Umaga na naman kailangan ko namang bumangon at mag-ayos para pumasok sa university kahit na umaga na ko nakauwi galing sa trabaho ko na nakakatulong nang malaki para masuportahan ko ang aking pag-aaral.
Lumabas na ko nang kwarto at nagpaalam sa napakabait ko na mama.
Ma pasok na po ako.-ako
Cge anak mag iingat ka ha? Alam mo na kahit saan nandyan ang disgrasya.-Mama
Opo alam nyo naman na parati talaga akong nag-iingat.-ako
Lumabas na ko nang bahay at nag lakad lakad patungo sa sakayan nang jeep.
Pag-dating ko nang school nakita ko agad ang best friend ko na si John Reynald, kumukuha siya nang kursong B.S. in Secondary Education major in math, ewan ko ba sa best friend kong to kung ano ba pumasok sa utak at gustong maging guro dapat kasi Marine Engineering ang kukunin namin sa College kaso eto ako magiging negosyante at sya magiging dakilang guro. Ok enough sa pagiging pala kwento ko.
Si best friend nasa 5'8 ang height, moreno, matangos ang ilong, pula ang labi at malamlam ang mga mata na sabi namg iba yun daw ang asset nya.
Nung makalapit ako sa kanya kinamusta ko lg cya kung kamusta ang weekend nya.
Musta weekend mo best?- ako
Ayus naman ayun puro basa na lg nang libro para d naman ma bored ikaw? - john
Ah sa trabaho lg alam mo na kailangan para sa pag-aaral ko.- ako
Nga pala ano yung trabaho mo at gabi talaga ang sched mo?- john
Crew ako sa isang fast food kaya gabi dahil para na rin sakin may klase diba kada weekdays nang umaga at hapon. -ako
Ok.- john
Nagpaalam na ko para pumunta sa management building dun ang una kung klase. Malapit lg dn naman ang education building sa building namin kaya parati kaming nagkikita nang best friend ko kahit d nag titext.
Siya nga pala d ko pinapaalam sa best friend ko ang tungkol sa totoo kong trabaho. Sigurado makakatikim ako dun nang mahabang sermon or worst baka pandirihan ako nun.
Oo tama kayo isa akong callboy, wala ee dun makakakuha ako nang malaking pera para na rin sa pag-aaral ko at makatulong na rin sa gastusin sa bahay.
John's POV
Hi I'm John Reynald best friend at the same time nagmamahal kay Benedict.
Yup tama kayo sa iniisip nyo I'm gay at hindi yun alam ni Benedict. Hindi pa ako handang mag sabi sa best friend ko dahil sa takot kong kamuhian ako nito at masira ang pagkakaibigam naming dalawa.
High school pa lang alam ko na sa sarili ko na bakla ako nagsimula ito nong minsang nag sleep over ako sa bahay nang bestfriend ko..
Gabi na non nag reready na kami para matulog pero dahil likas na ang kakulitan sa best friend ko kiniliti ako nito..at nauwi yun sa kilitian naming dalawa. Dahil hindi naman kalakihan ang kama niya nahulog kami sa sahig.
Napakaawkward ngayon nang pwesto namin ako nasa ilalim at siya ang nasa ibabaw ko at magkatapat ang labi namin.
Mga ilang segundo na nasa ganun kaming posisyon tumayo sya at umupo sa kama.
Hahaha tang*na best kinuha mo first kiss ko.- Benedict
Ha? D ah ang kulit mo kasi yan tuloy nahulog tayo.- ako
Hahaha ang epic nang mukha mo best... Tulog na tayo nang makarami tayo nang muta hahaha- Benedict
Ayun nahiga na kami sa kama. Mga ilang minuto sinulyapan ko siya at nakitang tulog na samantalang ako d makatulog dahil sa pag iisip parin sa nangyari kanina, ang lambot nang labi niya at ang bango nang hininga niya.
Dahil sa tulog na rin siya sumulyap ako sa bahagi kung saan siya nakahiga at nakita ko ang mala anghel nyang mukha. Ang kinis nang mukha niya, katamtaman ang tangos nang ilong niya at ang labi niyang napaka ganda tingnan parang napakasarap halikan.
Simula non parati ko nang naiisip ang pangyayaring yon. Akala ko nong una nagugustuhan ko lg yung mga features niya pero kalaunan nakakaramdam na ko nang kuryente kapag magkakalapit kami.
D ko man tanggap na minahal ko na ang best friend ko wala naman akong magagawa para mawala yun siguro kailangan ko lang galingan sa pagtago nito para mapanatili ko ang pagiging mag best friend namin.