Bestfriend

8 0 0
                                    


"Noong unang beses kitang nakita nainlove na ako sayo. Noon una hindi ako naniniwala sa love at first sight. Pero nun nakita kita naniwala ako bigla. Mas lalo pa ako nainlove sayo nung mas lalo kitang nakilala. Ang ganda mo na hindi lang pala sa panlabas na anyo maging sa panloob. Ang pagiging malalahanin mo. Pagiging mabait. Kaya sana, isa lang ang hiling ko. Sana tanggapin mo ang pag-ibig na inaalay ko sayo. Mahal na mahal kita. At hindi ako makakapayag na mawala ka pa sakin. Anna, Pwede ka bang maging girlfriend ko habang buhay?."

"Mahal din kita Andrei matagal na. Oo. Oo ang sagot ko."

"Ayan. ayan pala ang isasagot ni Anna. Kapag sinabi mo sa kanya yan. Kikiligin yun for sure. Sasagutin ka na niya Andrei. Promise. HAHA." - Isay

"Talaga Bestfriend?? Haha. Buti naman. Salamat talaga Isay ah. Kapag wala ka sino nalang tatanungin ko tungkol dito. Buti nalang talaga Bestfriend kita." -Andrei

"Buti nalang talaga bestfriend mo ako. Haha." - Isay

Bestfriend mo lang ako. :( Ang sakit marinig sa taong mahal mo na may mahal siyang iba. Ang sakit. Elementary palang crush ko na si Andrei. Crush na lumalim, naging puppy love, first love at ngayon Mahal na Mahal ko siya. Pero, kaibigan lang ang tingin niya sakin. BESTFRIEND. Takbuhan kapag nag-away sila ng GF niya. Hingian ng payo ng paulit ulit niyang problema sa pag-ibig. Sinubukan ko humanap ng iba para lang makalimutan ko ang nararamdaman ko para sa kanya. Nagkaroon ako ng ibang gusto pero di rin nagtatagal dahil hindi ko talaga kayang lokohin ang sarili ko. Na kahit anong gawin ko. Inlove ako sa bestfriend ko.

"Isay, alis na ako ah. Nagpapasundo na si Anna eh. Kita nalang tayo mamaya. Babalitaan nalang kita. Alis na ako. Bye. Ipagdasal mo ko ah. Thank you bestfriend." -Andrei

"Sige. Ipagdadasal ko na maging successful yun plano mo."

Kahit masakit :(

🐼🐼🐼🐼🐼🐼🐼🐼🐼🐼🐼🐼🐼🐼🐼🐼🐼🐼🐼🐼🐼🐼🐼🐼🐼🐼

Text message :

Frm: Andrei

"Best. Nasan ka?"

To: Andrei

"Dito ako sa bahay. Bakit?"

Frm: Andrei

"Puntahan kita dyan ah. :("

After 1hour

"Best?" - Andrei

"Yes. Bestfriend nandito ako sa terrence. Akyat ka nalang."

"Oh bakit ka malungkot Andrei?"

"Eh kasi bestfriend :(." -Andrei

"Ok lang yan best. Marami pang iba dyan. Makakahanap ka din ng para sayo. Wag kana malungkot."

"Eh hindi naman ako malungkot eh." -Andrei

"Huh?"

(Nang biglang niyakap ni Andrei si Isay.)

"Napaka saya ko nga best, sinagot na niya ako. umo-o na siya. Wooh. Yung sinabi niya na Mahal niya ako. Parang langit sa saya. Di ko alam kung ano gagawin ko. Basta ang ginawa ko nalang niyakap siya ng mahigpit. Ang saya saya saya saya ko ngayon best. Dapat magcelebrate tayo ngayon. Ano Ok kaba? Tara." -Andrei

"Masaya rin ako para sayo. Best, sa wakas. Haha. Sabi sayo eh sasagutin ka niya eh."

"Thank you talaga ah. Ano tara na celebrate tayo? Libre ko." -Andrei

"Nako. Best masama pakiramdam ko ngayon eh. Next time nalang tayo mag-celebrate. Haha."

"Ok ka lang ba? Ano masakit sayo?" -Andrei

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon