Chapter 2

17 0 0
                                    

....eenkk....

Nakapikit ako habang binubuksan ang pintuan. Onti onti kong minumulat ang mata ko at pag kamulat ko ay una kong tinignan ang lamesa ni maam.

"WOOOH!!" halos maglumpasay ako sa sahig sa nadatnan ko.
"YAHOOOO!! wala pa si maam! wala pa si maam! hahaha an saya saya!" habang palundag lundag ako sa classroom.
"Sinong wala?" pasigaw na sabi ng isang pamilyar na boses.
"Edi si maam wala pa" payabang na sagot ko habang patuloy sa pagdidiwang.
"May iba pa bang maam dito bukod sakin?" sabi ng pamilyar na boses.

Dahan dahan akong lumingon paharap sa may pintuan. Nanlaki ang aking mata dahil yung pamilyar na boses pala na kanina ko pa kausap ay si maam na pala.

"Ma..ma..maam Raechel...Go...good...m...morning po.." pautal utal kong bati kay maam.
"Good morning din Alyana puntahan mo ko sa teacher's lobby bago mag uwian ok?"
"Yes po maam" sabi ko habang nakayukong pumunta sa upuan ko.

Patay. Ang daldal ko pa kasi eh pwede namang umupo na lang ako bigla eh nagawa ko pang magtatatalon. Kaasar patay nanaman ako neto mamaya ano nanaman kayang papagawa sakin? wag naman sana akong pag sulatin ng "I will never do it again" sa yellow pad na back to back gaya ng dati. O baka naman paglinisin nanaman ako ng field o dikaya kakaibang community service. Haysss ano nanaman kayang papagawa sakin?

"Ok class get your book and open it on page 142. I'll start the discussion after 3 mins" sabi ni maam Raechel habang may kinukuhang gamit sa kanyang bag.

Maganda si maam Raechel. Mabait naman talaga siya sadyang pag umaga may kung anong masamang espiritu ang sumasapi sa kanya kaya siya nag susungit. Para bang hindi dinatnan ng dalaw ng ilang buwan ang ngayon lang nilabasan. Mapupungay ang mata ni maam ang cute ng mata nya eh medyo blueish match sa buhok nyang blonde.

"Psst... Ano nanamang trip mo kanina?" sabi ni Jonas habang kinakalabit ako
"Problema mo ba? Hindi ko naman alam eh" sabay talikod sa kanya.
"Luh ang sungit niya oh ano to maam Raechel the 2nd? wag mong sabihin nahawa ka na din ni maam" sabay tawa habang nakahawak ang kaliwang kamay niya sa kanyang tiyan.
"Luh!? trip mo gusto mo paduguin ko yang labi mo gaya ng ginawa ko kay Bisugo?"

Napatigil si Jonas sa pag tawa

"Ito naman oh di mabiro. Kaya napagkakamalang lalaki ka eh kung makipag away daig pa lalaki. At di ka na naawa kay Marco tinawag mo ng bisugo sinuntok mo pa da best ka pre!" habang nakaabang ng high five galing sakin.
"Siya naman kasi may kasalanan eh at kagustuhan niya naman yun eh" sabay kuha ng book at ballpen sa bag.

Binaba naman ni Jonas ang kamay niyang naka high five at kunwari ay nag kamot na lang ng ulo. Nagsimula na ang klase at nag turo na din si maam.

....CRIIINGG...

(sigh)...
Sa wakas tapos na ang klase makakapag pahinga na dn ako sa bahay.

"Pre ready ka na ba?" sabi ni Jonas habang tinatapik ang likod ko.
"Umuwi? oo kanina pa inaantok na nga ako eh" sabay hikap ng malakas.
"Sira ulo anong uwi? Pinapatawag ka ni maam sa lobby db? ano amnesia kunwari walang alam para lusot? susss luma na yan pre"
"Ay King iney! oo nga pala nakalimutan ko! Syet ano bayan nawala sa isip ko sige pre salamat sa pag paalala da best ka talaga!" sabay hampas ng malakas sa kanya at maiyak iyak ito sa sakit.
"Grabe ikaw na nga sinabihan ako pa tong hahampasin sige Good luck mag ready ka na sa general cleaning mo bukas!" habang kumakaway sakin.

Langhiya tong lalaking to nagawa pa kong suportahan hayss di bale buti na lang pinaalala niya kung hindi mas magagalit si maam sakin. Dali dali akong tumakbo papuntang lobby at nakita ko kaagad si maam.

"Oh bat ngayon ka lang?" sabi ni maam habang nakakunot ang noo.
"sorry maam nawala po sa isip ko eh"
"Di bale sige umupo ka na dyan"

Umupo ako sa kulay violet na upuan parang sofa ang lambot sobra medyo nababawasan kaba ko kasi narerelax ako sa upuan.

"Maam sorry po talaga hindi na mauulit kahit ano pong parusa ok lang po wag niyo lang pong sabihin kay mama ang dami na po kasi ng iniisip niya ayoko na pong dumagdag sa problema niya so.."
"Hinay hinay lang Alyana hindi yan ang rason kung bakit kita pinapunta dito."

