Sayang ...

53 2 1
                                    

"HOY! Bakit tulog ka nanaman ? Bakit basta ako yung makakatabi mo, tulog ka ng tulog. Parang may meaning ah!" sabay batok niya sa akin.

Ano ba naman yan .. ang sarap na ng tulog ko, istorbo talaga toh lagi. Nakakainis =___="

Ako si Sabrina .. SAB for short :D at yung istorbo naman ay si Jam ... yes po Jam as in UBE JAM na masarap kainin para mawala na sa landas ng buhay ko. Joke ^__^V

"Problema mo ba? Pwede ba Jam, manahimik ka nalang?Please?" si Jam kasi seatmate ko yan sa magkasunod na subject. So bale dalawang oras ko ito makakatabi. And thinking of it makes me wanna kill him.

Paano naman hindi eh, ang kulit kulit nyan, ang ingay ingay, at

"ARAAAAAAAAAAAAAYYYYYY!" masakit yan! LAGI SIYANG NANGUNGUROT!!!

Nakakainiiiiiiiiis ... sa pagiging ganyan niya hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko ..

"Ang cute cute mo talaga pag naiinis, Sab ^__^" unti- unti akong nahuhulog sa kanya.

"Tumahimik ka, kung ayaw mong tanggalin ko mga mata mo."

"Haha! Yung puso ko na lang kunin mo.." O___O? Ano daw sabi niya ?

"Ano sabi mo?"

"SAAAAAAAAAAB! Halika dito saglit,  we need you!" biglang sigaw ng isa ko pang kaklase, si Karly. Isa sa mga close friends ko. 

"Ano nanaman ba yan?" kunwaring asar na sabi ko kasi naguusap pa kami ni Jam, biglang sisingit toh.

"Eto .. paano namin kukuhanan itong Linear perspective?" tanong niya, isa po kasi akong photographer.. siyempre mahilig ako sa photography. At saakin umaasa lahat ng kaklase ko sa project namin tungkol sa mga perspective ng perceptions. =__=" Nakakapagod nga mag-explain eh.

At ayun nga nageexplain ako sa kanila nang may sumigaw ...

"WALA DAW SI SER NGAYON! LET'S GO PARTY!" president namin. Cool noh? Looks lang kasi taglay niyan pero loko loko :D

Naghiyawan naman yung iba kong mga kaklase, at ipinagpatuloy ko yung pageexplain ko sa kanila Karly nang may biglang humigit sa kamay ko.

"Tara Sab, libre mo ko pancake." Guess who? It's JAM!

And he's holding my hand!!!! *o* 

Hindi ko napansin nandito na pala kami sa canteen. At hindi niya parin ako binibitawan, SHET! Dapat hindi ako magpahalata na may gusto ako sakanya.

"Jam, let go of me. Pwede ba? Hindi ako aso." binitawan naman niya ako. Masunuring bata pala ito . Ayos :P

Pero pagtingin ko sa mukha niya, para siyang batang inagawan ng lollipop. Hay naku, lagi nalang pancake ng pancake.

"Ate isa nga pong pancake, take -out." sabi ko sa ate doon. Ngumiti naman si Jam. Hayyy cute ka nga talagang Jam ka. Bwiset!

"Salamat SabSab, I sab you ^___^V" oh now you see? Kaya ako nahuhulog sakaya eh.

Para hindi halata ... kinusilapan ko nalang siya.

"Uy Sab, nandito ka lang pala ... Oh Hi Jam ^__^" at nandito nanaman po si Karly, biglang sumusulpot tuwing bumabanat si Jam at wala na akong masabi. Salamat Karly. >.>

"Hi Karly .. gusto mo pancake?" pagaalok ni Jam kay Karly. Tapos sa akin si siya nag-alok? Bastusan ba Jam?

"Ah eh sige .. maiwan ko na kayo ha? Magrereview pa ako. Bye." tapos iniwan ko sila dun, nasaktan ako eh. Hindi man lang niya ako inalok. Tsk!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sayang ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon