Dear Ex (One Shot)

1.8K 82 27
                                    

Dear Ex,

Kamusta ka na?

Siguro masaya ka na ngayon, sa piling niya. Sa piling ng bago mong mahal. Sa piling ng taong bagong nagpapatibok ng puso mo. At sa bagong nagpapasaya sayo.

Ang sakit lang isipin kasi dati, ako yun.

Ako yung dating nagpapasaya sayo. Dating nagpapatibok ng puso mo. Dating mahal mo.

Hindi ko tuloy maiwasang alalahanin lahat, lahat lahat ng ala-ala nung magkasama tayo. Nung ako pa ang mahal mo.

Pasensya ka na ha. Siguro iniisip mo na dapat, nakalimutan na kita. 

Pero ang hirap kasi eh. Ang hirap magmove-on. Ang hirap takasan ng nararamdaman ko sayo. Ang hirap mong makalimutan. Mas lalo kasi kitang minamahal, araw-araw.

Yung mga regalo mo sakin. Yung mga bagay na binigay mo sakin, may okasyon man o wala. Lahat yun nakatago pa rin. Lahat yun iniingatan ko pa rin. Lahat yun nasa akin pa rin.

Ilang beses ko na siyang sinubukang itapon ngunit di ko magawa. Pakiramdam ko kasi, sa paggawa ko nun, unti-unti rin akong nasusunog. Unti-unting nadudurog. Unti-unting nawawala.

Bakit ganun? Bakit sobra akong nahihirapan? Bakit ako sobrang nasasaktan? Bakit sobra kitang mahal?

Kung alam mo lang sana, kung ilang gabi kita iniyakan. Ilang luha ang pumatak sa aking mga mata at kung gaano ako nasaktan.

Gusto ko kasing malaman, kung saan ako nagkulang. Kung saan ako nagkamali para naman nasolusyonan ko agad. Para naman nagawan ko agad ng paraan. Para naman di mo ako iniwan.

Ilang beses ko pa ngang inisip na siguro sinusubukan mo lang ako. Siguro kailangan mo lang ng space. Na siguro ako pa rin ang mahal mo.

Pero bakit ganun. Ang tagal kong naghintay. Ang tagal kong umasa. Hanggang sa isang araw, nalaman ko na lang sa iba na may bago ka na.

Sana lang napapasaya ka niya gaya ng ginagawa ko nung tayo pa.

Sana lang iniingatan ka niya gaya ng ginagagawa ko noon nung tayo pa.

Sana lang lagi niyang pinapakita sayo na mahal ka niya.

Sana lang lagi siyang magreply sayo sa tuwing magtetext ka.

Sana handa siyang makinig kapag may problema ka.

Sana lang handa siyang isakripisyo ang kung anong meron siya.

Sana lang, mahalin ka niya higit sa ginawa ko noon.

Sana lang.

Wag kang mag-alala. Susubukan kong mabuhay ng wala ka. Susubukan kong kalimutan ka. Masakit man, susubukan ko pa rin. Mahirap man, gagawin ko pa rin. Lalo pa ngayon na kitang-kita ko kung gaano ka kasaya sa piling niya. Kung gaano ka kasigla kasama siya. Kaya siguro panahon na para ako naman ang makaramdam nun. Panahon naman para ako ang sumaya.

 Hanggang dito na lang.

Nagmamahal, 

Ako.

P.S. Mahal na mahal pa rin kita.

Dear Ex (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon