DASAL

76 1 0
                                    

May mga bagay dito sa mundo na hindi ko lubos na naiintindihan,mga bagay na palaisipan kung bakit sila nandito sa mundo natin??

"DASAL"

………………………………………………………

ako si Drake, nag hahanap ako ng apartment malapit sa school na pinapasukan ko hanggang sa nakita ko ang isang apartment na tamang tama lang ang distansya mula sa school.

luma at mukang madaling gumuho pag tinamaan ng isang mahinang lindol. pero ano bang magagawa ko? halos isang b'wan na akong nag hahanap ng apartment. sa totoo lang matagal ko ng nakikita ang gusaling ito,nag bakasakali lang ako na baka may makita ako na mas better pa sa gusaling ito. ang ending? sa mukang mahunang building ang bagsak ko.

sinilip ko muna ang buong lugar para siguraduhing okay lang mangupahan dito at mukang okay naman.

kina usap ko na ang care taker ng gusali. pag katapos noon ay inayos ko na ang mga gamit ko sa apartment na titirhan ko.

habang nag sasalansan ng mga damit sa isang malaking aparador na may malaking salamin ay may napansin akong kakaiba sa pag ka luma nito. ang tinutukoy ko ay iyong stain sa palibot ng salamin. nung una ay akala ko palamuti lamang ang mga iyon.

nilapit ko ang muka ko sa salamin upang malaman kung ano ang bagay na iyon..whoa!! sigaw ko matapos na may humawak sa likod ko.

kayo pala yan.. ginulat nyo naman ako manang.

ano ba kasing tinitignan mo dyan ijo?

ahh wala naman po ito.. ano po ang inyong pakay?

ah ganun ba? ahh kakamustahin lang sana kita kung okay lang ba sayo ang nilipatan mo.

okay naman po ako dito. salamat po!

habang palabas ng apartment ko ang matanda ay may sinabi sya sa akin.

wag ka ng lalabas ng apartment mo pag ala syete na. magandang araw sayo.

hindi ko masyadong inintindi ang sabi ng matanda dahil sa pagod at antok na ako.

mabilis na tumakbo ang araw at hindi ko namalayan na ala sais na pala pag gising ko.

maka labas nga muna at nagugutom na ako.. nasaan kaya si manang ng mapatignan saglit itong apartment ko.

nag lalakad ako sa hallway para hanapin si manang pero 15mins na akong paikot ikot dito sa hallway ni anino ni manang wala.

ugh! saan na ba si manang? gutom na gutom na ako. ang tanga ko naman kase,bakit hindi ko naitanong kung saan ang tinutuluyan nya.

OH MY GOD!!!

HAHAHAHA.. mukang takot na takot ka ijo?

medyo lang ho..hehe

loko tong si manang ahh.. hilig mang gulat.

bakit nga ba nasa labas ka? dalikado na ahh.

hinahanap ko lang po kayo upang pabantayan ang inuupahan ko. nais ko lang pong bumili ng makakain.

ahh.. wag na. halika sumunod ka sa akin dali.

ngayon ko lang napansin,tila yata walang bukas na ilaw sa labas ng apartment ng bawat nangungupahan dito.

manang bakit po...

wag mo ng intindihin ang mga kakaibang bagay na napapasin mo,para na rin sayo iyon.

ano pong ibig nyong sabihin?

nandito na tayo. may pag kain dyan sa lamesa. dito ka na muna kumain at mag palipas ng gabi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 14, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DASALWhere stories live. Discover now