[Clandestine Lover 2]
[Teller of Tales’ P.O.V.]
Halos ilang taon nang pinagmamasdan ni April si June sa malayo simula pa nung 1st year college sila ay hindi! Simula pa pala nung nasa highschool sila.
Maganda naman si April pero hindi siya napapansin ni June. Hanggang tanaw na lang talaga siya.
Palangiti siyang tao sa kabila ng problemang dala-dala niya at isa pa, masigla siya kaya’t hindi napapansin ng iba ang nararamdaman niya.
Marami ang hindi nakakaalam na may itinatago si April at isa yun sa dahilan kung bakit napalapit siya kay June.
[April’s P.O.V.]
“Okay lang po yun mama. Kaya ko pa naman eh.” Sabi ko kay mama.
“Talaga anak? Sabihin mo lang sa amin ha kung may nararamdaman kang masama.”
“Opo mama! Hindi pa po muna ako susuko hangga’t hindi pa natatapos ang assignment ko.”
Kasalukuyan kaming nandito sa terrace, naguusap kami nila mama at papa. Inaalala lang namin yung sinabi ng doktor kanina.
“Haay nako bata ka! Basta’t huwag mo lang papagurin ang sarili mo ha.” Bilin ni papa.
“Opo papa!”
“Sige na! Matulog ka na. Ayusin mo na ang higaan mo at kailangan mong matulog ng maaga.”
“Opo! Sige po mama, papa. Matutulog na po ako.” At hinalikan ko sila sa noo nila bago ako umalis.
Ngayon ko na sisimulan ang assignment ko.
Asan na ba yung notebook na yun?
AYUN!
(flips the pages)
Heto!
June Garcia- 09307******
Itext ko nga!
To: June Garcia <3
Hey there!
At agad naman itong nagreply.
From: June Garcia <3
Who are you fucking creature? Where the hell did you get my number?
To: June Garcia <3
Uyy! Kalma lang June! Si April to. Kilala mo ako diba?
From: June Garcia <3
April? Hoy kalbo! Saan mo ba nakuha ang number ko? Stalker ka ba?
To: June Garcia <3
Hindi naman! Kumusta?
From: June Garcia <3
PAKYU! Matutulog na ako.
To: June Garcia <3
Sige! Goodnight June! ^_^
Haay! Kung sinasabi niyong nakakaawa ako, oo! Nakakaawa ako dahil ganun talaga makapanlait si June sa akin. Kalbo, parasite at kung anu-ano pa ang tinatawag niya sa akin.
Kesyo wala na akong buhok at wig na lang ang tanging ginagamit ko, ganyan na siya makapanlait. Pero, kahit papaano, mahal ko si June.
At di yun magbabago.
BINABASA MO ANG
Clandestine Lover 2
Teen FictionThis is a SHORT STORY. Written in Tagalog(Philippines' National Language) Clandestine means SECRET This Clandestine Lover 2 DOESN'T have any connections to Clandestine Lover 1. April is June's Secret lover. June is a gangster type of man who doesn't...