"Jessica what's your problem? Hindi ka na lumalabas ng bahay! Go out and have fun with your cousins." Pag 'eencourage' sakin ng mama ko na lumabas. Gumapang ako papalabas ng pinto ng kwarto ko at gumulong pababa ng hagdan. Char syempre tumayo ako at naglakad pababa. Nandun yung aso kong si Starchie kaya kinarga ko siya palabas at sinuotan ng leash.
Pumunta ako dun sa may park malapit sa bahay namin at nilakad lakad si Starchie. Mamaya ko na pupuntahan yung mga pinsan kong panget sa café ng tita ko para dun na ako kumain ng meryenda. May nakita akong butterfly at mukhang nakita din yun ni Starchie. Hinabol niya yung butterfly kaya nawala yung grip ko sa leash at nagtatakbo siya papalayo. Sinundan ko siya at by the time na makarating ako kung nasan siya, may lalaki na na nakahawak sa leash niya. Nakatingin yung lalaki sa cellphone niya kaya hindi agad ako nakita. Kinahulan ako ni Starchie kaya napatingin yung lalaki sakin.
Kingina ang wafu.
"Miss sayo ba tong asong to? Nawawala siya eh." Sabi niya sabay ngiti.
"A-ah oo. Salamat ah." Kukunin ko na sana si Starchie pero may tinanong pa siya.
"Anong pangalan niya?" Tanong ni kuya.
"Si Starchie."
"Ah. Eh ikaw anong pangalan mo?" Medyo nagulat naman ako sa tanong niya. Medyo breezy boy lang?
"J-Jessie."
"Theo." Sabi niya nang nakalahad yung kamay. Shinake ko naman yun. Hello. Ikaw na ang bago kong crush. Heheh joke asa.
"Aalis na ako ha. Bye nice meeting you, Jessie."medyo kinilig pa talaga ako gawa nung way nang pagsabi niya ng name ko. Medyo nasuffocate ko ata si Starchie sa paghug na ginawa ko. Heheh makaalis na nga. Kinuha ko yung leash ni Starchie at nilead siya papunta dun sa café ng tita ko.
"JESSSSIEEEEE!!!"sigaw ng dalawa kong pinsan na sina Yanna at Alexis.
"Mga panget may nakita akong gwapooooooooo omgggg." Pagbabalita ko sa kanila ng nangyari.
"Huh? Saan, sa park?" Tanong ni Yannie kaya tumango ako.
"Ahh baka si disco hair hahahaha! Yun ba yung nakapangbasketball tapos medyo malaki yung mata? Kasi yun, si Theo. Tapos may isa pa kasing gwapo dyan sa park na lagi namang nakapolo tas nagsskateboard. Yun naman nakataas lagi buhok tapos chinito. Si Kyle." Sure ako yung Theo yun. Pero sino naman kaya yung Kyle?
"Yung Theo yung tinutukoy ko. Nakatakas kasi si Starchie tapos siya nakakuha." Nakita ko naman na nanlaki mata nilang dalawa.
"Kinausap ka???? Swerte mo girl! Pamysteryoso kasi ang lolo mo! Di siya masyadong nakikipag usap sa mga tao." Sabi naman ni Lexis.
"Eh?? Tinanong pa nga niya pangalan ko eh!! Tapos nginitian pa ako!!!" Kinikilig na sabi ko.
"Madaya ka. Porket maganda eh. Ay!! Sshhhh wag kayo maingay andyan si Kyle!!" Whisper-yell ni Yannie. Napatingin ako sa likod ko at may nakita akong lalaking may hawak na skateboard. Uy in fairness ah. Gwapo rin ang lolo mo. Wafu wafuuu. Lumapit siya samin at mukhang kinabahan yung mga pinsan kong panget.
"Hi Lexis, hi Yannie. Sino to?" Tanong niya sabay turo sa akin.
"P-pinsan namin na nagbabakasyon dito. Si Jessie." Nakita ko namang tumabi sakin yung Kyle at ngumiti.
"Hi Jessie ^u^ I'm Kyleee." kingina ang cute naman nitong chinitong to. Magh-hi na sana ako sa kanya nang biglang may tumabi sa kabilang side ko. Nakita ko dun si Theo na nakahalf smile.