Chapter 1

19 1 0
                                    

"Bakit? Pinagbutihan ko naman last year pero bakit hindi man lang ako nakaapak kahit sa 50th place ng section 1?"

Kanina pa ngumunguwa dito si Yannie. Kung ako din naman siguro yung nasa pwesto niya magwawala ako.

"Paano na to? Last year nalang tapos magkakahiwahiwalay na. Hindi ko man lang siya naging classmate."

Umm binabawi ko na yung magwawala ako. Malulungkot nalang. Tama.

Hindi naman ako magwawala dahil sa lalaki. Kung effort ko ang nasayang, baka doon magwala ako.

" Yan tama na makikita mo pa rin naman siya dito kahit hindi kayo magkasama sa iisang kwarto." Pagpapagaan ko ng loob niya sabay tapik sa balikat niya.

"Yan Yan wag ka ng umiyak baka mahanginan ka. Baka buong school year umiiyak ka."

Ayy si Stella talaga kahit kailan. Madami syang words of wisdom, Oo. Pero parang humithit ng marijuana kung mag advise.

"Hmmp kayo kasi matatalino kayo. Kaya hindi ninyo kailangang mag effort para makapunta sa section 1." Sabay duro pa saamin ni Yannie. Grabe ganon na ba kalakas ang tama niya kay Dylan? Dinaig pa ang Yolanda.

"Oy wag ka ngang magturo turo dyan. Baka makabulabog ka ng nuno and FYI hindi po ako section 1. Section 3 po ako. Etong si FEM lang ang nagkakampo don."

Napapikit nalang ako. Minsan iniisip ko, bakit kami naging magkakaibigan eh ang limited lang ng pagkakapareho namin.

"Ang mabuti pa Yannie, mas ipush mo pa yung sarili mo. Malay mo in 10 months madivert yung attention niya sayo."

Pagkatapos noon ay nagkanya kanya na kami. Si Yannie sa Section 5, si Stella sa 3 at ako naman sa 1.

"Dylan Loison. Just Dylan." Simpleng pakilala ni Mr. Know-It-All

Hindi ako magtataka kung nakuha nya si Yannie. Aaminin ko may itsura sya. Matalino pa.

Ang malas din naman talaga ni Yannie. Mula Grade 7 hanggang 9 kasi ay shinasuffle ang mga estudyante at sa kasamaang palad ay hindi man lang nya nakasama ito. Sa grade 10 kasi nakabase na sa grades ang  mga section namin.

Kami ni Dylan? Hindi pa rin. Kakalipat ko lang kasi dito last year. At doon ko nakaroommate yung dalawa. Yes Yannie means No Dylan.

"Fort Emerald Matinez. Call me FEM." Pagkatapos ay umupo na ako.

MABILIS NATAPOS ANG ARAW. Puro tulog lang naman ginawa ko. Wala kasi akong gaanong makausap sa klase namin.

Lilinawin ko lang, hindi ako tamad no sadyang nganga lang talaga sa first day.

Dinaanan ako nung dalawa sa room ko. Hay alam naman nating may hidden agenda tong si Yan.

Tahimik lang kaming naglalakad sa corridor nang biglang nagsalita si Stella.

"Girls, may ipapahula ako sa inyo."

Kahit alam kong malaki ang posibilidad na kahit si Einstein ay di masasagot yan, pinatos ko na. Ang tahimik kasi. Si Yannie ang lalim ng iniisip.

"Eto yung gagawin natin sa birthday ko."

"Nagsastart sa letter?"

"Tama. Sa letter." Bigla kaming napatingin ni Stella kay Yannie.

Nabaliw na ba to dahil d sila nagkaroom ni Dylan? Malamang nagstart sa lette-

"Grabe FEM ang talino mo talaga. Para madivert yung attention nya sakin kailangan kong ipush yung sarili ko sa kanya. Uumpisahan ko sa letter."

Huh? Letter? ah like Dear Santa? Wait What the f*ck

"AYOKO." Matigas na sabi ko kay Yannie. Gawin ba naman akong kartero ng babaeng to.

"Please ang tagal ko ng nagawa to. Pinaliguan ko na ng cologne. Pinuno ko na ng kiss mark. FEM naman."

Hindi ko pinansin si Yan at pinagpatuloy ang pagaayos ng gamit ko para sa training sa volleyball mamaya.

It's been a week since sinabi nya samin yang kalokohan nya na yan at malay ko bang itutuloy nya.

"May training ka? Great daanan mo nalang yung locker ni Dylan tapos ilaglag mo nalang. I'm sure wala na yon kasi kanina pa pinatawag ang soccer players."

Grabe pati sa announcements pagdating sa lalaking yun attentive tong babaeng to. PA material hahaha 

"Fine. Akin na. Pero sa oras na mahuli nya ako hindi ako magdadalawang isip na sabihing galing sayo to." Padabog kong kinuha yung pink envelope nya sabay tahak ng corridors.

"249 pala yung locke-. Umm 249 yung promo ng donuts"

Sigaw nya. Geez

A/N: Enjoy reading :)

read.comment.follow

That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon