Janelle's POV
"Ma, alis na po ako. Male-late na po ako e."
Dali-dali na akong lumabas ng bahay. Di ko na hinintay pang makasagot si Mama.
Lakad-takbo na ginawa ko.
Agad kong pinara yung unang FX pa-España na nakita ko.
Bubuksan ko na sana ang pinto sa harap na katapat ni manong driver nang naunahan ako ng isang lalaking matangkad. Mga 5'9 to 5'11 ata si Kuya. Naka-uniform pa siya. May suot din siyang lanyard kaya nalaman kong taga-USTe siya. Ang pogi niya. Grabe!
"Lord. Thank you!" Bulong ko sa sarili.
Pagkabukas niya ng pinto ay agad siyang pumwesto sa tabi ng driver.
Nice! Akala ko, pauunahin niya akong umupo kase nga babae ako. Sayang! Akala ko pa man din gentleman 'to si Kuya Pogi.
Ako naman ang sunod na sumakay. Bale ako yung nasa may pinto ng sasakyan.
Nagbayad agad ako kay manong. Syempre, napatingin na rin ako sa kanya.
Shemay! Ang pogi talaga niya. Nakoooo. Kung pinauna niya lang ako maupo, baka na-rape ko na 'to. Haha.
Di. Joke lang. Haha.
Di ko napansing nakatitig na pala ako sa kanya kaya lumingon din siya sa'kin, nakataas ang kilay niya.
Aruuu. Nakaka-intimidate naman si Kuya.
Nagbawi ako ng tingin at kinuha ang phone ko sa bag.
7 Messages Received
Suuus. Puro naman GM. -____-
Io-off ko na sana phone ko ng bigla namang may dumating na bagong message.
From: Seechi
Girl! Wala si ma'am. Okay lang ma-late ka. Haha
Hayyy. Salamat. Gumaan bigla feeling ko.
Terror kase yung prof naming yun. Ayaw niya ng late sa klase.
To: Seechi
Oks. Salamat. Nasa byahe na akooo. :))
Ipinasok ko na phone ko sa bag.
Di ko sinasadyang napatingin ako sa side ni Kuya. May nakalabas siyang notepad. Siguro nagre-review.
Hiyang-hiya naman ako kay Kuya. Kating-kati magreview.
Nagpasya nalang akong matulog. Malayo pa kase yung biyahe. Traffic pa. Ipinikit ko na mata ko. Tinakpan ko pa mukha ko ng panyo. Nakakahiya naman kase kung mahuli nila akong nakanganga matulog diba?
Ipinilig ko na ulo ko sa may bintana.
Sa durasyon ng biyahe, halos di naman ako nakatulog nang maayos. Eh paano? Nauuntog ako sa bintana. Aruuu! Ang sakit kaya!
Nanatili pa rin naman akong nakapikit. Mga ilang minuto ding naging medyo mas komportable na yung ulo ko.
Pakiramdam ko, may kamay na nakahawak sa ulo ko para di ako mauntog e. Ewan ko lang ha pero dahil inaantok talaga ako, di ko man lang tiningnan kung ano yung nagpagaan ng pakiramdam ko.
Nabigla nalang ako ng may kumalabit sa'kin.
"Miss.”
Tiningnan ko naman kung sino yung kumakalabit sa'kin.
Si Kuya Pogi.
"Excuse me." Sabi niya.
Ha? Anong nangyayari?