Nagulat ako sa sinabi ni maam. Ano kaya ang rason kung bakit ako pinapunta ni maam? syett nakakakaba naman lahat tuloy ng nagawa kong kasalanan ng flaflash back ano kaya ang rason ano bayan naguiguilty tuloy ako ah baka naman yung moment na sinuntok ko si Marco ahh oo tama hindi pa kasi gumagaling ung labi niya eh bading ata yun an tagal mag regenerate ng bibig niya lahing bibe ata yun eh pakapal ng pakapal nguso bagay lang sakanya yun tutal mukang bisugong bibe naman siya eh.

"Maam sorry po hindi naman po talaga ako yung may kasalanan kung bakit dumugo ng ganon labi niya eh kung. Siya naman po talaga may gusto nun."
"Ano ba ang mga pinagsasasabi mo Alyana hindi to tungkol kay Marco, sa pagigiling late mo, o kung ano pa yang nasa isip mo. Tungkol to sa college life mo."
"College?"
"Oo halos lahat ng kaklase mo ay may kanya kanya ng school na pinag entrance examan ikaw na lang ang wala pa. Nag aalala ako sayo baka mamaya maubusan ka ng slots sa kung ano mang course kukunin mo."

Napatingin ako sa baba. Wala pa talaga akong preffered course di ko pa alam kung anong hilig ko besides music. Wala din akong preffered school as in wala talaga akong plano sa college life ko. Kung tutuusin gusto ko pa nga masama sa K-12 na sinasabi kasi wala talaga akong alam sa buhay ng isang college student.

"Ano na Alyana buhay ka pa?" sabi ni maam habang winawagayway ang kanyang kamay sa may mukha ko.
"Pag iisipan ko pa po maam wala pa po talaga akong maisip na course or school"
"Oh sya sige sayang naman yang talino ko kung di ka mag cocollege basta kung nahihirapan kang pumili sabihin mo lang sakin baka matulungan kita at oo nga pala ito na yung result ng NAT mo baka sakaling makatulong yan" habang iniaabot sakin ang brown envelope.
"Thank you po maam"

Tumayo na ko at naglakad papaalis ng lobby. Hindi na din ako nakapag paalam kay kuya Erick kasi may kausap siyang magulang. Nginitian ko na lang siya sabay kuha ng bike ko at nagsimulang mag pedal pauwi. Pag pasok ko sa bahay ay dumeretsyo agad ako sa kwarto at humiga.

"College?" pabulong kong sabi sa sarili ko.
"Wala pa nga akong course collee agad? ni school nga wala pa dn eh hayss"

Napatingin ako sa brown envelope na binigay ni maam. Tumayo ako at kinuha ang envelope at binuksan ito.

"Engineering?" nagtatakang sabi ko.
"Best course ko engineering? hayss di ko na alam..urghh.." habang ginugulo ang buhok ko.

Sabagay hindi naman ako pwede mag chef kasi di naman ako marunong mag luto, magaling nga ako sa arts pero di naman ako kikita ng malaki dun, ayoko naman mag doktor or nurse kasi takot ako sa dugo, mas lalo ng ayoko maging teacher kasi alam ko kung gano kakulit mga studyante sa klase syempre ako pa ba? Siguro nga engineering bagay sakin. Tumakbo ako papalabas ng kwarto pinuntahan ko si mama sa may kusina.

"Ma! ma!" sigaw ko
"Ano yun?" habang pinupunas ang kanyang basang kamay sa kanyang apron.

Iniabot ko ang envelope kay mama. At binuksan niya ang laman.

"Oh engineering pala ang best course para sayo gusto mo ba?"
"Hindi ko pa po alam pero ayoko dn po ng ibang course siguro yan na lang"
"Anong yan na lang? Dapat sigurado ka sa pinipili mo kasi yan na ang magiging trabaho mo sa future"
"Bahala na magugustuhan ko din naman po yan eh at engineer din naman po si papa diba?"
"Oo pero ang kaibahan ng papa mo sayo eh gusto ng papa mo yung trabaho niya"
"Basta ma hahaha kaya yan"
"Sige ikaw bahala san mo gusto mag college?"
"Kahit saan ma basta college"
"Sige mag exam ka sa UP, Lasalle, ATENEO, FEU, at MAPUA. Pero mas maganda MAPUA kung mag eengineering ka"
"Sige po mukang top schools po yan ah "
"Oo pag napasa mo yan lahat mahihirapan kang pumili"
"Well, Let's see where my future is"
"Oh sya tara na at kumain na tayo"
"Tara po kanina pa po ako nagugutom. Hmmmm mukang masarap ah!
"Syempre naman luto ko yan eh"

At nagumpisa na kaming kumain. Bukas na bukas din sasabihin ko na kay maam na sa ngayon eh may napili na din akong course. Mas mabuti ng meron sa wala.

Everything has a RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon