What happened to me?
Hindi naman ako ganito dati?
I was more having fun before, but why...
... am I not having fun anymore.
~~Lyra's POV~~
~~Text Message
From: Mike
What happened? You suddenly left. Did you gave up on playing?
"haha ---- Once again, I've been misunderstood." Kakagaling ko lang mag party, pero hindi ko na kasama ung mga kaibigan ko.
Pauwi na ko sa apartment. Kahit anong gawin ko palagi ko parin naiisip si Josh. Hindi ko sya maalis alis sa isipan ko mag mula ng may nangyari saamin. Higit isang buwan na ang nakakalipas pero hindi ko padin ito maalis sa isip ko. December na next week at two weeks nalang at school break na. May plano pa naman akong umuwi sa bahay.
"Ah- Enough already! Seriously, why should I be bother by that stupid Josh." Sa sobrang pagkairita ko may nakita akong plastic bottle saka ko un sinipa palayo.
Pagpasok ko sa apartment agad akong nagshower saka naman ako nanood sa salas. Ng nagutom ako nagpadeliver nalang ako ng pagkain galing sa McDo. Favorite ko eh. Wala pang 20 minutes meron ng nag doorbell, kaya agad akong nagpunta sa pintuan. Laking gulat ko nakita ko si Javer na bitbit ang isang take-out??? na McDo bag.
"Oh, bat ka naligaw dito? Saka ano yan?" binuksan ko ng maayos ung pintuan para makapasok sya.
"Wala lang, mangan-gamusta lang sana. Hindi mo naman kasi ako sinisipot pag gusto kong magkita tayo kaya ako na nagpunta dito." Saka naman sya pumasok sa loob ng apartment ko. At nagpunta sa kitchen para ihanda ung take-out.
"Ah..hahaha! Sensya naman, minsan kasi mas masayang mag enjoy kasama ung ibang tao na hindi mo kakilala." Naupo naman ako sa sofa
"Tsk! Hindi ba pwedeng ko nalang kasama mo? Naghahanap ka pa ng iba andito naman ako ah." Kasa nya pinatong ung take-out kanina.
"Oh... alam mo kung anong gusto kong kainin? Grabe ha, nagiging stalker kana nyan." Pag bibiro ko kay Javer. Last time kasi na nagkita kami, umamin sya ng nararamdaman saken. Eh ako... ayaw ko naman syang masakta. Kaya binasted ko. Hahaha!!
"Hindi ah! Nakita ko lang kasi kanina ung delivery boy sa tapat ng pintuan mo. Magdo-doorbell na sana sya pero sinabi ko nalang na ako ung nag order." But we still remain the same.. pero may konteng nagbago, mas close na kami sa isat-isat.
"Nga pala, san ka magvi-vation ngayon? Malapit na kasing school break." Change topic muna kami, saka ako kumain—pati din naman sya, nakikain narin
"Ummm... I guess sa bora? Ewan, hindi ko pa naman naisip. Ikaw?"
"Uwi muna akong bahay saka ko na isipin kung saan ako magvacation."
"Why not come with me?" tumingin naman ako sakanya.. wala lang naman un para sakanya kasi may sarili silang villa sa Boracay.
"I guess. Saka dun narin tayo mag christmas party." Well, magkaibigan na rin kami kaya okay na un.
"Hindi ba uuwi ung parents mo?"
"Uuwi sila, sasabihin ko nalang na magpunta silang Boracay sa 24 para dun tayo sa villa nyo mag party. Ayaw mo un?" pang asar ko sakanya, gusto kasi nyang makilala parents ko. Para daw maka dagdag points sya.. but that was before.
BINABASA MO ANG
My Neighbor
RomanceMay isang collage student na nakatira sa isang complex, sya ay kumukuha ng medisina. Isang araw may lumipat sa kabilang unit sa tinitirhan nyang complex. At itong bagong dating ay isang lalaking may trabaho. Ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalaw...