Chapter 5: Seatmate

3 0 0
                                    

= Payne's POV =

" BUNSO! BANGON NA!! MAY TOUR KA PANG AATENDAN!!"

Ano ba yan!!! Ke-aga-aga, ang malaking bunganga ni Ate Kathryn ang gumising sa akin. L*ch*!

" ATE, ANG AGA-AGA! ANG INGAY MO NA! ANONG NAHUTHOT MO AT ANG HIGH MO NA?! HA?! DAIG MO PA ALARM CLOCK KO!" Sigaw ko rin sa kanya. In-off ko naman ang alarm ko.

" Hehehe, sorry naman bunso. Pero serious mode muna tayo. Kailangan mo na mag-ready. May flight ka pang gaga ka!" Pangsesermon sa akin ni Ate.

" Oo na. Babangon na." I said at dumaretcho na sa banyo. Pagkatapos kung maligo, nagbihis kaagad ako. Black sweater that says " Supreme ", tapos black pants then black and white Converse. Tapos I tied my hair in a high ponytail, tapos I applied powder. Tapos, tapos na ako!

Tinulungan ako ni Ate na buhatin ang mga bagahe ko. Inilagay muna namin yun sa sala, dahil magbe-breakfast pa po kami. Kawawa naman lola niyo kung di ako nakapag breakfast diba? Baka mangayayat ako.

Kailan ka pa nangayayat?

Bumalik nanaman ang kontrabidang utak ko.

=_____________=

Huy, wa-

Mamaya ka na makipag-away sa akin, gutom na ako, kaya shut up ka muna. Okay?

Tss = ̄ω ̄=

Naglakad na ako papunta sa sala kung saan nakita ko ang nanay at tatay ko na maligayang nagkekwentuhan habang kumakain habang ang kapatid ko naman, walang awang nilalantakan ang pagkain.

I feel sorry for the food. (T_T)

" Morning Ma, Pa!" Bati ko.

" Morning din anak." Sabay na sabi nila bago sila bumalik sa paglalam- este pagkekwentuhan. Haysst! Ganyan rin ba ang totoo kong magulang? Sweet ba sila sa isa't isa? Di ba sila parating nag-aaway? ∪ˍ∪

" Hoy! Sheesh! Olom ko ong iniisip mo..." sabi niya.

" Anong sabi mo?" Tanong ko. Paano ko naman maiintindihan yan eh puno nga ng pagkain ang bibig parang mauubusan ng food supplies! Kaya ayaw isama ni Mama kung pupunta sila ni Manang sa grocery eh! Kahit ano na lang ang inilalagay sa food cart. -_-

" Ang sabi ko, Sis, alam ko ang iniisip mo. Alam mo, wag mo muna i-stress ang self mo tungkol sa parents mo. Okay?" Tumango naman ako. Kaya nga mahal ko tong ate ko eh! Kahit matakaw at tumataba na, chubby naman ang pag-ibig niya para sa akin. Na-touch ako.

Nag-simula na akong kumain. Habang kumakain kami, nagkekwentuhan rin kami. Ay, oo nga pala. Malapit na ang debut ni Ate Kathryn. Huhuhu! Magiging ganap na babae na si Ate! At pwede na rin siya makulong! Mwahahaha! Joke lang. ( ̄∀ ̄)

" Magandang umaga po!" Napatingin kami sa bumati. Ay, si Jk! Oh! Ang aga naman nito! Eh sa pagkaka-alam ko, tulog-mantika to eh!

Parang di ka naman tulog-mantika.

Diba sabi ko sayo, shut up ka muna??

Tss.  ̄︿ ̄

" Oh, Jk! Morning rin. Tapos ka na bang kumain? Sumalo ka na sa amin." Sabi ni Mama.

" Naku po! Tapos na po akong kumain. Nandito lang po ako para sunduin si Payne." Sabi ni Jk. Yup! Sasabay ako sa kanya papuntang airport. First stop kasi ng tour ni Darren E. a.k.a Mr. Inis, sa Batangas! Excited na ako. May ngayon! Meaning, makaka-attend ako sa Parade of Lights! Yung Festival of Lights ba yun? Basta yun! Yiiee! (^v^)

" Ah, aalis na ba kayo?" Tanong ni Papa.

" Opo eh. Baka po kasi ma-traffic po kami. Kung ma-tatraffic po kami, baka ma-iwan kami ng flight namin. Kung maiiwan po kami, di po kami makaka-attend ng tour. Kung di po kami makaka-attend ng tour, baka po magalit ang director ng tour dahil walang choreo, tapos kung magagalit po ang director, baka po idemanda si Payne, tapo-"

" Tapos na ang speech ni Jk dahil aalis na kami kasi kung hindi, baka saan humantong ang imagination niya." Sabi ko. Tumawa naman sila. Kainis tong si Jk! Idemanda ba naman! Lol!

Nagba-bye na kami sa parents ko at kay Ate na busy sa pagkain. Tinulungan nila ako sa paglalagay ng mga gamit ko sa van nila Jk. Bye ulit tapos lumarga na kami. Mahirap na at baka ma-traffic kami. Magka-totoo pa yung sinabi ni Jk. Naku! Wag naman sana. (ToT)

~~~~~~~~~~~~

Salamat naman at nakarating na kami sa airport. Kumuha muna si Tito Gio yung parang luggage cart ba yun? Ewan kong anong tawag diyan!

Bago kami pumasok sa loob, nag-bye na kami kay Tito Gio. Ma-mimiss ko si Tito Gio, sina Mama, Papa at ang ate kong bungangera.

Pagpasok namin ni Jk, nakita kaagad namin si Mr. Inis kasama ang iba pang teens. Paglapit namin, tinignan ko si Mr. Inis at tinignan niya rin ako, tapos nag-irapan kami.

" Oh, Payne, Jk, andito na pala kayo. Good Morning sa inyo!" Bati ni Mr. John. Nakita ko naman si Adam. Nag-smile siya sa akin at nag-wave kaya binalik ko rin sa kanya ang favor.

" I would like you to meet your co-artist that you'll be spending time with the whole tour." Sabi ni Mr. John.

" This is Stacy." He said as he pointed to a girl. Nag-wave siya sa akin kaya nag-wave rin ako sa kanya.

" This is Grazz." He pointed to a girl with a curly hair. She waved at me and I waved too.

" And these is Gimme 5." He pointed to a group of guys. They waved to me and I returned the favor.

Later on, our flight is called so we all approached the gate. A minute passed, we entered the plane.

Sana naman si jk ang makatabi ko o si Adam. O kahit sino man basta wag lang si Mr. Inis!!! Dahil kung siya ang makakatabi ko, hindi ko alam kung anong magagawa ko dun. -_-#

Nabigla naman ako ng lumapit sa akin si Jk ng naka-ngisi. Huh? Bakit naman to naka-ngisi?

" Good luck Payne! Sana buhay ka pa, after ng flight natin." Sabing ni Jk. Huh? Ano bang pinagsasabi ng lalaking toh?! Part nanaman ba toh ng imagination niyang lumilipad??

Sinamaan ko lang siya ng tingin at tumawa naman siya.

" B3 ka. Di tayo magkatabi ng seat. They already assigned a seat for each of us. And unfortunately, di tayo magkatabi. See you later." He said and kissed me on the forehead before leaving.

●﹏●

Hey guys! Can you keep a secret? Can I tell you that I like Jk? Take note! L I K E

Napa-sigh na lang ako at pumunta sa seat ko. Pagdating ko dun, may nakita akong lalaking naka-upo malapit sa bintana.

" Excuse me po, pero pwede po bang tumabi sa inyo?" Tanong ko dun sa lalaki. Lumingon naman sa akin ang lalaki at grabenv inis ang naramdaman ko nung nakita ko ang pagmumukha ng lalaking yun.

" Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Mr. Inis.

" Malamang uupo. Ano bang ginagawa sa upuan? Kinakain?" Sarkastikong tanong ko. Umirap naman siya. Heh!

Ba't ba ang cruel ng mundo ngayon? Ito ba ba ang epekto ng global warming? HUH?!

T_______________________T



Wala na akong nagawa kundi ang umupo.


This will be a long ride......

When Ms. Dancer Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon