''Pana ni Kupido''
''Pana ni Kupido''
'Di mo lang alam natuto akong umibig dahil sayo,
Na noo'y nagtatanong, ano ba ang kahulugan nito?
Hanggang kailan nga ba ang pag-ibig na itinuro mo?
Kapag ba lumaon at napagtantong hindi pala nakalaan para sayo?
Maraming bagay man ang hindi mo nalalaman,
Patuloy parin ang puso ko sayo'y ilalaan.
Masaktan man, ilang beses mang pumatak ang luha,
Saya sa unang pag-ibig ko ikaw parin ang may dala.
Sabi nila, ika'y nagmamahal kung hindi mo alam ang dahilan.
Sa pag-ibig, walang salitang makapagpapaliwanag sa lahat ng nararamdaman.
Hindi ko alam bakit masaya ako pag nandyan ka,
Parang kulang 'yung araw ko 'pag hindi ka nakikita.
Lagi akong handang tumulong sayo basta't kaya ko,
Kahit hindi ko alam kung napapansin mo.
Hindi naghihintay ng anumang kapalit mula sayo,
Dahil lagi kang nandito at hindi ka lumalayo.
Pag-ibig na tulad ng isang taong nagpapasaya sayo.
'Di maipaliwanag ang dahilan kung bakit mo nararamdaman ito.
Pag-ibig na hindi naghihintay ng anumang kapalit,
Kahit madalas tanungin ang sarili kung bakit.
Ikaw ang nagsisilbing inspirasyon ko,
Sa pag-aaral at sa lahat ng ginagawa ko.
Malalim na nga ang tama sakin ng pana ni kupido,
Na kahit sa anong paraan ay nahihirapan akong tanggalin ito.
Pag-ibig na siyang dahilan kung bakit ko naisulat ito.
Dahil dito, pansamantalang tumigil ang mundo ko.
Ayos lang kahit hindi mo man mabasa lahat ng ito.
Basta ang alam ko lang masaya ako sa nararamdaman ko para sayo.
- JDW
December 17, 2012 at 11:07am