Prologue
Tuwing hapon paborito kong humiga sa ilalim ng puno sa gilid ng playground.
Maraming nag aaya saakin makipag laro pero tumatangi ako mas maganda kasing mag basa ng libro, lalo na't paborito ko pa ang binabasa ko.
Habang nag babasa ako may bumato sa akin, isang batang lalake.
Inis na inis ako sakanya dahil sa ginawa nya dahil papagalitan ako ni daddy pag nakita nya akong may sugat.
Kaya binato ko din sya ng librong hawak hawak ko.
Pero nginitian nya lang ako at pinunasan nya yung luhang dumadaloy sa muka ko.
Ang mga ngiting yon ang tumatak sa aking isipan.
Araw na nya akong sinasamahan mag basa at umupo sa tabi ng playground at minsan ay
mag lalaro kami ng habulan ngunit isang araw pag punta ko sa tambayan namin ay may nakita
akong isang piraso ng papel at may nakasulat na
"Kris Sorry kung di ako nakapag paalam ng maayos.
We're leaving. Sa states.
Sina dad ee dun na daw ako mag aaral pero wag kang mag alala babalikan kita"
Love,
Ken.<3'
BINABASA MO ANG
PLAYGROUND
Teen FictionBabalikan kita PANGAKO. Love, Ken. <3 Anong gagawin mo pag iniwan ka ng pinaka mamahal mo? Aasa ka nalang ba na babalikan ka nya dahil nangako siya? Oh mag MOMOVE ON ka nalang at kakalimutan ang nakaraan? :)) Hello Everyone. :) Sana mabasa nyo tong...