Ang Balon

47 0 0
                                    

Nagsimula lamang sina Rando, Albert at Joe sa payabangan.
"Sige tol! Walang urungan!"malapad ang dibdib na sambit ni Albert.

"Ako pa!? Matapang ini!"pagyayabang din ni Rando.

"Im the man"pakli naman ni Joe. "Wala akong kinatatakutan! Kahit multo o kampon ng kung ano yan!"

"Same here, tol! Lets put our name in history books! The Fearless! Yan ang magiging moniker natin!"wika ni Albert.

"Ayos tol! Ang galing mo talaga!"sabi ni Rando saka nakipag-apiran kay Albert.

"Pano, split na tayo! Kita-kits na lang tayo mamayang alas-tres,"ani Joe.

"Okey!"halos magkapanabay na sang-ayon nina Rando at Albert.

〰〰〰〰
ISANG mayamang estranghero ang dumating sa bayan ng San Sebastian. Umakit agad ito ng atraksyon dahil na rin sa kabaitan. Bukod pa ang pagiging bukaspalad nito. Napakadali nitong maglabas ng pera at lagi nang nagriregalo sa mga bata at matatanda.

Naging malapit sa mayamang estranghero sina Joe, Albert at Rando. Sa mga oras na libre sila at walang ginagawa ay karaniwang nakikipagkwentuhan sila sa lalaki.

Minsan ay napag-usapan nila ang matagal nang paniniwala ng mga taga-San Sebastian na tuwing Biyernes Trese na ganap na alas tres ng madaling araw ay lumalabas ang multo ng dilim at nagpaoakita sa mga tao.

Hinamon sila ng mayamang estranghero na i-video ang paglabas ng multo ng dilim kapalit ng malaking halaga.

Hindi na nagdalawang isip ang magkakaibigan. Tinanggap agad nila ang hamon. Kung mayroon man silang nadaramang takot ay pinawi iyon ng isiping ang kapalit noon ay maraming pera.

Pare-parehong hindi na natulog ang tatlo. Si Rando ang unang nagsisi kung bakit pinanaig ang pride at hindi inaya ang mga kaibigan na magsama-sama na lang nilang hintayin ang alas-tres ng madaling araw. Lampas hatinggabi pa lang ay palihim na siyang umalis ng kanilang bahay at lulan ng kanyang bike ay mabilis na tinungo ang bahay nina Joe na mga labinlimang minuto rin niyang pepedalin.

〰〰〰〰
SAMANTLA, pinag-aaralang mabuti ni Albert ang pagkuha ng video. Nagkasundo silang magkakabarkada na siya ang kukuha ng shots sa multo ng dilim. Naisip niya na marahil ay aminado rin kasi ang dalawang kaibigan na siya ang mas matapang sa kanilang tatlo.

〰〰〰〰
"NAK ng pating, tol! Nanlalamig ako,"amin ni Joe habang binabaybay nila ni Rando ang kahabaan ng daan patungo sa public cemetery.

"Napasubo yata tayo,"amin din ni Rando.

"Napaaga tayo. Quarter to three pa lang."sabi naman ni Joe habang nakatingin sa kanyang relo.

"Ok lang yan, para makapaghanda rin tayo"sagot naman ni Rando.

"Si Albert kaya? Baka hindi dumating ang isang yon, ah!"sabi ni Joe.

"Katayin ko sya pag di siya dumating. Ang yabang niya kanina."naiinis na sambit ni Rando.

Sabay na napalingon ang dalawa nang makarinig ng mga kaluskos. Nasa kalagitnaan na sila ng sementeryo ng sandaling iyon, sa eksaktong lugar kung saan nila pinag-usapang magkikita.

"A-ano yon?"sambitla ni Rando.

"A-albert?!"tawag ni Joe.

Nawala ang kaluskos. Napalitan ng malakas na ihip ng hangin. Napakapit si Rando kay Joe.

"Tang...?! Eto na atab, tol!"wika niJoe.

"A-alas tres na ba?"tanong ni Rando.

"Ten minutes pa!"kinakabahang sagot ni Joe.

"Asan kaya si Albert? Bat ang tagal!?"iritadong tanong ni Rando.

"Tadong yun! Baka umurong na!"sagot naman ni Joe.

"Sira ba sya? Pa-Fearless-Fearless pa sya tapos uurong naman pala siya!"naiinis na bulalas ni Rando.

Isang napakalamig na hangin ang muling nanuot sa mga kalamnan nila. Nagsitayo ang kanilang mga balahibo.

