I Promise.

263 16 14
                                    

[A/N: I kinda missed Wattpad. Lol. Hi PetalsOfARose! Naalala kita sa story na 'to. Nagkakasundo kasi tayo. Hahaha! Sana magustuhan mo! :))]

-----

I promise I won't fall for him.

"KAIRA!" sigaw niya sa'kin. Kahit hindi ako lumingon, alam kong siya 'yun. Siya lang kasi ang tumatawag sa'kin sa pangalan na 'yun. Nag-aalinlangan pa ako, pero nilingon ko pa din siya.

"Oh? Anong meron, Ted?"

"Ah--eh, wala. Sabay na sana tayo umuwi." Napangiti ako. Not because he was offering for a walk, but because he was frustrated to say the right kind of words. May pagkatorpe pala 'to eh.

"Hmmm. Di ba may training ka pa?" Sorry na. Fishing ako eh.

"Wala. Every Tuesdays and Thursdays lang sched namin." sagot naman niya.

"Ahh." sagot ko naman sa kanya.

"So ano na? Pwede ba akong sumabay or what?" Natatawa na ako. He was now desperate to have a yes.

"Sige na. Parang iiyak ka na dyan eh." Nagsimula na akong maglakad kaya automatic na napalakad din siya para maabutan ako. Dinala niya 'yung bag ko at saka 'yung dalawa kong books.

"So, uh. Bakit mo naman naisipang sumabay sa'kin eh out of the way naman 'yung bahay mo?" I tried to break the ice. Ang awkward naman kasi kung maglalakad lang kami eh almost 15 minutes din 'yun.

"Huh? Ah-- eh nakita lang kita. Wala din kasi ang mga kabarkada ko." An honest answer, I guess. Bawal mag-assume sa mundong ito. Kayla, wala lang siyang makasama. Wala sa plano niya ang ihatid ka.

I promise I won't fall for him.

"Tuesday ngayon ah. Bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya. Ginulo lang niya ang buhok ko na kakasuklay ko lang talaga at saka nilagay 'yung cap niya sa ulo ko.

"Ah, nag-call off si coach ng practice. So free ako ngayon. Snack date, you want?" At napangiti ako. We've been hanging out for, like, two weeks already and he's been so nice to me.

"Ui, Kaira. Ano na?" And that snapped me out from idling.

"Ted, for the nth time, Kayla. My name is Kayla and not Kaira."

"Kayla, Kaira, parehas lang naman. At saka para unique. Gusto kong 'pag narinig mo 'yang pangalan na 'yan, ako lang ang maaalala mo." I blushed then eventually turned away. Ayokong mahalata niya.

"Sus! Cheesy mo! Tara na. Libre mo ha."

"Oo na. Kuripot ka eh." He grabbed my bag and my books gaya ng ginagawa niya the past days. I turned away para hindi niya makita 'yung ngiti ko. After a few seconds, I followed him. Bawal mahulog para sa kanya.

I promise I won't fall for him.

"What is it this time? Na-call off ulit 'yung training niyo or you got bored then skipped your practice?" Natatawa kong biro sa kanya. He just smiled and it made me looked away.

"Actually, may sasabihin lang ako sa'yo bago ako pumunta sa field." Napatingin naman ako sa kanya.

"Ano ba 'yun? Para namang ang importante niyan kasi hindi mo pa sa text sinabi."

"Iniimbitahan ka kasi nina Mama. Dinner daw mamaya. Sunduin na lang kita ng mga 7. Sige." And he did something that I didn't expect; he kissed me on my cheeks.

I promise I won't fall for him.

"Ba't ganyan mukha mo? Parang pinabuhat sa'yo ang langit ah! Si Atlas ba ang peg mo ngayon?" Sinamaan ko lang siya ng tingin tapos napaubob na lang ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Promise.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon