Isang napaka ordinaryong araw na naman. Gigising sa umaga, maliligo para pumasok sa trabaho. Mamaya uuwi na nman at pagkakain matutulog. Halos ganito na araw-araw ang routine ng buhay ko.
Ako, si Faris short for Fara Louise. Sosyal hindi ba? Bakit nga ba pang mayaman ang pangalan ko? Eh samantalang sa average class lang nabibilang ang pamilya ko. Natanong ko na din yun kay Inay, at ngiti lang lagi ang sagot nya sakin. Kaya hindi na lang ako nag tatanong, naiinis lang ako. Parang hindi ako anak, may time pa nga na nagkukwento sya nung kabataan nung mga mas nakatatanda kong mga kapatid at tawa siya ng tawa. Pero ‘pag ako na yung nag tatanong, lagi nyang iniiba yung usapan, at kapag kay tatay naman ako nag tanong.. ayun! Maikling sagot lang na: “napaka iyakin mo”.
Simple lang naman ang buhay meron kame...kumakain tatlo hanggang limang beses sa isang araw.
Public school lang din kame pinag tapos. Okay din naman daw ang aral dun dahil mga pasado sa LET examinations lamang ang kinukuha sa gobyerno, ibig sabihin magagaling talaga. Kaya lang minsan, pag sobrang tanda na mahirap na maintindihan ang lessons, hindi dahil sa mahirap talaga, kundi halos hihinga-hinga na si mam.
Sa ngayon, nagtatrabaho ako bilang isang teacher. Ang boring diba? Pero..ewan ko ba, gustong gusto ko ang mga bata, kahit makukulit at sobrang pasaway. Yun bang tawa lang nila, pawi na ang pagod mo.
Boyfriend? Marami ako nyan... I mean marami na akong nakaraan. Nakakasawa na. Super ordinaryong tao lang din kasi ako. Nagkaka crush, Luma-love life, ume- effort at nasasaktan. Kelan kaya magiging extra-ordinary ang buhay ko? Well, hindi naman sa hindi ako kuntento sa buhay na meron ako ngayon... pero parang ganun na nga, gusto ko yung something like what I’ve watch in the movies. Yun may kapatid pala ako sa labas tapos papapasukin ko hahaha! Joke lang, basta yung kakaiba.... eh, kaya lang hindi nga ganun binigay sakin ni Lord kaya tanggapin na lang.
Ay naku! Tama na nga masyadong pag-iisip at male-late na ako. Baka pagsabihan na naman ako ng makulit na si Janna na “late na naman si teacher”. Gusto na ngang kunin sakin ang susi ng room namin para sya na daw ang magbubukas. Ibang klaseng bata yun! Parang matanda.
At dahil medyo may kalayuan yung assignment location ko, magba- bus pa ako tapos tricycle pa.
Haaay buhay, buti na lang maganda ako. Atleast kahit teacher ako marami pa din nag kakandarapa sakin. Sabi nga nila pwede daw akong pumasang artista kahit hindi mag audition. Kutis mayaman nga ako kahit pa nga sabihin na nung High School aq eh ang itim itim ko (varsity player kasi ako ng track and field). Hahaha akala nyo volley ball hah...no way, aside from pag aartista may future din akong mag nanakaw. :D
Sa school......
“Mam! Late ka na naman. . may naghahanap po sa inyong gwapong lalaki kanina pa sa faculty room pinagkakaguluhan nina Ms. Minching!”ang bungad sa akin ng makulit na si Janna.
“Nakuu.. ikaw talagang bata ka napaka chismosa mo! At may bago ka na namang pet name sa mga teachers! At sino naman si Ms. Minching this time ha?”
“Si teacher Brenda po, napaka sungit po kasi nya samin... Mam alam nyo po ba tuwing umaga lagi nya kaming pinapagalitan kapag naglalaro kami sa garden tapos lagi na lang kaming principal’s office, mam hindi naman po masama maglaro ‘di ba? Mga bata kami, karapa--------
“Ayyyyy..naku ka talaga Janina! Ang aga na naman ng bibig mo, at may nalalaman ka pang ‘karapatan’ dyan. Dapat lang na pagalitan kayo ni Miss Min---ni teacher Brenda kasi tinatapakan nyo pala yung mga halaman nya. Hindi nyo ba alam na may karapatan din silang mabuhay?” Pinutol ko na ang sasabihin nya dahil magsisimula na naman syang litanyahan ako.
“Eh Miss Princess naman kasi----uhmm ay teacher! Ang gwapo po nung boyfriend nyo daw.” Feeling excited na sabi nya.
Ang bata talagang ‘to, walang ligtas pangitiin ako every morning. Ayun tinawag na naman nya akong Miss Princess. Naalala ko one time na tinanong ko sya kung bakit ganun tawag nya sakin. Kasi daw mukha daw akong prinsesa hihihi kaya mataas grades nito sa’kin eh! :D