8:43 pm
V: Laric nagtext sakin yung bestfriend mo.
9:12 pm
Anrhi: ha?
V: si Paul nag chat sakin. Binigay yung number niya. Text daw kita. Magkita daw kayo sa adoration chapel.
Anrhi: bulacan pa yun ah. Bakit parang biglaan naman.
V: di ko pala nabasa yung dulo ng text niya. Wag daw ako maingay surprise pala yun
Anrhi: ay ok. Sige pauwi na ko.
9:29 pm
Anrhi: teka Lewis. Di naman kayo close ng bestfriend ko ah. Tsaka wala ka namang phone.
V: magkatabi naman kami ng upuan nung 2nd yr high school eh. Basta may phone na ko. Asan ka na daw ba?
Anrhi: school pero pa jeep na. Teka tawagan ko nga si Paul.
V: wag! Nadulas akong surprise pala to baka magalit di niya alam na nasabi ko
Anrhi: ah ok.
10:32 pm
Anrhi: nasa adoration chapel na ko Lewis sabihin mo. Salamat.
10:57 pm
Anrhi: Lewis?
11:09 pm
Anrhi: nakaupo lang ako sa bench sabihin mo.
Seen 11:11 pm
V: ano nakikita mo?
Anrhi: bukod sa sarado na yung adoration chapel. Ano pa dapat makita ko? Asan na ba si Paul?
V: kinuwento ni JM sakin plano mo.
Anrhi: ha? Anong plano? Kailan sinabi sayo? Ano ba yun?
V: gusto mong maging close pa tayo hahahaha hanggang sa punto daw na pag di mo na ko chinat tapos mamimiss kita hahahaha.
Anrhi: ah yun ba. Wala na lang yun. Asan na ba si Paul?
Ang tagal uuwi na ko.V: mission accomplished ka ba?
Anrhi: ewan ko. Ano bang pinagsasabi mo? Uuwi na ko. Sabihin mo kay Paul umuwi na ko sumama pakiramdam ko.
V: wag kang tatayo. Umupo ka ulit.
Anrhi: the hell?! Andito ka ba!
Asan ka ba?! Kung andito ka wag kang magpapakita!V: hulaan mo. Hindi ko naman alam na lumilinga linga ka eh hahahaha
Anrhi: Lewis hindi ako nakikipaglaro sayo. Tulad ng ginagawa mo!
V: yes you did.