Chapter 1

23 0 1
                                    

...criiingggg.....

"Bangon na Alyana malalate ka na sa school!" sigaw ng kanyang nanay.

"Urgh!... Ang aga pa ma inaantok pa ko maya maya" pabulong ni Alyana.

....Plack!...

Isang malakas na hampas ang natikman ni Alyana sa kanyang nanay.

"Aray!"
"Ano hindi ka pa babangon?"
"Ito na po oh tatayo na oh"
"Maligo ka na at kumain bilisan mo at anong oras na oh"
"Opo" pabulong na sabi niya saknyang nanay.

Matangkad at medyo payat ang aking mama. May brown eyes siya katulad ng sakin at may pagka brown ung kulay ng buhok niya. Sa kanya talaga ako nag mana pinag kakamalan nga kami minsang magkapatid kasi parehas ang hubog ng mukha namin.

Nag lakad ako papuntang CR habang dala dala ang aking school uniform at towel. Naligo ako at pag tapos ay dumerestyo sa kusina at kumain. Nilagay ko sa lababo ang pinag kainan ko at pagkatapos ay nag sipilyo na din ako.

"Bye ma alis na po ako" sabay kuha ng bag at sinuot ang paborito kong black jacket.
"Sige magiingat ka wag pagabi ah" ang sabi ng kanyang nanay habang nag huhugas ng pinag kainan.

Sinuot ko sa tenga ko yung earphone ko at pinlay ang paborito kong kanta. Kinuha ko ang bike ko at nag simula na kong mag pedal papuntang school.

Tahimik ang kalsada. Maririnig mo ang mga ibon sa paligid at ramdam mo ang simoy ng hangin. Hayy ang sarap sana laging ganto kapayapa. Maya maya ay may narinig siyang pamilyar na tunog.

....CRIIIINGG....

"Ay nako po! Bell namin yun! patay late na ko!" bigla kong hinigpitan ang kapit ko sa aking bike at sinimulang mag pedal ng sobrang bilis.

"Ahhhh!!! 3 mins na lang malalate na ko!!"

Nalalate din kasi pumasok ang aming teacher pero yung pagka late niya kakaiba on time lagi pag katapos ng bell 5 mins after nun dadating na agad siya kaya kailangan ko siyang maunahan.

"AHHH!!! tae 2 mins na lang hindi ako makakaabot....not unless i switch to my MAXIMUM OVERDRIVE!!" sabay karipas na pedal.

pinark ko na ang aking magarang bike.

"Good morning kuya guard! pabantay muna ng bike ko hindi ko muna lalockan late na ko eh" habang tinatanggal ang earphone sa tenga.
"Sige Alyana ako na bahala sa bike mo hahaha late ka na go takbo na!" sabi ni kuya Erick na guard ng aming school.
"Salamat kuya! aasahan ko yan!"
sabay takbo papuntang room.

"1 min na lang syet!! urggh!! ito na ilang hakbang na lang!"

Dali dali kong binuksan ang pinto ng classroom namin inaasahang wala pa ang aming teacher dun medyo masungit pa naman yun pag umaga. Heto na bubuksan ko na sana wala pa.

....eenkkk...

Everything has a RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon