Ivy's POV
Matthew Taylor: Will you be my girlfriend?
Cara Michelle: Hell yes! *hugs you*
"Ivy wala ka ng ibang ginawa kundi ang mag cellphone!" Pangaral sakin ni mommy.
Pero hindi nawala ang ngiti sa mukha ko kasi sa wakas ay kami na ni Matthew. I mean, sila na nung hinahandle ko. Isa lang naman kasi akong operator sa rpw.Matthew Taylor: Baby kumain ka na?
Cara Persephone: Not yet, baby. Ikaw?
Matthew Taylor: Yup medyo kanina pa. Wag kang papalipas, okay?
"Mommy kain na po tayo." Aya ko kay mommy.
"Himala ah? Akala ko hindi ka na naman kakain kaka-cellphone mo." Sagot sakin ni mommy.
'Bawal po kasi akong magpalipas kasi magagalit si Matthew.'
Gusto ko sanang sabihin yan kay mommy kaso baka magalit siya kaya ngumiti na lang ako at naghanda ng kakainin. Kalimitang hindi kami sabay sabay kumain kasi palagi akong hindi sumasabay. Pero iba ngayon kasi kumpleto kami.
"Aba panget ba't ka nandito?" Pang-aasar ni kuya.
"Baka sinapian ng alien." Gatong naman ng bunso kong kapatid at nakipag-apir kay kuya. Mga bwiset.
"Daddy oh." Nakasimangot kong tawag kay daddy.
"Leandro at David tigilan niyo nga ang ate niyo." Sabi ni daddy kaya binelatan ko sila. Well daddy's girl kasi ako.
You have 1 new notification.
Naramdaman kong nag-beep ang phone ko kaya kinuha ko ito. Nagpost pala si Matthew ng status at tinag ako.
Bigla namang kinuha ni mommy yung phone ko. "Kapag nasa hapagkainan wag ng mag cellphone." Kaya wala na kong nagawa. Buti na lang nai-off ko kaagad kundi lagot na.
Pagkatapos kumain ay nag presinta akong maghugas. Pampa-goodshot na din para makuha ko na yung phone ko.
"Sino to? Boyfriend mo?" Rinig kong sabi ni mommy sa likuran ko kaya humarap ako. Pinakita niya ang lockscreen ko.
"Nako mommy opo!" Sagot ko kay mommy. Si Harry Styles lang naman kasi ang lockscreen ko. 😻
"Ang gwapo ah." Sobra!
"Bakla naman yan eh. Tsaka mommy artista yan etong si Ivy masyadong ambisyosa." Singit ni kuya sa usapan. Patago ko naman siyang pinakyuhan. Bwiset eh.
End of Chapter 1.