"M-malapit ng... Mag-aalas tres na!"sabi ni Joe.

"Bakit wala pa si Albert?!"naghahalo ang takot at inis ni Rando.

"Alas tres na!"prantiko na si Joe.

3:01 a.m.

Biglang umalingawngaw ang alulong ng isang aso sa di-kalayuan. Sinundan iyon nang tila ipo-ipo na nagmula sa dulo ng sementeryo patungo sa kinaroroonan ng dalawa.

Sa kabiglaanan ay nagtatakbo sila. Huli na nang matuklasan nilang nasa magkaiba silang direksyon.

"Joe!"sigaw ni Rando.

Walang sagot.

"Joe!"tawag uli niya, mas malakas.

Nakabibinging katahimikan ang naging sagot sa pagsigaw niya.

Nauulol na sa takot si Rando. Nagtatayuan ang kanyang mga balahibo at puno na ng kilabot ang buo niyang katawan. Dama niya na hindi siya nag iisa, na mula sa kung saan ay may nakamasid at matiim na nagmamatyag sa kanyang bawat ikinikolos.

Sindak na nagtatakbo si Rando patungo sa entrada ng sementeryo. Hindi niya kayang makita kung anuman ang dapat niyang makita sa libingang iyon. Palibhasay madilim, hindi agad nasinagan ng dalang flashlight ang isang nakausling ugat ng halaman sa daraanan. Natapilok siya at bumagsak sa lupa.

"Araykupo!"daing niya nang maramdaman ang kirot na nagmula sa bukung-bukung niya paitaas.

Pero saglit lang. Hinagilap niya ang flashlight na tumilapon nang madapa. Hindi niya makita, hindi makapa. Nang maramdaman niyang tila hinigop siya ng isang pwersang hindi malabanan. Tinatangay siya. Dinadala siya sa kailaliman.

Ang sumunod ay ang nakakasulasok na amoy. Nakababaligtad iyon ng sikmura. Nakapanlalaki ng ulo. Hindi kayang ipaliwanag. Hanggang hindi niya na nakayanan ang lahat at nawalan na siya ng malay.

〰〰〰〰
NANG magmulat ng mga mata si Rando ay nasa loob siya ng isang balon. Malagkit ang kumakapit na likido sa kanyang katawan. Mula sa liwanag na nanggagaling sa itaas ng ay tinignan niya ang basang damit. Puno iyon ng dugo.

Dugo ang likidong nasa loob ng balon!

Sumigaw si Rando. "Joe!?... Joe!?"

Napapitlag siya nang mula sa ilalim ng balon ay bumulwak ang malagkit na dugo at iniluwa ang katawan ni Joe. Wala na itong buhay.

"H-hi-hindi!"sambit niyang halos pumutok ang ugat sa ulo dahil sa kilabot.

Waring hindi pa sapat iyon, muling bumulwak ang malagkit na dugo at sa pagkakataong ito, ang nakadilat pang bangkay ni Albert ang nakita niya. Nakarehistro din sa mga mata nito ang hindi mabibigyang pangalang sindak.

Sa sandaling iyon, isang bagay lamang ang nais maangyari ni Rando. Ang mamatay na siya.

Noon niya narinig ang nakakakilabot na na halakhak. Tumingala siya.

Nakita niya ang anyo ng estranghero bagamat hindi malinaw ang mukha nito. May hawak na tila ilawan ang lalaki. Nakadama ng pag-asa si Rando. Naisip niyang dumating ang lalaki para saklolohan siya.

"Saklolo! Tulungan mo ako!"sigaw niya.

Doon kumawala ang akala niya ay ilawan. Isa pala iyong bola ng apoy! Inihulog iyon ng lalaki sa loob ng balon.

Bago pa tuluyang kinain ng sindak ang katinuan ni Rando ay nakita niya mula sa liwanag ng bolang apoy ang kabuuan ng estranghero.

Ang mayamang estranghero pala ang nagbato ng bolang apoy at hindi inaasahan ni Rando na ang mayamang estranghero pala ay ang multo ng dilim

At makalipas ang ilang sandali ay naramdaman niya na nilalamon na siya ng apoy at tuluyan nang nawalan ng malay.

Hinamon sila ng multo upang mayroon itong makasama at upang iparamdam din sa kanila kung paano ito pinatay. At ang mayamang estranghero na dumating sa bayan ng San Sebastian ay ang multo ng dilim. 

                                         WAKAS

Ang BalonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon