Chapter 2

0 0 0
                                    


Kinabukasan ginising ako ng haring araw bumangon na ako at kumain ng umagahan na luto ng aking papa...
Naligo at nag ayos para pumasok sa eskwela

Ana?!
Tawag ng aking papa

Ana:Po?
Papa: Halika na sabay na tayo
Anna: Sige po

Bumaba na ako at sabay na kaming umalis, maya maya lang nakarating nako sa aming paaralan at ang sarap pagmasdan mga puno habang nasisinagan ng araw

Miss?
Napansin ko naman na may tumawag sa akin kaya nilingon ko ito agad

-Hai

At grabe eto yung kapreng humawak sa buhok ko kahapon
-Pasensya na pala kahapon ang totoo niyan hindi naman ako ang humawak ng buhok mo. Para nga pala sayo peace offering

At inabot niya sa akin ang isang chocolate na hugis bilog at mukang mamahalin. Pero sorry siya di ako mahilig sa matatamis

Ahh... Ok lang pero pasensya na hindi ako mahilig sa matatamis

-ahh..  Ganun ba? Ako nga pala si lance ikaw?
>Anna
Lance: ahh.. Pwede makuha number mo?
Anna: Agad agad? Grabe ka kakakilala palang natin number agad?
Pasensya na di pwede

At umalis na ko ng mabilis sa kanya, sino ba siya? Di porket gwapo siya makukuha niya lahat.

Wait! Gwapo? Yung kapreng yun?isss.... Kainis

Pag sapit ng hapon at uwian nanaman...
Hay! Kay bilis ng araw

Meow! Meow! Meow!
Napalingon ako at nakita ko ang isang kuting na mukang itinapon sa daan at muka pang nagugutom. Nilapitan ko ito at buti na lang meron akong dalang sandwich hinimay ko ito at ipinakain sa kanya

Lance: Mahilig ka pala sa kuting?
As usual that kapre again
Lance: Ang cute naman niya
Anna: Ahhh... Oo
Lance:Pero alam mo mas cute ka

Bigla nalang tumaas ang dugo ko sa tenga at namula, wait? Kilig ba tawag dito? Pero bakit..

Lance:Joke lang oh namumula kana
Anna: ano ba kasi kelangan mo?
L:number mo
A: di pwede

At bigla namang bumuhos ang malakas na ulan    At nako kawawa naman mababasa ang kuting at binalot ko sa katawan ko. Napansin ko naman na parang tumigil ang ulan ay di pala pero bat di ako nababasa nilingon ko naman sa likod ko at si kapre tinatakpan ako gamit ang jacket niya pero siya basa na

L: halika na mababasa kana tara hanap tayo ng masisilungan

At itinakip niya sa ulo ko yung jacket niya para di ako mabasa at buti na lang may malapit na tindahan at nakisilong kami

Anna: Salamat.
Lance:Para saan?
Anna: Sa pag silong mo sakin sa ulan.
Lance: Wala yun. Anu pala balak mo sa kuting na yan?
Anna: Di ko nga alam e madami na kasi kameng pusa sa bahay.
Lance: Ganito na lang ako nalang mag aalaga niyan
Anna:Sigurado ka?
Lance:Kelangan ko nga lang ng magtuturo na mag alaga.
Anna:Anu ka ba madali lang
Lance:Number mo
Anna:Huh?bakit
Lance: Eh syempre para may pag tatanungan ako

Wala na akong nagawa kaya binigay kona number ko kasi baka mamaya mamatay pa ito sa pag alaga niya

Kinagabihan napansin ko namang nag ring ang cp ko kaya sinagit ko agad at tumatawag pala si lance

Lance:Ana?
Anna:Oh?
Lance:Bakit ganito sinusuka niya kinakain niya
Anna: Ha? Ano ba kasi pinakain mo?
Lance:Manok
Anna:Gaano kalaki?
Lance:Isang hita
Anna:Himayin mo ng maliliit
Lance:Ay oo nga..
Di na niya sinusuka salamat.

Nagkwentuhan pa kami at mas nakilala pa namin ang isat isat

Lumipas ang mga araw at dun ko siya nakilala ng lubusan napakabait at napakamaginoo niya at di namin namamalayan umiibig na pala kami sa isat isa

Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon