Ama, Ina, Anak

118 4 1
                                    

Ama, Ina, Anak marahil nagtataka kayo sa titulong nakalagay sa itaas. Ano nga ba ang ibig sabihin nito?

May gusto lamang ilagay o ilabas ng hinain ang inyong lingkod sa Tatlong salita at sampung letra.

Hindi mabubuo ang isang Pamilya kung walang AMA.

Hindi din mabubuo ang isang Pamilya kung walang INA.

Lalong hindi din mabubuo ang isang Pamilya kung walang ANAK.

Pero may isang katanungan sa isip ko na ang hirap sagutin.

Pag ang isang PAMILYA na walang AMA or INA parang kulang...

Kulang ang pagkatao mo pag wala ang ISA SA KANILA na kailangan mong hanapin  ITO para mabuo. MABUBUO KA PARA MAGING ISANG NORMAL NA TAO.

Sino pa ba ang hahanap? ANG ANAK!

Anak na siyang lagi ang kawawa. Siyang  walang malay pero siya ang labis na nasasaktan lalo na pag nasasabihan ng mga tao ng salitang wala sa diksyonaryo.

Pag tinanong mo ang Ama or Ina mo ikaw na anak ang laging mali at may kasalanan pero hindi ba nila naiintindihan na gusto lang natin makilala ang AMA/INA natin?

Bakit hindi nila MARAMDAMAN na tayong mga ANAK ay labis na nangungulila sa ating di kilalang AMA/INA?

Kaya ang ibang mga ANAK ay nagrerebelde at humahantong sa pag-aasawa ng maaga or kaya nagamit nang bawal na gamot.

Bakit hirap na hirap silang sabihin ang NAME, MIDDLE NAME at FAMILY NAME ng AMA/INA natin na di natin kilala. Bakit kailangan pang sabihin na "NAKALIMUTAN NILA ANG PANGALAN?" Hindi kapani-paniwala na ang isang AMA/INA ay nakalimutang ang pangalan ng AMA/INA ng kanyang ANAK.

Minsan nakakainggit din makakita na Isang Pamilya na magkakasamang sumisimba, kumakain at higit sa lahat magkakasama naglalakad na magkakahawak kamay at kita ang mga labis na saya sa kanilang mga labi.

ETCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon