Chapter 8: Good Samaritan

77 8 0
                                    

Sorry kung di po ako nakapag-UD kahapon, busy po kase. Dami kong ginagawa tas late na din po akong nakauwi. Bawi po ako ngayon :)

Be Fan

Vote

Comment

Recommend

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chloe's POV:

Habang palabas kami,

may nakita ako na nakapagpaluha saken

Di ko talaga kayag makita yun

TT.TT

"Bakit Chloe?" -- gian

"Tol anyare sayo?" -- cyrus

"Wala to." -- ako

Habang lumalakad kami,

Di mawala sa isip ko yung nakita ko kanina.

Di ko mapigilang mapaluha.

Di ko kayang tiisin

TT.TT

"Wait lang guys. Hintayin niyo ako dito. Di ko na kase talaga kaya eh! Kailangan ko siyang lapitan." -- ako

"Lapitan? Sino??" -- cyrus

"Basta!" -- ako

Umalis na ako pero kita kong tinatanaw nila ako.

Bahala na!

"Nanay, bakit po kayo umiiyak?" -- ako

"Kase nakuha yung pera ko sa terminal. 3 days na ako dito sa luneta park." -- matandang babae

"Wala po ba kayong alam na cellphone number para matawagan po natin?" -- ako

"Wala. Tinangay din nila yung cellphone ko TT.TT" -- matandang babae

"Gusto niyo po samahan ko kayo sa police station?" -- ako

Biglang dumating sila cyrus at gian.

Di na din sumagot yung matandang babae.

At may napadaang security guard ng luneta park sa amin.

Tumigil siya sa harap namin.

"Kuya, pwede po bang pakitulungan po s nanay. 3 days na daw po kase siya dito." -- ako

Tinanong nung security guard kung ano ang nangyari nang biglag nag-ilocano si kuya at yung matanda.

Kaya siguro di makasagot yung matandang babae sa akin kase di niya gaanong maintindihan ang tagalog.

Habang nag-uusap sila, minabuti kong puntahan yung pulis na nakita ko kanina malapit sa park.

Gian's POV:

San na naman kaya pupunta yung babaeng yun?

Pero di ko akalain na mabait pala siya.

Wala kase sa ugaling pinapakita niya.

Di niya ba naisip na nagkalat ang budol-budol sa manila?

Pero buti na lang nanaig sa kanya yung pagiging mabait kahit papaano.

NakakaOP na si ate at si manong guard

-___-

Pero nakakaawa talaga tong matandang to.

Di ko maimagine na 3 days na pala siyang nandito sa park.

3 days na siyang dito na tutulog

Eh paulan ulan pa naman!

Till I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon