OA 1

0 0 0
                                    

Opposite attract 1
•••••••

"Blessie, tawag ka ni ma'am Dha!!" Ay! Mahal ko si Miko!!

Shet. Buti nalang di ko nasabi ng malakas. Hoo!!

"Ba't kailangang sumigaw Miko?! Mag katabi lang naman tayo ah!!" Pabalik na sigaw ko sa kanya.

"Buti nga yun bsjjochbbdsosmenhh..
" bulong na sabi ni Miko.

Kanina sumisigaw ngayon bumubulong naman.

"May sinasabi ka ba Miko?!" Mataray kong tanong sa kanya.

"Wala sabi ko umalis ka na!! Pumunta ka na ng laboratory room!! Sumisikip kasi dito sa room gawa ng TABA mo!!!" Aba't makapanloko to ah...

PERO AYOS LANG..
AT LEAST NAPAPANSIN NYA AKO. OKAY LANG NA LAITIN NYA AKO. BASTA MAHAL KO SYA. PERO HINDI NYA ALAM. AKO AT ANG TATLO KO LANG NA KAIBIGAN. One sided love, kumbaga!

halos 4 taon ko na din itong nililihim at ngayon graduating na namin sa high school....

Tumayo na ako at sinabihan sya na...

"Payatot ka lang!!! Tapos Dancing King ka pa!! Huwag kang matakot sumayaw katawan ay igalaw 🎵🎵🎵🎤" sabi ko sa kanya at sabay alis.

Mikhail Christopher Santos

√ matalino
√ president
√ mabait (sa iba)
√ matangkad
√ cute
√ yung 'payat' nya parang sa Koreano lang.
√ At may direction sa buhay....

Hindi ako kagaya ng ibang babae na gusto maputi, gusto gwapo, gusto ganito, gusto ganyan, etc. Yung halos perfect na yung tao, Eh sa totoo lang naman parang wala ng ganun sa mundo. Bitter ba? Di naman masyado.

Kaya eto ako minahal ang kabaliktaran ko.

Blence Ssiesy Castro

× May top naman sa klase
× Vice President
× mabait sa lahat
× hindi naman talaga ako 'mataba' e. MALAKI lang ako.
Matangkad na nga medyo chubby pa, kaya nasasabihan din akong 'baboy'. Huhuhuhu
× tinuturing kaibigan ng lahat.

So, yan ako! Huwag nyo na I tanong yung Ganda ko. Forever na yun. {[( walang ganun...}])

Katawan lang namin ang Opposite, ugali, mga likes at dislikes.

@Laboratory

"Oh Blessie! Halika ka dito, may iuutos ako sa iyo. Gusto ko kasi malaman kung sino-sino ang mga crush ng kaklase mo para sa Valentine's Party natin. May surprise kasi ako. Patulong ka nalang kay Miko, kayo lang kasi ang mapapagkatiwalaan sa mga ganitong bagay eh... Sige balik ka na. Sabihin mo na din kay Miko ha? Bigay mo nalang sa akin ngayong Wednesday. Sa Friday na yung party diba? Sige alis ka na." Pag pasok ko pa lang yan agad ang bungad sa akin ni Ma'am Dha. Parang Tropa nga lang namin yan sa room si ma'am eh pero medyo may edad na pero MAGANDA naman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Opposite Attract (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon