Chapter 1

24 0 0
                                    

Sama-sama nating tuklasin kung mamahalin pa kaya siya ng taong sa tingin niya ay hindi siya kayang mahalin? KAILAN???

Nagkakilala si Denise at Bryan ng sila ay first year high school pa lang. Naging magkaklase sila nung first year. Nung una hindi pa pinapansin ni Denise si Bryan hanggang sa narealize niya na may nararamdaman siya dito pero sa tingin niya wala naman itong gusto sa kanya.

Denise's POV

"Hay excited na ako dahil first day of classes ngayon!", nagtatatalong sabi ko.

"Anu kayang section ko?" eto lagi ang tanung ko tuwing first day of classes hindi ko rin alam kung bakit pero ang alam ko new classmates and new school.

"Dalian mo anak baka malate ka..." sabi ng nanay ko na mukang excited din.

"Opo." napakagalang na sagot ko naman

Umalis na kami ng bahay naglakad palabas at sumakay ng jeep sa kanto. Sumakay kami ng jeep at ilang minuto lang nakarating na kami sa bago kong school. Syempre bago kasi high school na ako.

.

.

.

At nadito na kami sa bago kong school maganda at mukang mababait naman ang mga teacher. Nakita ko na rin ang mga posible kong maging mga classmates(posible kasi tatlong section ang 1st year dito). Nakita ko rin ang mga old classmates ko ang saya ko nun dahil miss na miss ko na sila.

After a while pinapasok na kami sa aming mga classrooms, I look around syempre naninibago kasi bagong school, new classroom, new classmates and new teachers. Ang ilan kong classmates halatang kinakabahan din kasi kung maka bugtong hininga ay WAGAS.

.

.

.

.

.

.

After a few minutes pumasok na ang teacher namin...

"Good morning my name is Ms. Lanie Roxas" sabi niya in a happy manner.

"Good morning teacher!" we reply

Pinakopya niya ung class schedule namin, after nun idiniscuss niya ung rules and regulations ng school. At pagkatapos ng ilang saglit she commanded us na magpakilala isa-isa.

PAKILALA DOON,

PAKILALA DITO,

PAKILALA DIYAN,

Hanggang sa ako na...

"Good morning my name is Denise Marie Cuevas." sabi ko pero ang totoo kabang kaba ako.

At hanggang sa huling classmate namin...

"Good morning I am Bryan Maki Laurel" sabi niya na parang nahihiya din

.

.

.

.

.

.

.

May itsura, pero mukang sobrang tahimik at seryoso.

"Ok now each of you  have introduced yourself, I want to tell you my rules as your class adviser." sabi ng teacher namin. Nakikinig naman ang lahat.

"Ganito lang naman yan eh, kunyare pag sinabi kong kumuha kayo ng one-half crosswise at one whole ang kinuha nyo, edi mali kayo" may halong birong sabi niya.

"Ma'am?" sabi nung isa kong kalase sa may bandang gitna. Si Rocky.

"Ok, ganito, dapat kung anu ang sasabihin yun ang gagawin nyo huwag kayong sasalungat sa agos. Kuha na ba?" paliwanag ng teacher namin.

"Ahh ok po." sagot niya na may halong pagtataka pa rin.

After that may iba pang inexplain ang teacher namin. Pinakilala niya rin ang iba pa naming magiging teacher. Actually not totally pinakilala sinabi niya lang yung mga pangalan nila. Pagkatapos ng one hour natapos na ang 1st period which is the period of our adviser. Ng biglang may pumasok...

.

.

.

.

.

.

TEACHER

.

.

.

"Ok Good morning." bati ng teacher.

Kitang-kita sa muka ng mga kaklase ko na nagulat sila. Kasi naman mukang mataray ung teacher naming ito. Seryosong-seryoso, mukang strikta, at parang walang panahong tumawa. Pero sabi nga nila DON'T JUDGE A BOOK BY ITS COVER. Malay natin. Let see.

"Good morning Ma'am!" bati namin habang nedyo blangko pa rin ang mga muka namin.

"Take your seats." she replied.

"So welcome to our school." sabi ng teacher in a cheerful manner.

"I will introduced myself to you, I'm Mrs. Maria Revilla your Science teacher for the whole school year." sabi niya habang naglalakad lakad sa room.

"Now I want to know you, each of you. Get a one-fourth sheet of paper and write your full name, school graduated, awards, and your hobby or hobbies." she commanded us.

Wow naman, ENGLISH! Nakakanose bleed naman tong si Mrs. Revilla. Taga-tagalog din pag may time.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sino nga ba si Bryan Maki Laurel? Gwapo ba talaga siya? Mabait kaya siya? Ano kaya ang susunod na mangyayari?

Find out sa next chapter...

Comment po kung may complains...

Salamat:)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon