HALAGA (one-shot)

39 3 1
                                    

"Bakit ganon? May nagawa ba kong mali o hindi niya nagustuhan na ikinagalit niya?" ang tanong sakin ni Eman. Halata sa boses niyang nagpipigil ito ng luha. Nakayuko at lungkot na lungkot ang itsura.

Nakaupo kami sa ilalim ng punong mangga kung saan kami iniwan ni Sarah, ang pinakamagandang babae sa buong campus. Ang nag-iisang babaeng kinahumalingan ni Eman. Halos siya lang ang babaeng pinapansin nito, maliban na lang siguro sakin.

Heto ko sa tabi niya, walang masabi't walang magawa kundi damayan siya. Gustong-gusto kong umiyak, sumigaw at magalit sa kanya pero di ko magawa dahil wala kong karapatan.

Wala kong karapatang sabihin sa kanya kung bakit siya binasted ni Sarah. Kung bakit dapat na niya itong kalimutan. Kung bakit hindi karapat-dapat si Sarah sa kanya. Kung bakit mahal na mahal ko siya.

Yun yung masakit eh. Wala kong karapatang aminin sa kanya ang totoo kong nararamdaman. Hindi ko makuhang ipaliwanag sa kanya kung gaano kasakit ang makita ko siyang nahihirapan. Pero kung tutuusin, pareho lang kami ng pinagdadaanan.

Gusto kong magsalita. Gusto kong pagaanin ang loob niya. Pero paano ko gagawin yun kung ako mismo ay may mabigat na dinadala. Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha ko. Umiiyak na rin pala ako. Nagulat na lang siya nang mapansin niya ko.

"Ninah?" nakaramdam ako ng kirot sa noon na'y masikip kong dibdib sa pagsambit niya ng pangalan ko. Pinunas ko agad ang luha ko saka liningon siya.

"Anong problema?" ang mapag-alala niyang tanong. Pinilit kong tumigil sa pag-iyak at ngumiti.

"Ikaw kasi! Iiyak-iyak ka jan. Tuloy! Naiyak na rin ako. "

Napangiti na lamang siya. "Iniwan na nga ko ng babaeng mahal ko, iiyak ka pa. Mas lalo akong maiiyak nyan."

Agad na gumaan ang loob ko sa sinabi niya. Kahit kailan, ano man ang mangyari, walang pagkakataong hindi niya ko napangiti.

"Tara. Hatid na kita. Baka hinahanap ka na sa inyo." sabi niya sabay tayo at suot ng bag niya. Hinatid niya ko samin. Araw-araw niya yung gawain.

Lumipas ang ilang araw. Bumalik na yung dati niyang sigla. Bumalik yung masayahin, palatawa, palabiro, topak at walang katapusan kung magkwentong Eman na kilala ko. Mas masaya pa siya ngayon kumpara nung nililigawan niya si Sarah. Lagi siyang depressed nun kasi di niya raw ito magawang pangitiin.

Papano naman kasi ngingiti ang tulad niyang walang puso. Manhid ang lokaret na yun. Andaming nanliligaw sa kanya pero ni isa, wala siyang sinagot. Pero heto't sinagot niya si Donald, pinsan ni Eman.

Tatlong araw pa lang itong nanligaw, sinagot agad. Samantalang si Eman, tatlong buwan nang naghihintay ng OO niya, siya pa tong basted. Talaga atang literal na loka-loka tong babaeng toh.

Pinagpalit niya si Eman sa isang katulad ni Donald?! Kung kilala mo yung dalawa, talagang hindi kapani-paniwala. Gwapo, matino, mabait, matalino at masayang kasama si Eman. Tangkad lang ang tanging linamang nung isa kanya. At sing pangit lang naman ni Donald ang pangalan niya.

Hindi naman sa nanlalait, hindi lang talaga ko lumaking sinungaling.

Ang masama pa, hindi alam ni Eman ang tungkol sa kanila. Tinanong niya si Sarah kung ba't biglaan ang naging desisyon nito pero di siya sumagot. Hindi ko alam kung ba't hindi ko magawang sabihin sa kanya. Siguro dahil ayokong mas lalo siyang masaktan.

Lumipas ang mga araw na wala siyang kaalam-alam. Sa tuwing nakikita o nakakasalubong niya si Sarah, umiiwas ito ng tingin. Pansin parin ang lungkot sa mga mata niya pag nakikita niya si Sarah. Pero agad itong magjo-joke para hindi mahalata.

"Ninah! Eto oh, binilhan kita ng paborito mo." sabi niya sabay abot ng dark chocolate brownie.

"Wow! San ka bumili nito? Hindi ba matagal nang nagsara yung Sweet Stop sa canteen?"

HALAGA (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon