Chapter 12: Good Luck

62 13 1
                                    

" Huh?" Tanong ko . Nandito kami ngayon sa garden. Niyaya niya na muna ako para makapag-usap daw kaming dalawa kaya medyo kinilig naman ako dun.

" Diba sabi mo nung last na pag-uusap natin may sasabihin ka."

Oo , may sasabihin ako sayo, pero ang problema hindi ko alam kung paano ko na sasabihin sayo ngayon. Last time kasi , kung kailan ready na akong sabihin sayo ang lahat, Wrong timing naman. Anong sasabihin ko sakanya ngayon? Aissh. Ano ba yan!

" Ahh, ano..oo g-gusto ko lang sanang..Uhmm, m-mag.. Mag ano, mag sabi na, uhhr, N-na.. Goodluck! Yeah Yeah Thats It. Goodluck sa laban niyo. diba bukas na yun.
"
Oo bukas na, but until now, Hindi ko pa rin nasasabi sayo.

" Ahh Yeah. Sure Singhot girl. Thanks."

Sabi niya at pinisil yung pisngi ko na dahilan naman para ikagulat ko. Arrgh . Feeling ko nag-iinit na yung mukha ko sa kilig eh . It feels that there is an electricity that flows in his hands papunta sa pisngi ko .

" Are you okay? Parang namumula ka?"

Oh Shemss. Nahahalata niya bang ang pula ko na. Nakakainis ka naman kasi. Sa simpleng pagpisil mo sa pisngi mo kinikilig ako.

" What? Y-yeah Im okay. Mainit lang kasi." Palusot ko naman

" Sure ka ? Baka gusto mo ipacheck kita sa nurse dun sa clinic?" Nag aalala niya pa ring tanong sakin.Gosh Vj stop that. Lalo akong naiinlove sayo. Ang gwapo mo na napakacaring mo pa.

" No, No im fine. Btw ano pala yang hawak mo?" pag-iiba ko nalang sa topic, baka kasi makahalata siya na kinikilig ako sa mga ginagawa niya saka may hawak kasi syang mga papel na nakafold tapos dun sa labas may mga pusong nakadikit kaya tinanong ko na rin.

"Itech? Waley naman." Sagot niya na ikinagulat ko naman.. Pa-panong..

" Tss. Sorry . Its Kenneth's fault. Salita siya ng salita ng language niya . Nagagaya tuloy ako." Mabilis namang sabi niya. Tsk. Tsk. Si Kenneth talaga. Sabagay sino ba namang hindi mahahawa dun. Ako nga din eh minsan napapasalita na rin ng gay language.

" And Ito ba? Wala, I just found it in my locker a while ago  . It looks like there is someone who put these stuffs inside my locker." Sagot niya . Baka naman mga love letters galing sa isa sa mga suitors niya. Sino naman kaya yun? Makilala ko lang siya kakalbuhin ko talaga yun.

" Ahh, Okay, okay . Btw Vj, nainlove ka na ba?" Out of nowhere kong tanong sakanya na ikinagulat ko naman. Aissh! Bakit yun ang natanong ko, Pwede namang ang itanong ko ay 'Anong mga paghahanda ginawa mo para dun sa provincial meet niyo' Pero hindi eh, bakit yun pa.

Before You LeaveWhere stories live. Discover now