~1~

18 0 0
                                    

"Ziella ayoko na. Break na tayo."

"A-a-ano?! B-bakit?!"

"Ayoko na! Sawang sawa na ako! Ikaw! Hindi ka pa ba nagsasawa?!"

"Nagsasawa?! Bakit ako
magsasawa?! Mahal kita! Mahal na mahal!"

"Break na tayo. TAPOS!"

"P-p-pero mahal kita. John minahal mo ba ako?"

"...."

"Sana pinatay mo nalang ako kung sasaktan mo rin lang pala ako ng ganito! Huhuhuhu"

Ano ba yan ang che-cheesy naman ng mga to.

Kala mo kung bida ng isang pelikulang puro drama ang alam. Psh.

Hindi nalang nila pagbutihin ang pag-aaral nila.

Tong mga classmate ko talaga puro nalang love ang alam nila.

Hm? Ano kayang meron ngayon at halos lahat sila'y nagbrebreak?

'wala nga kasing forever'

'Ay oo nga pala' sagot ko sa isip kong kontrabida.

Para akong tanga.

Kausap ko nanaman sarili ko.

Mas malala pa ata ako sa mga love birds sa paligid ko. Haha

"Attention!"

"Kaye Lopez. You are needed at the faculty room now. Thank you."

"I repeat. Kaye Lopez you are needed at the faculty room now!"

Ay wow. Grabe naman ung nagannounce nun.

Anong gusto nila?

Agad agad andun na ako?! Psh! Makapunta na nga lang.

Habang naglalakad ako'y may nakita akong couple na nagaaway.

OMG sinampal ni girl si boy? Wait parang kilala ko tong mga to ah?

Teka....

Sila nanamn ulit?

Si John at Ziella nanaman nagaaway.

Ung nagdradrama kanina sa tabi ko? Hindi na ba sila titigil?

Omy uumiiyak na si Ziella? Anong gagawin ko?

Hm di ko nalang sila papansinin hahaha bahala na sila problema na nila yan.

"Lopeeeeeeeez!"

"Ay sh*t!"

"WHAT?!"

"Wala ma'am. Nagulat po kase ako. Sorry po." pagmamakaawa ko, sana umeffect.

Please.

Sungit pa mandin nitong si Ma'am Velarde.

"Okay pakiaanounce mo nga sa classroom niyo mamayang hapon na magkakaroon tayo ng meeting about sa VALENTINE'S DAY"

at talagang diniinan niya pa ung Valentine's day hah?

Psh palibhasa matandang dalaga kase.

"30 mins. pa bago magtime. Kaya siguraduhin mong hindi mo makakalimutang may meeting. IT IS A MUST! kaya kapag may wala, ikaw ang mananagot. Okay?!"

"Yes po Ma'am" ngiting ngiti ko sagot kahit kaplastikan lang yun.

Dumeretso na ako sa classroom dahil busog ako.

Sarap pa mandin ng ulam ko, pritong tilapia, luto ng nanay ko yun kaya masarap haha.

Pagpasok na pagpasok ko sa classroom eh nagulat ako dahil nagkukumpulan ung mga kaklase ko may pinapanood ata sila sa gitna?

Heal Thy WoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon