Author#12 - stuckindreamworld

519 6 2
                                    

Author #12 - stuckindreamworld

Twitter: N/A

Fb Account/Fb Fan page: N/A

________________________________________________

STORIES

• Forgotten Labyrinth

• Daddy?

• Tanong ng Tanong (One Shot)

• Dreams, Destiny, and You? (Book 2 of Daddy?)

___________________________________________________

INTERVIEW SESSION WITH MISS STUCKINDREAMWORLD

Legend:

Q stands for Question

A stands for Answer

--

 Q: Anong nickname or name ang gusto mong itawag namin sa'yo?

A: Louise or simply L. Ate L kung mas matanda ako sa'yo. Yun kasi madalas na tawag nila. Pero kahit ano naman pwede, kung anong trip niyo.

Q: Bakit yan ang napili mong username?

A: Mahilig kasi akong magdaydream. At gusto ko yung salitang dream. Mahilig ako sa fantasy, sa malayo sa katotohanan. Masayang managinip eh. Pfft. :3

Q: Ilan taon ka na? Ayos lang kahit di mo sabihin, just give us a hint. Haha

A: Kagagradweyt ko lang sa pagiging teen. Alam niyo na yan. Pero madalas akong pagkamalang piptin. Ate ko nga raw yung bunso kong kapatid eh. Lungyu. -.-

Q: Estudyante? Nagtatatrabaho? Anong year? Course? Career? Sabihin mo!! =)))

A:  Tamad na estudyante. Dejk. Nagpapart time job minsan. BS in Information Technology. 3rd year pero dapat graduating na sana kaso ayun. Basta. Mahabang eksplanasyon, tinatamad akong itype. Haha. :D

Q: Give 5 Random facts about yourself

A: 

-Mahilig ako sa music. Halos lahat ng genre pwera Screamo. -.-

-I love Arts and Literature kaya mahilig akong magbasa at magdrawing. Basta anything related.

-Tahimik. Mahiyain ho ako sa personal pero walanghiya sa mga kaclose ko. :3

-Weirdo. Bipolar po ako. Minsan mabait, minsan masama. Pfft. 

-Medyo boyish. Mahilig ako sa mga online games dati nung hindi pa ko busy. Yung mga Dragon Nest, Dota, Barilan, Ragna, Rakion. Ganun. Mahilig rin akong manuod ng anime, magbasa ng manga at etc. 

Q: Anong nagustuhan mo sa Kathniel?

A: Nakakakilig sila. Effortless chemistry. *O*

Q: Bakit ka naging Kathniel fan?

A: Dahil nangyari na lang. Kasalanan nung Growing Up! HAHA. Pero dati na kong fan ni Kathryn, bata pa lang siya. :3

Q: Saang lupalop ng mundo mo na-diskubre ang salitang 'wattpad'?

A: Kay Pareng Facebook ho!  

Q: Kwento mo kung anong nangyari sa unang pag log in mo sa wattpad. Naligaw ka ba? Nabaliw? Kung ano ano pinagpipipindot pindot mo? Ano?! Haha

A: Aba'y ewan. Ang tanga ko pa ata nun. Curious na curious. May clinick akong isang story, sinimulan kong basahin. Ayun wala na. Naadik na ako sa watty. Nabaliw na(Pero matagal na ho akong baliw. Pfft). Tsk tsk. XD

Q: When did you 1st start making your own stories? At anong nag-udyok sa'yo para mag sulat?

A: I dunno? Ngayong college lang ata. Nung first year college ako. Hindi naman kasi ako mahilig magsulat nun, mahilig lang magbasa. Pero gusto kong gumagawa ng mga poems. ^O^ Poem-like nga yung una kong ginawang prologue e kaso dinelete ko na, pure English sana yun e kaso hirap. -.- Uhm. Anong nag-udyok? Yung kapatid ko dito sa watteh. Yung perst prend ko. :))

Q: Anong story na nagawa mo ang pinakanagustuhan mo? Bakit?

A: Eh. Ang hirap naman. Hindi pwedeng lahat? XD. Gusto ko sila lahat eh. T_T Kasi pinaghirapan ko lahat yung mga yun. Pantay-pantay lang. Dugo at pawis ko yun. Dejk. Hoho. :3

Q: Saan ka comfortable na genre?

A: Romantic Comedy. Teen Fiction. Mystery. Slice of LIfe.

Q: Anong naramdaman mo ng sumikat at tumatak sa puso't isipan ng readers ang stories mo?

A: Overwhelmed. Masaya po. Nakakaiyak po sa tuwa. Hindi ko akalain na dadami ng ganun yung readers.

Q: Who's your favorite authors? At anung story ang pinaka nagustuhan mo na gawa nila?

A: 

HaveYouSeenThisGirl - Diary ng Panget, She Died

witcheverwriter - BME 1, 2, 3 

i_love_kyle - A Kiss in the Rain

Q: Alin sa character mo ang sa tingin mo ay may pagkakatulad sayo? (Similarity sa ugali)

A: Xanthe. :))

Q: Gusto mo ba makapagpublish ng libro?

A: Pwidi. Piru dipindi. Dejoke. Haha. Oo naman po, pero hindi pa sa ngayon. Saka Kung makapublish man someday, pen name po, ayoko ng real name. Walang naakaalam. Hideout ko 'tong watty eh. HAHAHA.

Q: Kung bibigyan ka ng opportunity na makapagpublish. Anong libro ang ipupublish mo? Bakit?

A: Daddy? kasi nandun na halos lahat ng genre. And it's not just about love, it's main theme is about family kaya nga Daddy ung title. :)

Q: Give 5 random facts tungkol sa pagsusulat mo, o sayo bilang writer?

A: 

-Gabi o madaling araw ako nagsusulat. Mas gumagana utak ko.

-Imaginative. Creative. Kaya nga daydreamer eh. Dejoke. :3

-Nakikinig ako ng music o kaya kumakain ng chocolate habang nagsusulat.

-Kung sinusulat ko yung POV ng isang character, feeling ko ako rin yun. I am all my characters. Mapabida man o kontrabida. Be your character. Halos lahat naman siguro ng author, ganun eh. You have to be in their place para masulat mo ng maayos yung scenes at lines nila. Kaya nga yung mga writer naiiyak din pag nagsusulat siya ng nakakaiyak. Ramdam kasi. :) 

-Kung hindi ako inspired na magsulat. Nanonood ako ng drama/movie/anime or what tapos ayun, gaganahan magsulat. Bonus, may napupulot pa kong mga ideas. 

Q: Any tips para sa baguhang writer?

A:  Write what you want. Write what you feel. Write and write and write. Think positive! Express yourself. :))

Q: Message mo para sa fans/followers/supporters/readers mo.

A: Pinapabatid ko po ang walang hanggang pasasalamat ko sa pagsuporta niyo sakin simula nung Book 1 ho ng Daddy? hanggang ngayon at sa lahat ng stories ko. Thank you po ng marami. Mahal na mahal ko kayo at mamahalin ko kayo hanggang sa paggunaw ng mundo. :*

______________________________________________

MY MESSAGE FOR MISS STUCKINDREAMWORLD:

Tawa ako ng tawa sa mga sagot mo. I love you ate L! :)) Nakakatuwa at napansin mo ang aking munting interview. Wahhh! Ang saya!! ^u^ I'm a big fan kasi talaga ng iyong gawa na "Daddy?" Sana ma-publish yun bilang book. Pag nagkataon, bibilhin ko buong National book store. AHA :D

Interview with Famous Kathniel AuthorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon