3| M&G

724 17 7
                                    


[NOTE: Purely fictional]

7:15 AM

Sht. Tanghali na huhu!

Bumangon agad ako at dali-daling gumayak. Wala ng hilod-hilod pa, sabon shampoo agad! Pagkatapos ay nagsuot lang ako ng Lady Spikers shirt at shorts then off to go na!

Pagkababa ko ay nakita ko ang pinsan ko sa sofa namin, nanonood ng TV. Siya kasi kasama ko sa M&G dahil di pumayag si Tiger Lily I mean si Nanay na wala akong kasama. Di naman siya fan, sakto lang. But mas fan siya ng ADMU HAHA!

"Nanay! Punta na kami."

Pagpapaalam ko. Hindi na ako kakain, bahala na. Baka di pa namin maabutan yung 1,000 seats.

"Oh baon mo. Ingat kayo ha, wag kang tatanga-tanga."

She said at binigyan ako ng 500.

-______-

Tf diba.

"Opo, sige na byeeee! Wish me na makapagpa-picture kay bebe Ara hihi."

"Sus! Sige na layas na ng tumahimik na bahay ko."

Di ko na pinansin si Tiger Lily at hinila ko ang pinsan ko palabas. Mag-L-LRT kasi kami ngayon since wala naman si tatay na maghahatid sa amin.

Nag-jeep kami papuntang Roosevelt station. Sa QC lang naman house namin so mejo malapit lang.

"Yela! Kain muna kaya tayo?"

"Jusko Lei! Anong oras na. Mamaya na, baka di pa tayo makaupo."

Pagkakuha namin ng card ay pumila na kami sa may entrance. Jusko haba!

Di rin nagtagal ay nakasakay na agad kami. I checked the time. 7:52 AM.

"Di na yata tayo makakaupo,"

Sabi ko sa pinsan ko. Mej maluwag pa naman since unang station pa lang naman 'to. So daldal muna.

"Ba't kasi late ka na gumising? Yan tuloy!"

Wow ha!

"Ehh kasi nga nagbasa pa ako ng ThomAra FF no!"

"ThomAra? Ehh may BaRa na ha?"

Ewwwww!

"Che! Antay ka lang, magiging reality din ang ThomAra."

Di na lang niya ako pinansin at tumingin na lang sa window side.

Biglang dumami yung sumasakay. Monumento station na pala.

Hindi ko na lang pinansin kahit yung babaeng sumakay eh pumwesto pa sa gilid ko at dikit na dikit na yung braso niya sa tagiliran ko kaya sumikip. Jusko!

-----

8:47 AM

"Vito Cruz Station,"

Ayan na yes sa wakas!

Bumaba kami ng pinsan ko at pumunta na sa Gate 2. Ghad sobrang haba ng pila!

Wala ng upuan huhu :'(

After kami i-check ng mga guards at mag-fill up then bigyan ng sticker ay pumasok na kami.

"Sht daming tao." Sabi ni Lei.

"Kaya nga wala na tayong seats."

Pumasok kami at tumayo na lang sa likod. Kahit mejo malayo, kita naman dito so ok na yun.

"Nagugutom na ako,"

Sabi ng pinsan ko. Hindi rin yata nag-umagahan. Haha!

"Ehh ayoko na umalis dito. Baka mawalan pa tayo ng pwesto."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SubstantialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon