Chapter 2: Crest In

27 3 0
                                    

*Kawai* Hello everyone, sorry if now lang nakapag-UD nasira po kasi yum charger ko ( C.P lang po kasi gamit ko. ), kaya medyo matatagalan po ang pag U-UD ko pero wag po kayo mag alala. Tuloy-tuloy po ang pag gawa ko ng Draft para pag may chance mag UD. Sunod-sunod, hope you understand.

--

Cier's POV

Nagsimula na akong maglakad suot ang suot ko kanina sa party, the violet fitted long gown and the black killer high heels. Hindi naman kalayuan ang building dahil di naman ganon kalaki ang isla para nga lang itong isang malaking garden eh, isang garden na nakapalibot sa isang malaking building. Dala ko rin pala ang aking mga gamit na nakalagay sa dalawang maleta.

Dahan-dahan lang akong naglalakad to enjoy the scenery. Iba't-ibang klase ng bulaklak. May mga butterflies din na lumilipad at iba't-ibang klase ng napakaga-gandang puno.

May mga kasabay din akong iba pang Tribute suot ang kanilang iba't-ibang klase ng gowns for the girls and suit for the boys. May mga dala rin silang mga maleta kagaya ko. Ang kaibahan lang ay ang iba ay halata ang excitement, may iba namang parang napipilitan lang while the others seems they doesn't care.

Konting lakad na lang ay nasa harap na ako ng glass door ng building. Tiningan ko ang orasan ko at nakitang malapit na pala mag alas kwatro ng hapon. Mahaba rin talaga ang binyahe ko. Umalis ako sa amin ng 12:00 noon ngayon alas kwatro na, kaya ramdam ko na ang gutom ko. Wala namang problema duon dahil sagot ng pamunuan ng Crestia na binubuo ng iba't-ibang leader ng bansa, ang lahat ng pangangailangan naming mga Tribute at kasama duon ang pagkain.

Kaya dali-dali na akong naglakad papasok sa glass door ng building.

Pagpasok ko ay dumiretso na ako sa receptionist sa bandang kanan pag pasok ng building. Luckily wala akong kasabay kaya na kuha ko agad ang room number ko kasama na ang gold and white card na magagamit ko bilang susi ng pinto ng kwarto ko. At access sa iba't-ibang facilities dito sa loob ng building na maaring i-acces ng mga Tribute na kagaya ko. All in all siguro nasa 25,000-30,000 kaming mga Tributes na naririto.

Pag talikod ko sa receptionist ay bumungad sa akin ang isang moreno at matangkad na lalaki. Nakayuko siya kaya di ko makita ang mukha. May ka text ata siya sa phone niya. Probably family niya or girlfriend. His wearing a simple black three piece suit with a touch of red, red necktie and a black shiny shoes.

--

Madali ko namang nahanap ang kwarto ko sa 19'th floor, room number 1928. Pagpasok ko ay bumungad sa akun ang isang flat screen T.V sa harap nito ay isang sofa set. Sa bandang kaliwa naman pag-pasok ng pinto ay ang kitchen nandoon na rin ang dining table. Malapit na rin sa kitchen ang isang restroom. So i think ang pinto sa bandang kanan ang kwarto ko.

Pag-pasok ko ng magiging kwarto ko naagaw agad ng attention ko ang isang device na sa unang tingin ay aakalain mong isang simpleng half mask lamang. Kulay black and gold ito at nakapatong sa isang table sa bandang kanan ng aking magiging kama. Sa bandang kaliwa ay may pinto that i think is the walk-in closet and sa kanan ay may pinto rin na sa aking tingin ay ang C.R. Sa bandang kanan ng pinto ng walk-in closet ay may isang wooden vanity mirror. At sa harap ng kama ay isa pang flat screen T.V, DVD player and sa bandang kaliwa nito na malapit sa pintong pinasukan ko ay isang stand na kulay black. Metal stand na sabitan ng coats, hats, and pwede ring scarf.

Kumpleto ang rooms nila dito. Para ka lang nasa isang condominium unit. Comfortable din and maaliwalas.

Inilagay ko na muna ang maleta ko malapit sa walk in closet dahil gutom na talaga ako.

Nandito na ako sa isa sa mga fast foods here sa loob ng building. Merienda lang naman kaya mag snacks lang ako. I ordered one cheese burger, one extra large fries, one double hot fudge sundae and a soda for my drinks. Pinasamahan ko na rin ng water.

Crestia ( On-Hold )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon