Dear Dylan (One Shot)

361 12 19
                                    

Dear Dylan (One Shot)

"Okay class, bring out your homework." sabi ng teacher namin sa Values. Shit just got real. Kinakabahan na ako, and at the same time, humihiling ako na sana lamunin na lang ako ng lupa.\

Tumingin muli ako sa confession na ginawa ko at napahinga ng malalim. Ito na 'yung moment of truth na sinasabi nila. Babasahin ko sa harap ng klase 'tong papel na hawak ko, or let's just say, "love letter".

Para kasi 'to kay Dylan.

Si Dylan Arcenio, kilala bilang captain ng basketball varsity ng school namin.

Makulit.

Mapang-asar.

Cool.

Talented.

At syempre, crush ng lahat.

Siya yung classmate kong walang ginawa kundi tuksuhin ako ng nakakadiring mga bagay dahil lang sa trip nya ang katawang lupa ko. Walang araw na hindi nya ako inasar. Siya si Dylan na pagtatawanan ako kapag mas mataas siya sa score sa quiz kaysa sa'kin, yung Dylan na walang ginawa kundi... pakiligin ako.

ewan. One day na lang gumising ako kinakausap na nya ako, naging close kami to the point na kaya nya akong inisin buong magdamag. One day na-fall na lang ako sa lahat ng nangyayari. Paano ko ba naman masisisi ang sarili ko, eh sya lang naman ang naglakas-loob na makipagkaibigan sa akin sa lahat ng lalaki dito sa school.

Marami na ang tinawag. As always, may kinilig, may natawa, may nadisappoint, may naiyak sa bawat confessions.

"Nikki Francisco!" Tinawag na nga ang pangalan ko. Hindi magkamayaw ang lahat na mga kaklase ko. Alam na kasi nila kung sino ang laman ng "confession" na ginawa ko. Okay. Ito na, Nikki. Kayang kaya mo yan! Wooooh!

"To my friend Dylan," Narinig ko ang malakas na palakpakan ng mga tao, na syang nakakapagpakaba ng loob ko. Txxxxxa gusto ko na talagang magwalk-out! Uggghh!

"...I think you are the most irritating person I've ever known in my entire high school life. But I want you to know something. I hate every single stupid word you always throw at me.  Isa kang malaking panira ng mood. Sometimes I want to slap you in your whole face, to the point na maramdaman mo, maramdaman mo kung gaano kalakas ang tama ko... sayo. There's no one else who can tease me all-day like you. Lagi mo kong tinatawag na "palaka", "engot", "lampa", "torpe", "tanga", "baboy", "alien", at siguro lahat na yata and even "manhid". Minsan natatanong ko sa sarili ko, bakla ka ba? Nakakasakit ka na ng damdamin ng iba, manhid ka pa rin."

"Ooooohhh..." hapyaw ng mga tao.

"Dylan, you're such a mood wrecker. I even warned you before, remember? Sabi ko, please leave me alone for awhile. But you're too pesky that I can't control you. You still nag here and there and blah blah blah. I want you to push away that time, but I can't help it. Natatakot ako kasi baka ikaw naman 'yung magalit sa'kin."

"WAAAAAAAAAAHHH!!!"

"I really really hate you. Of all people, why it has to be you? I know life would be pointless without you. Hey Dylan, you're the only love I've ever known. Sorry, I'm not that romantic. You make me so mad that I ask myself, why I still need to piss myself off whenever you make fun of me? I mean, hindi ba pwedeng layuan mo na lang ako para hindi na ako maconfuse? Please just this once, try not to be so mean?" This time ay tumingin ako kay Dylan. Hindi katulad dati na nakakatawa ang expression niya, pero iba ngayon. Ang seryoso ng hitsura niya.

"I truly don't know what your feelings are, but I don't want to force you to tell me something you don't really feel towards me. I want to receive love and trust from you, kahit na malabong mangyari 'yun. But anyway, I LOVE YOU DYLAN! O ayan sinabi ko na! Huwag mo na akong tawaging torpe! Pero thank you for being so mean. Tsss. SARANGHAE."

Umupo na ako sa upuan ko at napahawak sa dibdib. Parang sasabog. Pero ang sarap sa feeling. Sa wakas nailabas ko na ang totoong nararamdaman ko. Hindi na ako nagkikimkim ng damdamin.

"Okay class, para mas intense, tawagin natin si Mr. Dylan, at pakinggan ang essay niya." Nagulat ako sa sinabi ni Ma'am. Tumingin ako kay Dylan na lumalapit sa harap ng klase, at sinimulan na niyang basahin ito.

"Dear Alexis,"panimula niya na bahagyang ikinakirot ng puso ko. Ang sakit naman. Akala ko, tungkol din sa akin ang confession niya. Tinitigan ko lang ang mga mata nya. Sincere sya sa mga sinasabi nya, sa tono pa lamang ng pananalita nya.

"...I know you like me. You even bring 2 lunchboxes for the both of us. You even allow me to borrow your pencil, or pen, or every single thing that I need. You always have time for me and that's what I like about you. You even insert my name as your signature whenever you send group messages. I appreciate that. Thank you so much Alexis for being a good friend. But..."

Napatigil ako sa "but" ni Dylan.

"...someone already stole my heart," this time, nakatingin naman siya sa akin. My heart keeps on beating fast, like a drumroll. I barely hear my surroundings. It feels like it's Dylan and I's momentum. Nag-aassume ako. Nag-aassume ako na sana totoo ang iniisip at kinukutob ko...

"She's been with me for 3 years. 3 years of having a good friendship. 3 years of having good memories. Salamat sa kanya, mas lalong nagmature ang pagtingin ko sa kanya. I mean, I see her more than friends. Oo, ikaw ang tinutukoy ko, Nikki."

"WAAAHHHHH!!!" sigawan ng lahat. 

"Akala mo ba, kaya kita tinutukso araw-araw ay dahil inis ako sa'yo? Hindi. Way ko lang 'yun para mas mapalapit pa ako sa'yo. 'Yun na lang kasi ang pag-asa ko para hindi malayo sa'yo. Salamat at tinanggap mo ako bilang Dylan na walang ginawa kundi pakiligin ka. Oo ang manhid mo. 'Di mo maramdaman na may gusto rin ako sayo. Basta 'yun. I like you too, Nikki."

.

.

.

.

.

.

"NIKKI! GISING! MA-LA-LATE KA NANAMAN!"

.

.

.

...Napakagandang panaginip

The End.

Dear Dylan (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon