Page 4: 2nd Death

2 0 0
                                    


(3rd person's POV)

TuEsDaY...

o2:³5pm...

Isang matangkad, may kulay pula ang buhok, at maputing binata ang lumabas sa garden ng bahay nila na may hawak na bote ng alak sa kamay. Nilalaklak niya ng diretso ang alak sa bote. Umupo siya sa isang bench na nakaharap sa isang malaking fountain ng garden nila.

Inistraight niyang laklakin ang alak at napayuko siya ng dahil sa tama ng alak. Lugmok na lugmok ang itsura niya.

Maya-maya ay may napansin siya sa harapan niya. Nakakita siya ng sapatos habang nakayuko siya. Naisip niya na may tao sa harap niya kaya dahan dahan niyang iniangat ang ulo niya. Pagkaangat na pagkaangat ng ulo niya nakita niya ang isang tao sa harapan niya na naka itim na hooded jacket, hindi kita ang muka nito pero pansin na pansin ang itim na itim niyang pakpak. Napailing siya sa nakita at napakusot sa mata. Iniisip niya na marahil dahil lang ito sa tama ng alak kaya siya nakakakita ng ganitong bagay. Tumayo siya at sinubukang abutin ang taong nakahood upang makasiguro kung totoo nga ang nakikita niya ngunit hindi niya nagawa dahil bigla na lang itong sumugod sa kanya at dinukot ang puso niya.

Tumagos sa dibdib niya ang kamay ng taong nakahood at napahawak na lang siya sa braso nito. Wala na siyang nagawa habang unti-unti ng pumipikit ang mga mata niya...

Bumagsak ang katawan niya sa madamong sahig ng hardin ng bahay. Umaagos ang kanyang dugo.

???: sir? Andyan po ba kayo?

Tanong ng maid ng bahay mula sa sala. Hinahanap niya ang binatang ngayon ay nakahandusay sa sahig ng hardin.

???: sir?

Napansin ng maid na nakabukas ang pinto papunta sa garden ng bahay kaya agad siyang pumunta doon.

???: sir? Andyan po ba kayo? Tumatawag po ang mama niyo sa telepono

Sabi pa ng maid habang papalapit siya sa pinto. At dahil wala siyang nakuhang sagot mula sa binata ay lumabas na siya para silipin ang hardin at paglabas niya ay agad niyang napansin ang taong nakahiga sa sahig na malapit sa upuan na nakaharap sa fountain ng hardin. Dahan dahan siyang lumapit sa taong nakahiga at nagulat siya sa nakita niya...

???: AAAAAaaaaaahhhhhhhhh!!!!!!!.....

xxx-xxx-xxx

(Ben's POV)

ApRiL ²4, ²o¹5...

TuEsDaY...

o3:3opm...

RoSeBelT CiTy PoLiCe HeAdQuArTerS

Chief???: ben meet mr. white. Isang detective.

Nakipagkamay ako sa lalaking pinakilala sakin ni chief, isa siyang matangkad na lalaking maputi at mukang foreigner.

Chief???: at siya naman si Mr. Kreg isa ring detective

Nakipagkamay naman ako sa isang medyo maliit at maputi ring lalaki, muka rin siyang foreigner.

Chief???: Mr. White and Mr. Kreg, He's ben. One of my greatest officer.

Ben: Nice meeting you both

Sabi ko sa dalawa. Ngumiti lang sila at tumango

Chief???: ben. Sila ang makakasama at makakatulong mo sa paghahanap sa writer at makakasama mo rin si Cynthia at si Lenard.

Ben: yes sir

Chief???: and i will also be going with all of you in the field. Matagal ko ng gustong makalabas sa field ulit at ito na ang pagkakataon ko so let's do our best and find that writer and stop him. Makakaasa ba ako sa inyong lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blank PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon