LITRATO

873 15 7
                                    

*LITRATO*

Ang pangalan ko ay Crystel. At nais ko magbahagi sa inyo ng isang nakakatakot na karanasan.

Sa aking pag kakatanda nangyari ito taong 2009, nasa 2nd yr college ako.

Bakasyon noon kaya yung dalawang nakababatang pinsan kong lalaki ay nag bakasyon sa amin.

Madaling araw na pero nag kakatuwaan pa kami sa aming sala.

Kasama ko noon ang aking Ate at yung dalawa kong pinsan. Ang nanay ko naman ay gising parin pero naroon sya sa kwarto namin at nag tutupi ng mga damit.

Noong una at nag kukwentuhan lamang kaming mag pipinsan. At biglang naisipan ng ate ko na mag kuhaan kami ng litrato.

Marami kaming kinuhang shots. At kung anu-anong pose pa ang ginagawa namin. Yung ate ko ang kumukuha ng litrato. Meron pa kaming pose na nilagyan naming ng wig ung dalawa naming pinsan na lalaki kaya sobra ang tawa namin at hindi namamalayan na mag aalas tres na pala ng madaling araw.

Dahil sa sobrang kasiyahan namin. Hindi na namin namalayan na maingay na kami.

My biglang sumitsit sa amin na tila galit ang tono. Matandang lalaki ang boses nito.

"Psssst!!!!!"

Nang galing iyon sa my dingding kung saan nakatira yng kapit bahay namin.

Naisip namin na kapit bahay namin yon at naiingayan na samin. Kaya tumahimik kami. Pero ilang minuto ay nakalimutan nanaman namin ang oras.

Dahil sa wala ng maisip na pose, napagtripan ng ate ko na gayahin ko daw si sadako sa palabas na "the ring", dahil mahaba at unat na unat ang aking buhok.

Tumayo daw ako sa likod ng aking mga pinsan at mag panggap daw akong multo. At dahil sa nag kakasiyahan na nga kami, ginawa ko ang sinabi ng ate ko.

Hinarap ko ang mahaba kong buhok sa aking mukha at umarte na parang nananakot. Nang pumose nako sa likod ng mga pinsan ko kinuhaan n kami ng litrato ng ate ko.

At pag ka shot ng camera tinignan namin ito at nagtawanan. Para kasing totoo ang kuha ng ate ko. Nakakatakot ang gnawa kong pose.

Hindi namin namalayan na nagiging maingay na ulit kami kaya nakarinig nnman kami ng sitsit. At dalawang beses pa.

"Pssssst!! Pssst!!"

At dahil sa mga bata pa kami at makukulit hindi namin ito pinansin.

Ang ate ko naman ay hindi nakuntento. Pinaulit nya sakin ung ginawa kong pose kanina at sa pagkakataong iyon, pinalabas nya ung kamay ko na aktong parang naninigas para daw maiba naman.

Pag kashot ng camera at pagkakita ng ate ko sa litrato nanlaki ang mga mata nya! Na parang gulat n gulat. O.O

Kaya kami ng mga pinsan ko ay agad lumapit sa kanya para tignan kung bakit naging ganon ang reaksyon nya.

Pag kakita namin sa litrato at nagtayuan ang balahibo ko at nag katinginan kaming pag pipinsan.

pagkatapos nun ay my biglang kumalabog ng malakas sa my bubong namin.

"BLAG!!!!"

At dun na kami sabay sabay nagtakbuhan sa loob ng kwarto!

Hindi na namin nagawang patayin ang mga ilaw at electric fan dahil sa takot.

Alam nyo ba kung ano ang nakita namin?

Isipin nyo na lang yung pose na ginawa ko.

Nakaharap ang aking buhok sa mukha at nakatayo ako sa likod ng aking mga pinsan na aktong wala silang malay na my nakatayong sadako sa likod nila (ako yun).

Nakakatakot diba?

Pero ito ang pinakanakakatakot at hindi namin inaasahan.

Wala kaming malay na sa may likod ko mayroon din palang MATANDANG LALAKING nanlilisik ang mga lubog na mata, hapis na hapis ang kanyang mga pisngi at halatang galit dahil naka kunot ang kanyang nuo!

hindi lang yon! meron pa itong katabing BATANG BABAE mayroon itong bangs, maikli ang kanyang buhok at lubog din ang mga mata!

Kaya ng makita namin iyon ay wala kaming nagawa kundi kumaripas ng takbo sa loob ng kwarto!

Napagisip isip namin na yung matanda cguro na nakuhaan namin ng litrato ay sya rin yung sumisitsit samin.

Masyado na cguro kaming maingay mag pipinsan at hindi nya kami nakuhang patahimikin sa pagsitsit.

Kaya nag pakita na ito sa litrato. Na syang epektibo naman dahil natahimik talaga kami.

--katapusan...

nag try lang po.. hehe sana ay nagustuhan nyo... at kung inyong hihilingin na magsulat pako ulit, maaasahan nyo po ang aking pag tugon n.n

MARAMING SALAMAT!

LITRATOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon