One

3 0 0
                                    

Have you ever felt so broken that you want to end everything?
Have you ever did everything yet it's still not enough and they still don't appreciate it.
Have you ever been so alone even though they are just around?
Have you ever see yourself crying nonstop?
Have you never felt the love that you are very willing to give to everyone around you?
Have you ever felt that feeling that you are surrounded by your so called family yet you never felt that you're part of it?
Have you ever questioned why you're still alive?

Once in my life I thought I'm more than what I think I am but then I realize that I'm not even half of it. I work hard for them to notice that I exist, that I can be good enough for them, that even though I'm too stubborn I'm still worthy of the love they gave to others. I do everything yet I'm still not enough. Being me is never easy. Being in my situation is like living a hell of life.

Sabi ng mga kaibigan ko ang galing galing ko daw. Sabi nila ang talitalino ko daw. Sabi nila the best daw ako. Pero bakit hindi ko naman maramdaman. Bakit kahit anong gawin ko hindi ko pa din maramdaman na sapat na ko para sa kanila, hindi ko maramdaman na natutuwa sila sa kahit na anong achievement na naabot ko. Never kong narinig na "wow anak ang galing mo talaga" o "We're so proud of you". Sa bawat pag sisikap ko na maabot sila lalo lang umiiksi ung kamay ko na umaabot sa kanila. Sa bawat pag hakbang ko para mahabol sila lalo akong lumalayo sa kanila. Sa bawat pag hawak ko ng mahigpit sa kanila ay lalong lumuluwag ang koneksyon na meron ako sa kanila.

Once I read that "when everyone left you, your family will always stay no matter what" but why I can't feel that. I think yourself is the only person that will never left you. Sarili mo lang ang handang makinig at magtyaga sa lahat ng drama ng buhay mo. Sarili mo lang ang mapagkakatiwalaan mo na mag iingat at magtatago ng lahat ng sekreto mo. Walang sino man ang makakapag pagaan ng bigat ng dala dala mo bukod sa acceptance na wala naman talagang mananatili lahat ay iiwan ka. Lahat ay papaasahin ka lang na nandyan sila at hindi ka iiwan. Sabi nga nila walang forever, forever is just a word that make you believe on something that's not true. Forever is just for fairytale and fairytale is for the people in our imagination. So ano nga bang point ko? Ano bang ipinaglalaban ko? At bakit nga ba nadamay ang forever sa mga hinaing ko? Nagpapakabitter nga lang ba ako?

Ang point ko? Wala haha gusto ko lang sabihin lahat ng to. Gusto ko lang ilabas ang lahat ng bigat na matagal ko ng dinadala. Kasi pag d ko to sinabi baka sumabog na ko. Baka hindi ko kayanin at bigla ko na lang tapusin tong wala kong kwentang buhay. Sabi nga ng title randon thoughts isususlat ko dito lahat ng nararamdaman ko in a specific time. Nawala kasi ung blog ko kaya dito nalang. Hindi naman ako naghahanap ng mga reader, parang eto lang ang magiging labasan ng mga samang matagal ng nakaimbak. Kung ung iba sa pag gagawa ng art work dinadaan ang pag e express nila ng nararamdaman nila siguro ako sa pagsusulat kasi una hindi naman ako magaling sa art so sa pagsusulat ko na lang ibabaling ang lahat.


Kailangan mo muna sigurong tanggapin ang sarili mo bago ka din tanggapin ng mga tao sa paligid mo. Kailangan mo siguro munang mahalin ang sarili mo bago ka matutunang mahalin ng mga tao sa paligid mo. Hindi rin siguro masama na sarili mo muna ung unahin mo bago ung mga tao na hindi ka naman inuuna. Kasi baka habang nagpapakahirap ka para sa kanila, para sa atensyon nila ay wala naman silang paki alam sa mga ginagawa mo at wala silang paki alam kung ginagawa mo man ang lahat para sa kanila. Hindi rin naman siguro masama na minsan isarado mo muna ung sarili mo para kahit minsan hindi mo na maramdaman ung sakit, na hindi mo na kailangan magpanggap na okay ka lang sa lahat ng mga nangyayare sayo. Para naman malaman mo kung sino ba talaga ung mga tao na gagawin ang lahat para makapasok ulit sa isinarado mong buhay. Para malaman mo kung sino ung gagawin din ang lahat para makasama ka pa din. Para for once malaman mo kung sino ung handang gawin ung mga ginawa mo para sa taong mahalaga sayo. Siguro pag dumating na ung taong un at ung panahon na un. Deserving ka na at deserving din sya para marating nyo ung happiness na nakalaan para sayo. Deserving ka na sa mga bagay na sa mga oras na to ay hindi mo pa maramdaman.


Yun lang, this part. have to end.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Random thoughtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon