Noong Abril ng taong 2008, isang mahiwagang libro ang natagpuan sa loob ng isang abandunadong mansion sa isang lugar sa maynila. Meron itong makapal na pabalat at mga puti at blankong mga pahina.
Sa unang pahina ng libro ay isang kulay itim na papel na may nakasulat na mga salita:
"Wish Book"
(the book of Miracle)*ang librong ito ay ginawa upang tuparin ang lahat ng kahilingan ng taong may hawak at nagmamay-ari nito
*Kaya nitong tuparin ang lahat o anumang kahilingan ng taong nagmamay-ari sa libro
*Kailangan isulat sa blankong pahina ang lahat ng kahilingan at ito'y matutupad makalipas ang isang minuto matapos itong maisulat
*Hindi kailanman mauubos ang pahina ng libro
*Kahit saang pahina ng libro isulat ang kahilingan ay ito'y matutupad pa rin sa loob ng isang minuto*subalit, Kapag ang kahilingang isinulat sa blankong pahina ay para sa pangsarili lamang na kagustuhan at kapakanan ang kahilingan ay hindi matutupad.
*at kung ang hihilingin ng nagmamay-ari sa libro ay imposible ang kahilingan ay hindi rin matutupad
*kapag ang taong nagmamay-ari sa libro ay namatay ang pagmamay-ari sa libro ay mapupunta sa unang taong makakakita dito
*at kung sakaling ang libro ay maiwala o manakaw, ang pag mamay-ari ng libro ay mawawala na sa taong nagmamay-ari dito bago ito mawala
*at ang taong magnanakaw sa libro ay makakaranas ng kamatayan. Sa kamay ng Anghel ng Kamatayan.
Ang libro ay natagpuan ng isang kinse anyos na binatilyo na anak ng tagapag bantay ng abandunadong mansion kung saan natagpuan ang libro ngunit ito ay kinuha sa kanya ng mga authoridad upang pag-aralan subalit makalipas ang isang araw, ang pulis na kumuha ng libro sa binata ay natagpuang patay sa loob ng opisina ng mga pulis na wala ng puso at butas ang dibdib. Nangilabot ang lahat sa nangyari at agad silang naniwala sa sinasabi ng libro.Pinag-aralan at sinubukan ng mga eksperto ang libro at namangha sila sa kayang gawin nito at napatunayan nila na totoo ang hiwagang dala ng libro na kaya talaga nitong tumupad ng kahilingan. Subalit ikinatakot ng mga ito ang posibilidad na pag-agawan at pagkaguluhan ng lahat kapag nalaman nila ang tungkol sa libro kaya napagdesisyonan nila na itago na lamang ito sa lahat.
Subalit noong Mayo 2009 isang sakim na politiko ang nakatuklas sa kakayanan ng libro at sa kaya nitong gawin sa taong magtangkang magnakaw dito kaya't nagtalaga siya ng mga tao para nakawin ito para sa kanya. At nagtagumpay ang mga tao niya. Napasakamay ng politikong ito ang libro at namatay naman ang sampung taong tinalaga niya ng pare-parehong butas ang dibdib at wala ng puso. Sinubukang gamitin ng politiko ang libro sa pansarili nitong kaligayahan subalit hindi siya nagtagumpay kaya ipinahayag niya na lamang sa lahat ng mamamayan ng pilipinas ang kakayanan ng librong ito at ipinakita niya sa lahat ang kaya nitong gawin sa pamamagitan ng pagtupad sa kahilingan ng ibang tao. Naging sakim din ang lahat ng tao at ninais na makuha ito mula sa kanya at naglikha ito ng malaking kaguluhan sa bansa. Maraming tao ang sumubok nakawin sa kanya ang libro at lahat ay nabigo at halos lahat ay namatay. Gumawa ng aksyon ang pangulo ng pilipinas at ipinahuli at ipinakulong ang politiko. Napunta ang libro sa kamay ng pangulo at ipinatago ito sa isang lugar na walang ibang nakakaalam maliban sa kanya, sa mga taong pinagtago niya at mga taong pinagkakatiwalaan niya.
Noong Enero taong 2012 namatay ang pangulo at ilang araw matapos mamatay ang pangulo ay nawala na rin ang libro.
Nangamba ang mga tao sa gobyerno pati na rin ang mga authoridad at eksperto sa maaring mangyari kapag napunta sa maling tao ang libro kaya bumuo sila ng isang squad ng mga militar upang hanapin ang libro sa bawat sulok ng pilipinas. Ngunit nabigo silang mahanap at matunton ang kinaruruonan nito.
Taong 2014...
labing tatlong estudyante ng hope academy sa manila at isang janitor sa parehong eskwelahan ang namatay ng may pare-parehong dahilan. Butas na dibdib at nawawalang puso. At ang pagkamatay ng mga ito ay nasabing kagagawan ng wish book dahil sa kagayang pangyayari sa pagkamatay ng pulis na unang namatay ng dahil sa wish book. Ang isa pang nagpatunay na ang mga pagkamatay ay dahilan ng hiling sa libro ay ang isang puting pahina na nanggaling sa libro na natagpuan kasama ng bangkay ng huling taong namatay sa taon na yun.Nakasalut sa papel ang mga katagang:
Patayin mo si....
At kasunod ng katagang yun ay ang pangalan ng lahat ng tao na namatay. At natagpuan ang papel na ito kasama ng bangkay ng janitor na sinasabing sumulat sa lahat ng pangalan na nasa papel. Ayon sa mga authoridad, ang motibo ng janitor ay ang ipaghiganti ang anak niya na namatay ng dahil sa pambubully ng mga taong pinatay niya sa pamamagitan ng Wish Book.
Matapos ang pangyayaring iyon ay wala nang naging balita ang lahat tungkol sa tunay na kinaruruonan ng libro at wala na ring nabalitang krimen na may kaparehong pagpatay.....
pReSeNt DaY...
(Seth's POV)
{Ring... Ring...Ring...}
*Zed Calling
" hello? "
{ Phone Sound Crackling }
" hello? Zed? "
" ........ "
" hello Zed? Bakit ka tumatawag?
......Hoy! Ano ba? "
" ....... "
" hoy! Sumagot ka! P*cha! Pinagtitripan mo ba ako? "
" ........ "
" AAAAAHHHHHHHHHHH!!!!! "
" ZED?!? ZED!!! Anong nangyayari sayo? ZE--- {toot.... toot.... toot....}"
* Phone call ends...
" shit!!! "
<To be continued....>
BINABASA MO ANG
Blank Pages
RandomIsang eskwelahang pinamumugaran ng iba't ibang gang bibisitahin ng isang librong mahiwaga at ito'y magdadala ng Kababalaghan at KAMATAYAN!!! Be careful what you wish for Coz' It might just get you!!! I mean... The Angel of Death might get you!!! +++...