Chapter#15

20 2 0
                                    


(Toby Shin Point Of View)

"Ohh buti dumating na kayo!!" Bungad nitong si natchuko at agad ko nang ibinaba yung bag ko sa sahig habang yung dalawa nandun parin sa pinto

"Uhhhmm hello" nakangiting sabi ni michiko grabe ang ganda niya talaga aaminin kong maganda siya pero ayoko sa tipo nyang babae masyado siyang maganda ang gusto ko lang kasi yung simple

"Ohh manunuod kaba samin??" Nakangiting tanong ulit ni natchuko

"Uhhmm oo ok lang ba??" Sagot naman ni michiko at agad nabaling ng tingin ni natchuko kay yanna dahilan para magsalubong nanaman ang kilay niya ano bang ginawa ni yanna sa kanya?? Ang OA niya talaga kahit kailan

"At ikaw bakit ka nandito binigyan kaba namin nang karapatan na pumasok sa mahiwagang practice room namin hah!!!"' inis na sabi niya masakit talaga siya magsalita kita ko naman ang pagkainis na ni yanna

"Sinasama ko siya dito!!" seryosong sabi ko dahilan para mayabang na tumingin si yanna kay michiko wala siyang pagbabago

"Bakit mo siya sinama dito??" Bakiy ba ang Oa niyang makapagreact?? Samantalang ang bait niya nung hindi pa nagkakaroon ng band battle ahh baka dun siya nainis nakatingin ako kay yanna at mayabang parin siyang nakatingin kay michiko

"Kailangan natin ng katulong!" Pangbabara ko dahilan para magpigil ng tawa si michiko
"Teka asan ba si Lian??" Pagbabgo ko ng topic

"Naputol yung string ng gitara niya kaya pumunta siya sa storage room para kumuha"

Habang naghihintay kanina pa ikot ng ikot si yanna dito sa practice room paano nga ba siya natutong mag gitara?? At hahaha kailan din gumanda ang boses niya??

Maya maya agad na bumukas yung pinto dahilan para dun mapunta ang lahat ng atensyon namin

"Ohh bakit ganyan kayo makatingin sakin??" Tss si lian na walang dalang kahit ano

"Bakit wala kang dala??" Tanong ko

"Naubusan na daw ng string sabi nung nagbabantay sa storage room "

"Ano?? Paanong naubos yun ehh ang dami pa nun nung huli nating kuha ahh "si natchuko na ang OA nanaman ng reaksyon ng muka

"May mga bagay talaga na hindi mo akalaing mawawala " wala sa sariling sabi nitong si yanna dahilan para sa kanya kami mapatingin ng masama "Ooppss hihihi sorry"tsss para siyang tanga

"Ginamit kasi sa bagong music club yung mga string kaya naubos na" sabi ni lian

"Edi humiram ka nalang ng gitara dun sa music club" seryosong sabi ko

"Hindi ako sanay na hindi ko gamit yung gitara ko wala akong gana gumamit ng ibang gitara" tsss ang arte tinatamad lang naman magpractice di pa sabihin

"Tara sa mall kailangan natin magpractice ngayon bibili tayo ng string may mga kailangan din akong bilihin" sabi ko

"Tara na!!" Sabi nitong dalawa

"Guys mauuna na ako late na rin sayang hindi ko kayo mapapanuod ngayon" malumanay na sabi ni michiko

"Ahh ganun ba sayang naman sana makanuod ka sa susunod" si natchuko na animo nanghihinang sa tono nang pananalita

"Sige guys mauna na ako"

"Sige ingat sa daan" sabi ni lian nang bigla akong mapabaling ng tingin kay yanna mukang uuwi na rin kaya pinigilan ko

Band ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon