Special Chapter
—FIVE YEARS LATER—
[Narrator's POV]
"Yeoboseyo?" masayang bati ng isang napaka-cute na little boy na nasa edad apat na taong gulang. Naglalaro siya ng laruang telepono habang kunwari ay may kausap sa kabilang linya.
Ang ganda ng sikat ng araw, kaya tuwang-tuwa ang batang nagpunta sa playground upang maglaro. Binilhan kasi siya ng mommy niya ng mga bagong laruan, dahil well-behaved siya ngayon.
"Yeoboseyo? Appa, Lei imnida!" [Hello? Dad, this is Lei.]
"Hi! What are you doing?" Lumapit sa kanya ang isang little girl na halos kasing-edad niya. Naka-ponytail ang batang babae at sobrang cute din sa suot na pink na bestida.
"Hmm? I'm calling my dad," malambing na sagot niya, sabay ipinakita ang hawak na laruang telepono.
"Ano 'yong sinabi mo kanina? I can't understand those words." Umupo rin sa damuhan si little girl at tumabi kay Lei.
"Ah, those were Korean. My ninang and my mom taught me how to speak those words. Ang sabi kasi nila my dad lives in Korea, so I need to learn it," paliwanag naman niya. Kahit four years old pa lang, parang mature na siyang mag-isip kumpara sa mga kaedad niya.
"Talaga?" Namilog ang mata ng batang babae. "Bakit nakatira siya doon?"
"Sabi ni Ninang, famous star kasi siya do'n," sagot niya.
"Star? 'Yong nakikita sa sky during night time?" inosenteng tanong nito sa kanya.
"Nope. He works as an artist there. He is famous in Korea. Many people loved him because he's talented. He can sing, dance, act and do many other things!" proud na sabi ni Lei habang binibilang sa daliri ang mga talents ng daddy niya.
"I'm sure you're excited to meet your dad. Kailan daw siya uuwi?" Lumitaw ang sweet smile sa mukha ng kalaro.
Subalit bigla namang lumamlam ang kinang sa mga mata ni Lei. "I don't know. Mommy said, Daddy is super busy. But I hope he will make it on my birthday."
Tumingala siya sa maaliwalas na kalangitan, at saka malungkot na bumulong sa sarili. "Appa, bogoshipeoyo!"[Dad, I missed you!]
********

BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant
RomanceAs they navigate their temporary arrangement, Vianca and Mitsui must confront their own feelings and biases towards each other. Will they be able to make the most of their situation, or will their differences tear them apart? Can Vianca find a way t...