"Asan ba dito ang basurahan?"
Naglakad ulit ako habang patingin tingin sa bawat dinadaanan.
Kanina ko pa kasi hawak hawak ang supot ng sandwich na kinainan ko.
Ang inet inet pa ng panahon. Tagaktak na ang pawis ko.
Ang hirap hirap na ngang maghanap ng trabaho pati ba naman basurahan ang hirap pa ding hanapin?
Huminto ako sa isang kanto. Tingin sa kaliwa. Tingin sa kanan. Wala pa ring basurahan.
Lakad ulit. Wala pa din. -___-
SUKO NA KO.
bahala na.
Tingin ulit sa kaliwa. Tingin din sa kanan.... WALANG TAO.
Mabilis kong inihulog ang hawak-hawak na supot. At pasimpleng tumalikod na para bang walang nangyari.
Tumingin ako sa paligid at napansin kong medyo malayo na pala ang nalakad ko. At higit sa lahat mahuhuli na din ako sa interview ko. Kelangan ko ng magmadali.
"Miss, uy miss!"
"Miss, na nakaitim na damit"
Ako ba yun? Ako ba yung tinatawag?
Napahinto ako sa paglalakad at napatingin mula sa direksyon ng lalaking nagsalita.
"Nag-iisa ka ata, Miss"
Naglakad siya patungo sa akin.
Napaatras ako.
"Ang isang babaeng katulad mo ay hindi dapat naglalakad mag-isa." Seryosong sabi niya.
Kinabahan ako.
Wala pa man din akong kahit anong bagay sa loob ng bag ko na pwede kong gamitin pang self-defense bukod sa.... nailcutter ko? T___T
Malapit na siya sa kinatatayuan ko. Nanginginig na ang mga tuhod ko sa takot. Dapat tumatakbo na ako sa mga oras na ito pero... pero di ako makakilos.
Hinawakan ko ng mahigpit ang nail cutter ko.
Huminto siya sa harapan ko at muling nagsalita.
"Miss, may nakalimutan ka ata."
"Ha?" ano daw? Ano ba'ng pinagsasabi ng lalaking 'toh?
"Kapag mapapadpad ka sa isang lugar, wag kang mag-iiwan ng ebidensya dahil kung isa kang kriminal, siguradong kalaboso ka na agad."
"Ano ba'ng sinasabi mo? At isa pa, hindi ako kriminal ah!"
Siya nga itong mukhang kriminal eh. Though, may itsura siya... ugh sige na nga gwapo na.
Pagkasabi ko nun, bigla na lang siyang tumawa ng malakas.
May toyo ata 'tong lalaki na ito eh?
Makaalis na nga....
"Teka, Miss... Teka lang!"
"Ano ba kasi yun? Ano ba'ng problema mo? Nagmamadali ako at wala akong panahon para makipaglokohan sayo, ma--"
"May nakalimutan ka nga kasi. Eto oh!"
Sabay abot sa akin ng isang....
"SUPOT?!" Naloko na. Nakita ata niya yung ginawa ko. >/////< isip girl. isip ng dahilan..... 0_0
"Nahulog kasi bigla, Hindi ko naman tinapon doon. HA ha ha. Nakakatawa at biglang nawala sa kamay ko kanina. Medyo......uhmm, medyo mahanign kasi eh. Oo, OO TAMA! Mahangin nga kanina kaya siguro nahulog. ha ha ha." *spell AWKWARD? M.E. ughh.
BINABASA MO ANG
My trashlove<3
Teen FictionLove moves in mysterious way. Sometimes it happens unexpectedly and in a not-so-good situation. Looking for something but eventually big things comes to your way. Now, the question is, will you grab it? or forget it?