Prologue

156 30 11
                                        

"Oo eto na nga ehh Ellaine. Wait lang kase magsusuklay lang ako."So guys this is my first on-going story , eto na yung story na ina-update ko na lagi , hindi naman lagi pero it depends sa mood ko. Thanks for reading!.

**

Ellaine's POV

"Uy Kyra , tara na male-late nanaman tayo sa first day of school natin sa Cleometrio School , ayaw ko ng mangyari ulit yung nangyari sa atin nung nakaraang year." sigaw ko kay Kyra.

"Oo eto na nga ehh Ellaine. Wait lang kase magsusuklay lang ako. At promise di na 'yun mauulit." Guess what? Late kami nung first day of school last year at ayoko ng maulit pa 'yun.

"Magsusuklay ka lang ba? Jusme pede naman siguro na habang naglalakad tayo ay nagsusuklay ka!."

"Ehhh bahala ka diyan gusto ko dito ako mag-susuklay sa bahay natin." Ang arte talaga nito ni Kyra , lagi naman siyang ganyan , kaya diyan kami nag-aaway ehhh. "Fine basta bilisan mo lang." sabi ko sa kanya habang pa-hum-hum pa siya habang nagsusuklay. Nakakaurat talaga 'to.

After a few minutes hindi pa rin tapos mag-suklay 'tong si Kyra kaya di ko na napigilan yung sarili ko na kuhanin yung gamit niya at hilahin siya para maglakad na kami. Wait did I introduce myself? Hayaan niyo na nga basta magpapakilala na 'ko , Ako nga pala si Ellaine del Mundo at yung maarte na ka-housemate ko ay si Kyra Delos Santos and we are the Guardians of Aclemitors.

"Em so excited , ikaw Ellaine?." tanong niya sa akin at inirapan ko siya. Ipinaramdam ko talaga sa kanya na masama ang loob ko. Para kasing wala siyang pake kung ma-late kami.

"Sorry na. Di ko na po uulitin." sabi niya sa akin habang kumakain siya ng biscuits. "Here kumain ka muna." sabay abot niya saken ng isang biscuit  niya. Para kaming bata and I hate that , kase alam niyo ba kung ilang taon na kami ako 16 siya 17.

"Oo na sige na pinapatawad na kita basta wag mo nang uulitin 'yon." sabi ko sa kanya ewan ko ba pero di ko matiis na pansinin siya. "Opo. Friends?." tanong niya sa akin. "Friends." sagot ko sa kanya.

Habang naglalakad kami ay may nakasalubong kami na isang strange guy na nandun sa isang puno na halatang nagtatago kaya napatigil ako sa paglalakad dahil nakatingin pa sa amin , nanlilisik yung mga mata niya at parang gustong-gusto niya na pumatay ng tao. 

"Kyra parang may gagawin na masama 'to ahh?." tanong ko sa kanya habang naglalakad pa siya , bigla naman siyang napahinto sa paglalakad nung nakita niya yung nakita kong strange guy.

"Oo nga no? Baka gagawa siya ng move." sabi ni Kyra sa akin na halatang-halata na agressive siya nung makita niya 'yun. "Bakit naman niya tayo aatakihin , eh wala naman tayong ginagawa na masama sa kanya?." sagot ko naman sa kanya. "Basta maglakad lang tayo at wag natin siyang pansinin." sabi ko sa kanya dahil may iba akong pakiramdam dito sa taong 'to.

Lumakad kami at kitang-kita ko sa mga mata niya na sinusundan niya kami ng paningin. At nang makalagpas kami mula duon sa puno ay lumabas siya duon at hinabol niya kami. Tumakbo kami ng mabilis ng mabilis ni Kyra at bakas na bakas sa mga mukha namin na takot na takot kami baka kung ano nalang ang gawin niya kapag nahuli niya ang isa sa amin.

"Ellaine wait! Aray , ang sakit ng paa ko." say what natalisod pa si Kyra at nandito kami ngayon sa gitna ng gubat at hinahabol pa kami nung strange guy na hindi naman namin inaano. "Hihingi ako ng tulong! Somebody help , tulong! tulong! , tulungan niyo kami!." sigaw ko duon pero wala man lang sa akin ang nakakarinig.  Di ko inaasahan na dumating ang mga Clereol Guardians para tumulong. Sila yung mga protectors dito sa Aclemitors sila yung namamahala ng katahimikan dito. 

"Guardians on guard!." Then hinuli nila yung strange guy. "Okay lang ba kayo?." lumingon ako kaagad kay Kyra at nakita ko siyang nakahiga at wala ng malay. "Si Kyra po tulungan niyo po ako!." 

Pregacleus [ Revise ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon