My name is Raella Mica Xiu. Half-chinese, half-korean, pero dito na ako lumaki sa Pilipinas dahil may business kami dito. Besides, my friends are here.
One more thing about myself is... ISA AKONG STALKER. Pero, pagdating lang sa man of my dreams ko na si, KURT ARIS BLAS. Ang crush ko simula pa ng ipanganak yata ako, I guess. Proud na proud ako no! Wahahaha.
"Omo! Bessy, fix yourself. Your Prince Charming is coming!" Kilig na kilig na sabi ni Diana- ang pinakamatalik kong kaibigan.
Nilingon ko naman, and there! My drop-dead gorgeous crush is entering the canteen! Inayos-ayos ko pa ng konti ang buhok ko at tsaka nag-spray ng perfume.
"Gosh bessy! Okay na ba ang itsura ko?"
Nagpa-panic na ako . Kasi naman! Five more steps at malapit na siya sa table namin. Omo. Omo.
"Yes, yes! Go, greet him."
I cleared my throat bago magsalita. "Hi, Kurt." Halos, malaglag ang puso ko pagkasabi n'on. Like OMG! Wala kaya siyang ideya na may gusto ako sa kanya. But that's okay, ayoko namang umiwas siya once na malaman niya.
"Hello, Raella."
Holy Brix!
Halos maghugis puso na ang mga mata ko sa sobrang kilig e! Nakakahiya 'to. Pero, binati niya din ako. It sounds like music for me. Yung type ng music na ayoko na halos pang patayin ang phone ko dahil na-LSS na ako. Ganun!
Nakalagpas na sila sa table namin. Sinundan ko pa siya ng tingin, at talagang kumulo ang dugo ko ng makita ko ang MAHADERANG BABAE na 'yon! She's smiling to my Prince na akala mo wala ng bukas! Dang! Kalbuhin ko kaya siya. Ang sarap burahin ng mga ngiti sa labi niya e. Hmp!
"Hi, Kurty!" Bati niya kay Kurt.
Arggg! What a word!? Kurty? Iww. Ang corny naman ng nickname niya for Kurt. Psh. Pa-bad vibes talaga yang si Allice e. Marami pa ngang nagsasabi na bagay sila ni Kurt because yung second given name ni Kurt, which is Aris, ay ka-rhyme nung name niya na Allice. Aish! No! Never silang bagay! Kami lang ni Kurt ang bagay!
KUella for the win noh! Hindi ako papayag na isang ambisyosang frog lang ang basta-basta aagaw kay Kurt ko. ALLris shippers pa raw. Hindi naman kaya, tinatawag si Kurt by his second given name.
Itinigil ko na ang pagsunod ng tingin kay Kurt at tsaka itinuon ang atensyon sa pagkain. Lunch break ngayon. Nakagawian na namin ni Diana na dito kumain sa cafeteria kasi, palaging nandito si Kurt. Tsaka, yung crush niya na si Jairus.
"Bessy, naaartehan talaga ako sa babaeng 'yun oh! Ano nga uli pangalan? Allice ba?" I nodded as a sign of agreement.
"Makipag-usap kay Kurt akala mo naman, girlfriend. Assumera lang ang peg." Napatawa na lang ako. 'Yang bessy ko, kapag may kinaiinisan ako, may naiinis siya e.
"Oo nga e. Kala niya lang 'yun. Ako kaya mahal ni Papa K." Proud kong sabi.
"Yeah, right."
After 1234567890 years, tumunog na ang bell, hudyat para matapos ang lunch break. Tumayo na kami at tsaka nagsimulang pumunta sa may classroom.
"Omoo!"
"Nakakakilig sila."
"Bagay na bagay talaga sila."
"Proud to be ALLris shipper!"
Napakunot naman ako, upon hearing that 'ALLris' thingy. Sa pagkakaalam ko, name ng kadiring love team ng Bebe ko at tsaka ni Mahadera Queen 'yun e. Luminga-linga ako at tsaka dun ko napansin na pinagbubuhat pala ni Kurt si Allice ng bag.
</3
"Ouch." Mahinang sabi ko.
"Don't look at them nga bessy. Pinagbuhat lang. Wag pa-OA-in ang feelings. Let's go."
The thing I love about my bestfriend is, hindi niya ako hinahayaang masaktan. Ayaw niya akong nakikitang umiiyak. Kaya heto, at palagi niyang sinasabing, wag akong um-OA sa kung ano mang ginagawa ni Kurt kay Allice. I don't consider it as effort noh! Ayokong saktan ang sarili ko, kaya pinapaniwala 'kong, pabor lang 'yon para kay Kurt kapag magkasama sila niyang Allice na 'yan.
Tumungo na lang kami sa may room.
~~~
KURT'S POV
Ako nga pala si Kurt Aris Blas. Varsity player. Heartthrob kuno. Gwapogi, haha.
"Yays! Thankies, Kurty." Tuwang-tuwang sabi ni Allice.
Pinabuhat niya kasi kanina sa akin 'yung bag niya. Nabibigatan daw siya. At dahil likas na mabait ako, tinulungan ko na lang siya.
Tumalikod na ako pagkatapos bitbitin ang bag niya at maihatid sa room niya. Natutuwa ako sa kanya. Para siyang grown-up version ng kapatid kong si Kath. She's like a sister to me, too.
Marami pa ngang kinikilig sa amin kapag magkasama kami. Pero para sa'kin, wala lang 'yon. kaibigan lang naman ang tingin ko sa kaniya. Bukod kasi sa 'true love waits' na kaartehan ko, may tinitibok na rin ang puso ko.
Sino pa ba? Only binay.
Joke lang hehe. Pa-thrill akong tao, kaya di ko muna sasabihin. Kaso, mapilit talaga kayo e.
Oo na. Since day one, si Raella lang ang nag-iisang babaeng tinitibok ng puso ko. Pero, clueless naman siya sa nararamdaman ko para sa kanya. Binalak ko na nga siyang ligawan e. Kaya lang natatakot pa rin ako na natotorpe dahil baka mamaya hindi ako ang gusto niya.
Ayos na muna sa'kin 'yung napapansin niya ako. Kagaya nung sa may canteen kaninang lunch break. Nakakabakla man sabihin, pero kinilig ako nung binati niya ako.
Unexpected yun. Pero expected talaga na dadaan ako sa table nila. Hehe. Para-paraan lang naman para mapalapit ka sa crush mo.
Bumalik na ako sa classroom ko, dahil panigurado, male-late na ako.
A/N
Annyeong! This is the Addicted To You, first chapter. Support support! Thanks.~