03.

403 13 0
                                    

03.

"Hoy Jeonghan! Pwde ba tigil tiglan mo ako sa mga banat mong yan! Nako! Alam na alam ko na yan eh" Medyo napalakas ang boses ko, kasi naman kung ano ano yung mga sinasabi niya.

Tama ba yung mag huhugot siya tapos pinapatamaan ka at nag pipick up lines pa.

"Sayo lang naman ako ganun ah" Sabi niya sabay ngiti. Yung mga ngipin niya na mala dolphin teeth sarap pang galbutin.

Sasagot pa sana ako kaso biglang dumating si ma'am, so shut up nalang ako.

●●●○○○

Papunta na kami ng gym nang biglang may humarang sa amin na isang grupo nang mga babae. Four to five members  siguro, hindi ko kasi makita

"Anong kailangan niyo?" Tanong ni Gray

"Wala naman. Gusto lang namin kayo turuan nang leksyon" Sabi ng isa na mukhang gurilla

"Wala daw, pero gusto tayong turuan nang leksyon. Ano daw? Gulo. Alis na ngalang tayo" Pag yaya ni Yla

"HOY! KAYONG TATLO HA! AKALA NIYO KUNG SI SINO KAYO! LAYUAN NIYO NGA ANG SVT! ANG PAPANGET NIYO NAMAN. ANG LALANDE NIYO!" Pasigaw na sabi ng isang medyo chubby na babae.

"HA HA HA and HA, yan pala ang rason kung bakit niyo kami hinaharang ngayon. Tsk. Tsk. Tsk. Ang low niyo naman.  Sa halip na pumunta kayo doon sa mga silid niyo at mag aral mas inuna niyo pa ang mag pakiaway eh no? At FYI! Hindi namin ni lalande ang SVT! Ang kakapal nang mukha niyo isabi sa amin yan... freshmens palang kayo uy! Gusto niyo isusumbong ko kayo sa mga magulang niyo? Ha?" Bigla namang nag bago ang mukha nila doon sa huling sinabi ko.  HAHAHAHA. Takot naman pala.

"Tayo na nga" Gray

"Hahahaha. Mga bwesit yun ah" Yla

Jeonghan's POV

K

ami ay nang lalakad papuntang gym nang may narinig kaming may nag sisigawan.

HOY! KAYONG TATLO HA! AKALA NIYO KUNG SI SINO KAYO! LAYUAN NIYO NGA ANG SVT! ANG PAPANGET NIYO NAMAN. ANG LALANDE NIYO!"  Lima VS Tatlo

"HA HA HA and HA, yan pala ang rason kung bakit niyo kami hinaharang ngayon. Tsk. Tsk. Tsk. Ang low niyo naman.  Sa halip na pumunta kayo doon sa mga silid niyo at mag aral mas inuna niyo pa ang mag pakiaway eh no? At FYI! Hindi namin ni lalande ang SVT! Ang kakapal nang mukha niyo isabi sa amin yan... freshmens palang kayo uy! Gusto niyo isusumbong ko kayo sa mga magulang niyo? Ha?" Familiar yung boses na yun ah, napalingon naman ako para tignan kung tama nga hinala ko. Well, bilib ako sa hula ko.  Siya nga. Ang manyak na Kristal

"Nag aamoy away!" Hoshi

"Kaya na nila yan" Seungkwan

"Oo nga, sila pa." Seokmin

"Tayo na nga" Joshua

KRISTAL'S POV

Bwesit! Bwesit! Bwesit! at Bwesit!

Napuno na ako sa babaeng to eh!

Kanina pa siyang nananadya eh!

Baka mapatay ko to nang wala sa oras.!

Peste!

"Hala! Umuusok yang ilong mo tal! Bakit ba?" Yla

"Makakapatay ako nang tao nang wala sa oras eh"

"Grupo ni Jana yung tinutukoy niya. Kanina niya pa inaagawan nang bola at tinutulak si Kristal" Sabi ni Gray kay Yla

Sarap batuhin nang bola! Pasalamat siya nandito yung teacher namin kung hindi makakatikim siya sa akin.

"Tayo na ngalang sa locker room. Ligo muna ako upang mabawas bawasan naman yung pagkabadtrip ko" Sabi ko at tumayo na

Inayos na nila ang gamit nila at tsaka narin lumakad.

○○○●●●

Uwian na at pinauna ko na silang dalawa. Tinatamad pa ako eh.

Habang sa hallway ay nagulat ako  nang may tumawag sa akin.

"Ms. Joon, pwde bang humingi nang favor. Paki lagay nga ito doon sa science lab" Langya to! Na utusan pa ako.Sana hindi na ako lumingon.

"Ah sige po" then I fake smile

"Salamat  ha"Sabi niya saka umalis

Ano ba to?  Tsk.

Binilisan ko nalang ang paglakad kasi baka ilock na yun nang janitor.

Pag pasok ko ay inilagay yung mga folder sa isang table.

Naglibot libot muna ako dito sa loob nang lab.

Ang daming mga hapoy na prenisurve.

Ang yuck pero amazing.

Maka alis na nga dito.

Teka! Oh fvck! Bat hindi ma buksan to?

I suggest dito ako ngayon matutulog.


⬇⬇⬇⬇ Chapter 4 ➡➡➡➡

Ms. Byuntae || SVT Jeonghan [FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon