babae.
