05.06.16

6 0 0
                                    

Iniwan, nasaktan, umasang muli, nagtiwala nanaman, pero sa huli-- isa pa ring sawi. Hindi lang isa o dalawang beses, tatlo, apat, lima, maraming beses akong sumubok muli. Muling bigyan ng pagkakataon ang sariling magmahal at mahalin ng isang taong sa huli, iiwan ka lang din. Muling binuksan ang pusong lubos na nasugatan, pusong akala ko'y muling maghihilom yun pala, lalong malulugmok sa kalungkutan. Pusong hindi ko na alam kung andyan pa ba. Pusong tila ba'y bato na at namanhid na sa sakit at pait na naranasan. Pusong muli niyang kinatok at pilit na binubuksan. Pusong tanging paghikbi na lang ang alam. Dahan-dahan niyang ipinalimot ang lahat ng sakit na dinanas, ibinigay ang lahat ng kayang ibigay. Unti-unti kang ibinangon sa matinding pagkadapa at siya pang gumamot ng puso mong puro gasgas. Taong handang ialay ang kanyang mundo para sayo. Ibigay ang pagmamahal na matagal inasam ng iyong puso. Ang atensyon at malasakit na matagal mong hinanap sa iba't ibang tao. At kahit sarili niyang puso ay walang alinlangan niyang isinugal sa paniniwalang darating ang panahon at may kalalagyan siya sa iyong puso. Lumipas ang mga araw, linggo at buwan, lalo kang namukadkad at bumalik ang dating sigla. Ang siglang unang minahal ng iba sa iyo. Naibalik ng dahil sa kanya. Kasabay nito ay ang pagtabang ng sana'y matamis na pagmamahalan. Pagbalik ng mga tanong at alinlangan sa isip. At ang mabilis na pagtutol ng mas matibay mo ng dibdib. Na hindi na maaaring muli ka pang mahulog para sa kanya. Dahil baka ito ay patibong at baka muli ka nanamang mahuli at mawasak. Pinilit mo siyang ibigin ngunit tila ubos na ang pagmamahal na kaya mong ibigay. Tuluyan ng nilamon ng hapdi ang pagmamahal na dapat ay isinusukli mo sa kanya. Kahit hindi aminin ay alam mong sa iyong pag-usbong ay siya itong natuyot. Siya itong unti-unting nabulok ngunit hindi uminda dahil sa pagmamahal niya. Pagmamahal na bumuo sayo ngunit ngayo'y sumisira sa kanya

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 06, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Muni-muniWhere stories live. Discover now